39

112 2 0
                                    

                               𝘛𝘏𝘐𝘙𝘋 𝘗𝘌𝘙𝘚𝘖𝘕 𝘗𝘖𝘝

Nakalipas ng ilang oras ay halos tapos ng maglaban ang lahat maliban sa dalawang babae kaya naman hindi pa man natatawag ang pangalan nila ay sinisigaw na ng mga estudyante ng mga pangalan nila.

"OHHHHH THIS IS IT!"

"WAHH KA EXCITE!"

"GO, LADY SNOW!"

"LADY MICHAELLA!"

Natahimik naman sila nang humakbang paharap ang emcee at tinaas abg kamay na sensyales upang tumahimik sila.

"SNOW EVELYN NIGHT VS MICHAELLA VOUGH!" nagsigawan naman muli ang lahat dahil ngayon lang nangyari na dalawang maharlika at pareho pang guild ang pinagmulan.

Ngunit natahimik naman ang mga kasama ng dalawang dalaga na ikinataka ni Anastasia.

Samantala ay magkaharap na ang dalawang dalaga, nararamdaman ng mga manonood ang tensyon sa kanilang dalawa.

"I think this is the end." hindi naman nagsalita si Snow sa sinabi ni Michaella. "Dito na magtatapos ng pagpapanggap natin."

Narinig naman 'yon ng mga manonood kaya natahimik sila ganoon din si Anastasia na mas nadagdagan ang katanungan nito. Samantala ang mga reyna at hari ay napaseryoso.

"You mean, tapos na ang pagpapanggap mo."

                            𝘚𝘛𝘖𝘙𝘔 𝘕𝘐𝘎𝘏𝘛 𝘗𝘖𝘝

"You mean, tapos na ang pagpapanggap mo." napatayo naman ako ng lumapit si Michaella sa kapatid ko pero may humawak sa'kin.

"Sit down, Storm." napatingin naman ako kay kuya Rain nang sabihin n'ya 'yon. "She got this, bro, so chill."

Nag aalinlangan naman ako pero naramdaman ko bigla ang kamay na humawak s balikat ko kaya lumingon ako at nakita ko si Vleen na seryoso.

"Hindi matutuwa ang kapatid mo kung iisipin mong 'di n'ya kaya si Ella." napaiwas naman ako ng tingin dahil sa sinabi n'ya.

Kung akala ng lahat ay perpekto ang pagsasama namin isa lang ibig sabihin nun, magaling kaming magpanggap.

Minsan napapaisip ako kung maaayos pa ba? Maibabalik pa ba 'ying dati naming koneksyon. Bumalik naman ang paningin ko sa kapatid ko at sa babaeng mahal ko na naglalaban na.

Nilingon ko naman ng kapatid ko at si Vleen na nakapamulsang nakatayo habang nakatingin sa'kin.

"May tiwala ako kay Snow sadyang 'di ko lang mapigilang mag-alala." tumango tango naman sila at nilipat ang paningin sa babaeng naglalaban. "Kahit kailan 'di nawala 'yong tiwala ko, nag aalala lang ako para sa dalawang babaeng importange sa buhay ko."

                                  𝘛𝘏𝘐𝘙𝘋 𝘗𝘌𝘙𝘚𝘖𝘕 𝘗𝘖𝘝

Nagulat naman ang dalagang si Snow nang biglang may binugang likido ang dalagang si Michaella ngunit mavilis naman n'yang itong naiwasan.

Napatitig naman ito sa sahig na nabutas, nilipat naman n'ya ang tingin n'ya sa dalagang nagbuga ng likido.

"Do you really want to kill me?" walang emosyong sabi nito habang nakaluhod ang isa n'yang tuhod at nakalapag ang kamay n'ya sa sahig ng battle area.

Napatingin naman si Michaella ng biglang may nabubuong dilaw na bilog sa sahig kung saan nakalapag ang kamay ni Snow.

Hindi naman ito pinansin ng dalaga at naghanda.

"Hindi naman, why would I kill my bestfriend." seryosong sagot nito sa sarkastikong tanong ng ng dalaga.

Ngumisi naman ang dalagang si Snow at inangat ang ulo nito.

"Yeah, your right." tumalon ito patalikod at kasabay nun ay paglabas ng apat na White Dem*n Snakes. White symbolizing that their master is none other than Snow Evelyn Night.

Kalahating demony*, kalahating ahas.

