SPECIAL CHAPTER 06

37 1 0
                                    

SPECIAL CHAPTER 06

⚡VIVIAN ALISHA POV⚡

"Nakatulog kaba ng maigi, binibini?" tanong sa akin ni Simon.

Si Simon, siya ang lalaki na may hawak ng Weapon Book.

"Oo, at nakahanda na akong talunin ka." ito na ang araw na kami ay maglalaban.

"Tunay nga'ng malakas ang iyong tiwala sa sarili mo." natatawang wika nito.

Hindi ko naman na ito sinagot sapagkat nagsalita na ang taga-anunsyo.

"MAGSISIMULA NA ANG TUNGGALIAN SA PAGITAN NG ATING PINUNO AT BINIBINING VIVIAN!" nasigawan naman sila at ang sinisigaw nila ay ang pangalan ni Simon.

"PINUNO! PINUNO! PINUNO!" nilibot ko naman ang aking paningin at nakita ko naman si Celine at Kiddo na halatang nag-aalala.

Nang magising sila kahapon ay sinisi agad nila ang kanilang sarili at hindi sila agad naalimpungatan para pigilan daw ako hayss..

"KUNG SINO ANG UNANG LUMABAS SA BILOG AY SIYA'NG TALO! MAGSIMULA NA!"

Nilabas ko naman ang book ko, yes my general book, dahil ang usapan namin ay hindi ko maaaring gamitin ang dalawang collectors book.

Agad ko namang pinili ang isang card.

"POWER GUN." wika ko at binato ang card at agad namang naglaho ito....may lumitaw naman sa aking harapan na isang baril na napakalaki.

Sa kabila ng aking nilabas na card ay hindi pa rin gumagalaw si Simon. Minamaliit ba ako ng lalaking ito?

Inasinta ko naman si Simon, ngunit ganoon pa rin ang postora niya.

"SHOOT!" kinalabit ko naman ang gatilyo nito.

Nakita ko namang hindi ito gumalaw kahit kaunti kahit palapit na ang bala. Ngumisi naman ako at naglabas muli ng dalawang cards.

"SPEEDI! STRENGTH!" kasabay ng paghagia ko rito ay ang pagtakbo ko at nang naabutan ko ang bala ay agad akong tumalon para makasakay rito.

Nakita ko namang lumaki ang mata ni Simon sa gulat, kaya napangisi pa ako ng tudo.

Nang ilang layo na lang ay tatama na sa kaniya ang malaking bala ay tumakbo ito papunta sa kanang bahagi ng bilog, at inaasahan ko na iyon.

Pumitik ako sa hangin at naglaho naman ang bala at agad naman akong tumakbo sa kinaroroonan ni Simon.

Agad ko itong sinipa ngunit nahawakan agad nito ang aking paa. Naramdaman ko naman ang puwersa niya na ibabato na niya ako pero agad akong nagbent at hinawakan ang paa niya.

Inipon ko ang lakas ko sa paa at mga braso ko. Malakas kong hinila ang paa nito kaya pareho kaming natumba ngunit sinigurado niya hindi kami lalabas sa bilog.

Agad naman akong bumangon at ganoon rin siya. Agad ko itong sinugod ng suntok at sinasalag at iniiwasan naman niya ang mga ito.

Napaatras naman ako ng sinampal ako nito, hindi ko ito inaasahan kaya natamaan ako. Humapdi naman ang labi ko, nang hawakan ko ito at tinignan ko ay may dugo ito. Naramdaman ko namang dumaloy ito, agad ko naman itong pinunasan gamit ang likod ng palad ko.

Tumingin naman ako sa kaniya ng walang emosyon, nakangisi ito na tila natutuwa.

Tumayo naman ako ng maayos at humarap sa gilid, huminga ako ng malalim at pinakawalan ito. Lumingon ako sa kaniya at inangat ang kamay ko na tila hinahamon ito.

Nakita ko namang may parang kinuha siya sa hangin, ibig sabihin nun may nilabas siyang card.

Pero bago pa man niya ito maihagis ay agad akong tumakbo at kinuha ang card kahit di ko ito nakikita, pero ng tignan ko ang aking kamay ay nakita kong may unti-unting lumilitaw na card na nakaipit sa dalawang daliri ko.

Tumingin naman ako sa kaniya at ngumisi, "THOUSANDS OF SWORD!"

May mga lumitaw na mga espada sa aking harapan, kinumpas ko ang kamay ko at lipad naman ang mga ito papunta kay Simon.

Nakatuon ang pansin niya sa mga iniiwasan niyang espada kaya kinuha ko itong pagkakataon na pumili ng card.

"Teleport."

Pagpikit ng mata ko ay nasa likod na ako ni Simon, alam kong naramdaman niya iyon dahil lilingon na sana siya ng pinuwersa ko siyang buhatin at ibato sa labas ng bilog.

Hahawakan niya sana ang ulo ko pero binato ko agad ito at nagteleport pabalik sa kinaroroonan ko kanina. Pumitik ako at nawala lahat ng espada.

"ANG NAGWAGI SA PALIGSAHAN NA ITO AY ANG NAG IISANG SI BINIBINING VIVIAN ALISHA QUIN!!" anunsyo ng taga-anunsyo.

Lumapit ako kay Simon na nakatayong nakangiti.

"Tunay nga'ng nanalaytay ang dugo ng demon god sa iyo." ngumisi naman ako.

"Kahit hindi manalaytayang dugo niya sa akin ay matatalo pa rin kita. Dahil hindi ko naman hahayaan na maging asawa mo lang." tumawa naman ito sa aking sinabi...naramdaman ko namang nasa likod ko na si Celine at Kiddo.

"Bakit, binibini?" nakangiting tanong nito.

"Dahil ang aking pinakamamahal ay naghihintay sa aking pagbabalik. At siya lamang ang ninanais kong mapangasawa kung hindi rin lang siya ay mas gugustuhin ko na lamang maglaho na parang bula."

𝖳𝖧𝖤 𝖢𝖮𝖫𝖫𝖤𝖢𝖳𝖮𝖱'𝖲Donde viven las historias. Descúbrelo ahora