60

72 3 1
                                    

                  𝘛𝘏𝘐𝘙𝘋 𝘗𝘌𝘙𝘚𝘖𝘕 𝘗𝘖𝘝

"Buhay sa buhay! Buhay ng anak ko ang kinuha mo kaya naman buhay ng anak mo ang kukunin ko!" sabay ng pagbitiw ng mga salitang 'yon ng hari ay bigla itong naglaho.

Tila natuod naman ang lahat ng makita na lang nila si King Aslan na sakal-sakal si Magda habang naka-angat ito. Nasa gitna rin ang dalawa kaya naman malinaw na nakikita nila ang nangyayari.

Naalerto naman ang lahat ng makita nilang naglabas ng espada si King Edmund at naglaho. Susugod na sana si Ashklein at iba pa ng biglang naglaho ang dating dyosa ng buwan, si Valentiana.

Nabalik naman ang paningin nila sa gitna ng biglang naramdaman nila ang malalakas na awra at enerhiya.

Nakita na lamang nilang nagbabatuhan na ng kapangyarihan si Valentiana at Edmund samantala hinagis ni King Aslan ang dalagang si Magda patungo sa kinaroroonan ng mga dem*ns pero bago pa man ito bumagsak ay lumitaw muli ang hari ngunit may hawak na itong espada na nagliliyab ng apoy na puti.

Tutungo na sana si King Edmund sa kinaroroonan ng kapatid at anak niya upang mapigilan ang mangyari ngunit kasabay ng pagsulpot nito sa kinaroroonan nila ay kasabay ng pagsaksak ni King Aslan sa kaniyang nag-iisang anak.

May namuo namnag itim na apoy sa kamay ni King Edmund at binato ito kay King Aslan, naihagis naman si King Aslan at agad naman itong pinigilan ni Valentiana gamit ang isang palad nito na nababalutan ng liwanag.

"AHHHHH! I'LL KILL YOU, ASLAN!" galit na sigaw ni Edmund habang yakap-yakap ang anak nito at sabay-sabay na naglaho ang mga ito.

Hindi naman sumagot si Aslan, naglaho ito at sumulpot na lamang sa kinaroroonan ng bangkay ng nag-iisa niyang anak, ang nag-iisang taga-pagmana niya.

Naglaho muli ito at sumulpot na lamang sa harap ng mga iba pang maharlika, mga estudyante ng akademya at sa mga kaibigan ng dalaga.

Balak sanang hawakan ito ni Ashklein ngunit nahinto ang kamay nito sa ere nang tignan siya ng hari na walang emosyon. Wala itong magawa kung hindi tignan na lamang ang dalagang iniibig niya na walang buhay habang nasa bisig ng kaniyang amang hari.

Lumapit naman si Valetiana at binitawan ang espada niya, balak sana nitong hawakan ang kaniyang anak nang tumalikod bigla ang hari at naglakad.

"Saan mo siya ipupunta, Aslan?" may hinanakit na tanong ng babae.

Hindi nito matanggap na ayaw ipahawak man lang ng lalaki ang anak niya.

"Sa palasyo kung saan dapat naroroon siya at nakiki-usap na ako." lumingon ito at tinitigan si Valentiana. "Huwag ka ng babalik sa palasyo dahil baka may magawa akong masama sayo sa susunod nating pagkikita." walang emonsyong wika ng hari ngunit nababasa sa mata nito ang galit.

May nais pa sanang sabihin ang babae ng hinawakan siya ng isa pa niyang anak na si Penolope, pinigilan nito na magsalita pa.

"Hayaan niyong makita man lang namin ng aking kapatid, King Aslan, kung hindi man bilang ina hayaan niyong makita siya ng aking ina bilang isang kaibigan ko." napatingin naman silang lahat kay Penolope dahil hindi sila makapaniwala sa sinabi nito.

Bumuntong hininganaman ang lalaki. "Sige, magbubukas ang portal patungo sa aming palasyo bukas. Maaari kayong tumungo roon ng isang araw, napamahal na ang aking anak sa inyo. Kaya siguradong matutuwa ito kung naroon kayo."

Nagsimula muli itong maglakad pero huminto muli ito ngunit nanatili pa rin itong nakatalikod. "Hihintayin ko ang pagbabalik niyong magkapatid sa ating palasyo. Oras na para pagsilbihan niyo ang tunay niyong hari."

Nagtaka ang lahat kung sino ang tinutukoy niya ngunit ang dalawang taong tinutukoy niya ay tila nagising sa reyalidad na hindi sila roon nabibilang.

Bago man naglaho ang hari ay may binitawan muli itong salita na ikinatuwa naman ng maharalika at anh headmaster ng akademya.

"Namumuhi ako sa inyo dahil sa nangyari sa aking anak pero huwag kayong mag-alala hindi ko wawasakin ang inyong akademya sapagkat asahan niyo na ako'y tutulog sa magaganap na digmaan."

𝘒𝘠𝘓𝘈 𝘓𝘌𝘐𝘎𝘏 𝘗𝘖𝘝

Ngayon ay nandito kami sa Hidden Palace, masasabi kong napakaganda rito. Mababait rin ang mga dem*ns na naninirahan dito.

Ngayon ay naglalakad kami sa pasilyo ng palasyo ni King Aslan, napahinto naman kami sa harap ng isang malaking painting.

𝑉𝑖𝑣𝑖𝑎𝑛 𝐴𝑙𝑖𝑠ℎ𝑎 𝑄𝑢𝑖𝑛𝑛

Huh? Vivian Alisha?

"Siguro nagtataka kayo kung sino yan." napalingon naman kami sa lalaking nagsasalita. "Siya ang nag-iisang prinsesa ng Hidden Palace."

Kung ganon...si Anastasia at si Vivian ay iisa?

"Tama ang nasa isip niyo. Ang kaibigan niyong si Anastasia ay ang prinsesa naming si Vivian." ngumiti ito pero halatang malungkot ito. "Tuwing lalabas siya at pupunta sa White City Anastasia Aphrodite ang ginagamit niyang pangalan. 'Yon din ang ginamit niya noong nanirahan siya sa mortal world kasama si master Kathleya."

Naglakad na ito paalid at walang lingon-lingon. "Nakakalungkot sapagkat napaslang ang aming prinsesa."

Nanatili naman ang paningin namin sa kaniya kaya naman nang huminto ito sa paglalakad at lumingon sa'min ay nakita namin.

"Maligayang pagbabalik, Kiddo and Celine." napalingon naman ako sa katabi ko.

Nakayuko ito at alam kong nagbibigay galang ito. What he's saying?

"Salamat, master Leo." wika nila.

Ngumiti naman ang master Leo na tinatawag nila. "Sumunod kayo."

Nang lumingon ako kay Celine at Kiddo ay nakita kong nawala ang mga ngiti at napalitan ito ng walang emosyong mukha. Sinensyas naman nila ang kamay nilang sumunod kami.

Nauna silang maglakad kaya naman nasa harap na namin ang tatlo. Nag-uusap sila samantalang kami ay nanatiling tahimik dahil sa mga nalalaman namin.

"Nakakalungkot na namatay ang inyong kababata, hindi ba?" wika nito.

"Mas nakakalungkot na hindi ko nagawa ang pangako ko sa kaniya. Ang pangakong proprotektahan ko siya." seryosong sagot ni Kiddo.

Narinig naman naming bumuntong hininga si Master Leo. Inakbayan nito ang dalawa at nagsalita.

"Alam kong sinisisi niyo ang sarili niyo at naiintindihan ko kayo pero mas mabuting tigilan niyo ang pagsisi niyo sa sarili dahil tiyak na hindi matutuwa ang prinsesa." inalis nito ang pagka-akbay sa dalawa at hinayaan si Celine na magsalita.

"Alam namin 'yon, master. Pero hindi namin mapigilan dahil hindi man lang namin naprotektahan ang prinsesa, hindi man lang namin nasuklian ang pagligtas niya sa'min noong mga bata pa kami."

𝖳𝖧𝖤 𝖢𝖮𝖫𝖫𝖤𝖢𝖳𝖮𝖱'𝖲Where stories live. Discover now