37

108 5 1
                                    

                                       𝘈𝘚𝘏𝘒𝘓𝘌𝘐𝘕 𝘗𝘖𝘝

"At dapat natin masira ang hawak ni Penolope na flute." she's really smart ah. "Pero hindi na natin kailangan 'yong gawin dahil nakuha ko na ang flag nila."

Napalingon naman kami sa kan'ya dahil sa sinabi n'ya.

"Well I use the air so I can get their flag and I got it already." tila nakuha naman n'ya ang tingin namin kaya n'ya 'yon sinabi. "But if gusto n'yong labanan pa s'ya, go on. Basta ako hihintayin ko na lang maubos ang oras dahil limang minuto na lang naman na at matatapos na ito."

Dumikit naman ang mga kasama namin sa kan'ya.

"How did you know?" sabay-sabay nilang tanong.

Tinaas naman n'ya ang dalawa flag na hawak n'ya, well s'ya ang humawak sa flag namin.

Nakita naman namin na may oras doon.

Nabaling naman ang tingin ko kay Penolope at sa halimaw. Naririnig ko rin ang huni ng flute na tinutugtug n'ya.

Lumingon naman ako kay Samantha at tumango kaya naman naintindihan n'ya na ito. Sa tagal na naming magkakasama ay kabisado na namin ang isa't is.

Ilang saglit lang ay napaplibutan na kami ng mga baging.

Naramdaman ko naman na may humahampas sa baging. Alam kong ramdam rin nila 'yon dahil halata sa mukha nila ang paghahanda.

Pero ilang saglit lang ay huminto ang paghampas at nawala rin ang mga baging at napalitan ito ng malakas na sigawan at palakpakan.

"OHHHHH!!"

*Clappp* *Clapp* *Clapp*

"ANG GALING N'YO!!"

"HANDS OF GOD! HANDA OF GOD!"

"BLACK WINGS! BLACK WINGS!"

"WHITE DRAGON! WHITE DRAGON!"

*Clappp* *Clapp* *Clapp*

"QUIET, STUDENTS!" awat ni Hm kaya naman tumahimik ang lahat.

Nagawi naman ang tingin ko sa mga members namin na nasa taas, halata ang saya sa kanila dahil alam na nilang mananatili kami bilang Rank one.

"Napakahusay ng mga manlalaro ngayon, halata sa kanilang binigay nila ang lahat ngunit alam naman natin na sa bawat laro ay may mananalo at matatalo." napalingon naman ako sa mga kasama ko at halata sa kanila ng pagod ngunit halata rin ang saya. "At sa larong ito ay ang nanalo ay ang Black Wings, White Dragon and the Hands of God!"

Nagsigawan naman ang mga members ng bawat binanggit na guild at kasama na roon ang mga members ng guild namin.

"So for now the Rank for Guilds is done!" anunsyo ni Hm.

Well pagkatapos ng Rank for Students ay doon lang masasabi kung ano ang rank ng bawat guilds.

"So now go to your dorms is rest for the game tomorrow."

                               𝘛𝘏𝘐𝘙𝘋 𝘗𝘌𝘙𝘚𝘖𝘕 𝘗𝘖𝘝

Nakalabas na ang lahat pwera sa mga royalties, Anastasia at ang mga guild leaders.

Lalabas na rin sana ang mga ito ng mapansin nilang naglalakad si Penolope palapit kay Anastasia.

"You trick me." halata aa boses nito ang pagkainis.

Ngumisi naman si Anastasia at umiling iling.

"I didn't trick you the truth I save you." nagtaka naman ang mga naiwan sa sinabi ni Anastasia. "Cause if hindi ko kinuha sayo ang flag siguro pilay-pilay ka ngayon or sugatan ka."

Napailing na lamang ang mga royalties sa sinabi ng dalaga. Napaka raming p'weseng irason 'yon pa ang napili.

"I don't need your concern." inis na sabi ni Penolope.

"I'm not concern to you, I'm concern sa magiging laban mo bukas baka kasi maburyo akong manood sa laban mo bukas kung sakaling pilay-pilay ka." ngumiti ito na mas ikinainis ng dalaga dahil pakiramdam n'ya ay iniinsulto s'ya nito.