Napa atras naman ng isang beses si Michaella dahil sa nakita n'ya, paano n'ya nakalimutan na summoner pala ang dalaga ng mga Dem*n Animals.

Nilabas naman ng dalagang si Michaella ang espada n'ya at nasilayaan naman 'to ni Snow kaya tinaas n'ya ang dalawabg kamay n'ya, tapat sa dibdib.

Mabilis na tumakbo si Michaella upang harapin ang apat na Dem*n Snakes habang si Snow naman ay ginagalaw ng dalawa n'yang kamay upang kontrolin ang mga Demon Snakes.

Mabilis na tinusok ni Michaella ang mata ng dem*n snakes na pumulupot sa kan'ya kaya tumalsik ang dugo ng ahas sa kan'ya.

Nakawala naman s'ya sa ahas, agad iting tumalon ng muntik may tumuklaw sa kan'ya.

Samantala ang nga kaibigan ng dalawng dalaga ay alalang-alala dahil nahahalata na nilang umiinit na ang laban ng dalawa.

Pakiramdam nila ay gusto ng magpatay*n ang dalawa kaya nag aalala na ang mga ito. Maliban sa dalagang si Anastasia at sa binatang si Ashklein.

"Huwag na kayong mag alala, hindi naman hahayaan ni HM o ng mga reyna at hari na may mangyari malala sa dalawa." nakangising sabi ni Anastasia. "Just enjoy their fight because it's fun."

Hindi naman makapaniwalang tumitig ang mga kasama n'ya sa kan'ya, hindi sila makapankwala na nag eenjoy ang dalaga eh halata namang hindi na maganda ang laban ng dalawa.

Magsasalita sana ang isa sa kanila nang magsalita ang leader nila.

"She's right, sigurado rin ako na hindi nila papatay*n ang isa't isa lalo na't gusto rin nilang ulit makasali sa Collectors War." tuluyan naman nang natulala ang mga ito ng marinig nilang sabihin 'yon ng dalawa.

"Dmn seryoso ba kayo? Tignan n'yo nga silang dalawa para na silabg magpapatay*n." pakiramdam naman nila ay mahihimatay sila nang sabay na sumagot ang dalawa.

"Yes, we're serious at s'yaka parang lang naman 'di ba? Hindi nila papatay*n ang isa't isa."

                                 𝘚𝘕𝘖𝘞 𝘌𝘝𝘌𝘓𝘠𝘕 𝘗𝘖𝘝

"Sht can you just fight me stop playing me." galit na sabi nito ng natamaan s'ya ng buntot ng dem*n snake ko na dahilan na dahilan upang tumama iti sa barrier.

"What do you mean? Playing you? I'm not a kid anymore to play with you." mariing sagot ko rito.

Bakit n'ya naisip na nakikipaglaro ako?

Napatitig naman ako sa kan'ya ng ilabas na n'ya ang isa sa mga kakayahan ng royal witch. Ang magpalabas ng mga lason.

Napangisi naman ako ng mabilis n'ya itong ibato sa kinontrol kong dem*n snake para sumugod.

Napahinto naman ako sa pagkontrol sa mga ahas ng maramdaman ko ang emosyon ng kakambal ko. Umangat ang tingin ko sa pwesto nila at napabunting hininga.

Kinontrol ko naman ang isa sa mga dem*n snakes naaging maliit, tila hindi naman 'to napansin ni Ella siguro ay dahil inakala n'yang nalason na ito pero hindi dahil hindi malalason ang mga dem*n snake dahil iniipon nila ang mga ito.

Kailangan ko na itong tapusin dahil hindi ko gusto ang nararamdaman ng kapatid ko.

Kinontrol ko ang dem*n snake na ginawa kong maliit upang tuklawin si Ella. Pinawala ko naman ang mga dem*n snakes ng matuklaw na si Ella.

Pasugod na sana ito ng bigla itong mapaluhod. Hindi n'ya siguro naramdaman ang pagtuklaw ng dem*n snake sa kan'ya dahil ang sarili n'yang lason ang naipasok sa kan'ya.

"SNOW EVELYN NIGHT, WIN!" anunsyo ng emcee ng mapansin n'yang 'di na makakalaban pa si Michaella.

Lumapit naman ako rito at bumulong.

"Pag gumaling ka na, sabihin mo sa'kin kung anong pakiramdam ng malason sa sariling lason."

𝖳𝖧𝖤 𝖢𝖮𝖫𝖫𝖤𝖢𝖳𝖮𝖱'𝖲Where stories live. Discover now