Susugudin sana nito ang dalaga nang may humawak sa kan'ya, nang lingunin n'ya ito ay nakita n'ya si Cholo at halata sa kan'yang nag aalala ito.

"She's right, and you want to be one of the choosen students for Collectors War 'di ba? Kung pilay-pilay ka bukas siguradong 'di ka makakalaban ng maayos." seryosong paliwanag nito.

Winaksi naman ng dalaga ang kamay ng binata na nakahawak sa kan'yang braso.

"Mas mag aalala ka kay Saffira, talo rin s'ya 'di ba?" nahalata naman ng mga andon ang sakit sa boses nito.

Nagtaka naman si Anastasia dahil sa sinabi ng dalaga dahil ang alam n'ya ay si Tiffany ang dahilan kung bakit nasira ang dalawa

Wala naman sana s'yang paki pero naisip n'yanv mapapadali ang mission n'ya kung alam n'ya ang kwento ng mga guilds leader lalo naang kwento nitong dalawa dahil kahina hinala ang paghihiwalay ng dalawa at sabi nila ay ang guild ni Cholo ng dahilan kung bakit may mga namamatay na estudyante rito.

"Wala akong pakiilam sa kan—" pinutol naman ito ni Penolope.

"At sa'kin meron? Meron kang pakiilam? Wtf, Cholo, kung meron kang pakiilam sa'kin 'di mo sana ginawa 'yon!" galit na sigaw ng dalaga.

"Galit ka pa rin?" napatingin naman sila kay Tiffany na nakakatayo na pero halatang masakit pa rin ang paa n'ya. "Ang tagal na nun, Penolope, sinabi ko na sayo, wala kaming alam doon. Hindi namin 'yon magagawa sayo."

                                      𝘈𝘕𝘈𝘚𝘛𝘈𝘚𝘐𝘈 𝘗𝘖𝘝

"Ang tagal na nun, Penolope, sinabi ko na sayo, wala kaming alam doon. Hindi namin 'yon magagawa sayo." ano ba talaga ang connection ng mga ito sa isa't isa.

"Wala kayong alam? May nakakita sa in'yo, may nakarinig sa in'yo! Narinig n'ya na plinano n'yo ni Saffira at Cholo na patayin 'yong nag iisang pamilya ko, ang ina ko. Kaibigan ko kayo pero nagawa n'yo 'yon sa'kin. Tapos sinekreto mo sa'kin na mate pala ni Cholo si Saffira." nanigas naman ako sa kinatatayuan ko dahil sa narinig ko.

So their old friends ah. Sa malalakas na awra at nakakatakot na presensya ay ganito pala ang nakatago sa kanilang katauhan.

"Uulitin ko, hindi namin 'yon ginawa at 'wag ka ring magmalinis, hinayaan namin na ipagkalat mo sa buong akademya na pinagsamantalahan ka ng Black Wings at inagaw ko sa'yo si Cholo." napangisi naman ako dahil naiinis na rin si Tiffany.

Nabaling naman ang tingin ko sa mga kasama ko at nakita kong napapailing na lamang sila at ganoon rin si Troy, sa reaksyon pa lang nila ay alam ko ng may alam sila, dati ba silang magkakaibigan.

"Stoppp!" sigaw ni Cholo at lumingon kay Saffira. "You! Ikaw ang may kasalanan lahat ng ito. Alam mo ang totoo pero 'di ka nagsalita." galit na dinuro nito ang dalaga at lalapit sana upang saktan s'ya ng mabilis nakarating si Ash at Troy upang hawakan s'ya.

Malalaman ko na ba ang mga sekreto ng mga ito.

"Calm dowm, Cholo, babae pa rin yan." babala ni Ash.

"Sht, she's your mate." pagpapaalala naman ni Troy.

"Wala akong pakiilam kahit mate ko s'ya, ang mahal ko labg si Penolope. Alam n'yo 'yon!" hayss parang 'di pa ito ang oras.

Tumalikod naman ako at sinigurado kong tutunog ang paghakbang ko. Nanahimik naman sila at ramdam kong lumingon sila, patuloy naman akong naglakad at tinaas ang kanang kamay ko.

"I quit, I don't want to watch a drama or heard a corny confession"

𝖳𝖧𝖤 𝖢𝖮𝖫𝖫𝖤𝖢𝖳𝖮𝖱'𝖲Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon