68(PART ONE)

63 1 0
                                    

🍃PENOLOPE POV🍃

Sipa room, sipa rito. Suntok doon, suntok dito.

Kanina pa kami naglalaban ngunit hindi ko na ramdam ang pagod, gutom at uhaw. Ang gusto ko lang mangyari ay matapos na ito.

"Koro-koro, I SUMMON YOU!" sigaw ko.

Si Koro-koro ay isang halimaw na nakatira sa Mount. Monsteria at ito ay nakipagkontrata sa akin upang maging alaga ko.

Agad namang may sumulpot na halimaw sa harap ko. May isang mata, pakpak, apat na kamay at dalawang sungay.

Tumalon naman ako para makasakay sa kaniyang likod. Pinasugod ko ito at agad naman akong bumaba.

"Hord Gun." bumunot ako ng card gamit ang kaliwang kamay ko at inangat ito. "Poison Bullets." inangat naman ko naman ang kanang kamay ko.

Sabay kong hinagis ito sa ere at nagsama ang dalawang cards at bigla na lang may lumutang na baril na gawa sa sungay agad naman ko naman itong kinuha at tinutok sa isang kalaban na parating at pinaputok ito.

Agad na nalulusaw ang mga dem*nyo na napapaputokan ko at talagang napakagadang pagmasdan iyon. Ngunit napahinto ako ng makarinig sa sigaw at bigla na lang akong napatingin roon.

"INA! AMA!"

Tila nanigas ako ng makita kong tumagos ang espada ni King Edmund sa katawan ni King Aslan at sa aking inang Valentiana.

Napatakbo agad ako at lahat ng nakakasalubong ko ay binabaril ko.

Hindi ka maaaring mamatay, ina, hindi ko pa nasasabi kung gaano kita kamahal.

🍃KYLA LEIGH POV🍃

Gagawin ko ang lahat para matapos na ang gulong ito, handa akong makipagpatayan para lang matapos na ito. Gusto ko ng mamuhay si kuya Ash ng masaya kasama ang minamahal niya, simula noon ako lagi ang iniisip niya at ngayon Isa lang ang hiling ko 'yon ay matapos na ito at mamuhay kami ng masaya.

Ngunit tila hindi ko na makikita ang araw na sasaya si kuya dahil nakikita ko na lamang ang papabulusok na espada patungo sa'kin at hindi ko maigalaw ang katawan ko.

Napapikit ako ngunit wala akong naramdaman na tumurok sa akin. Napamulat naman ako at nakita ko ang pamilyar na likod.

"BLOOD POTION." wika nito at hiangis ang card....may lumulutang na mga dugo at kinontrol niya ito patungo sa nagbato ng espada kanina.

"AHHHHHHH!" sigaw ng dem*nyo nang pinalibutan siya ng dugo at bigla na lamang lumabas ang kaniyang dugo at eww itim 'yon ngunit ng humalo ito sa dugong lumulutang ay naging pula rin ito.

Lumingon sakin ang lalaki na nasa harap ko at nakita ko si Kiddo, ilang linggo na kaming magkakasama ngunit hindi ko pa rin siya nakakausap. Ang mga dugo ay bumalot sa kaniya at tila naging isang kapa.

"Sa susunod, huwag kang pumikit dahil ang dapat mong gawin, harapin ito, iwasan o salubungin." Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis sa mga sinasabi nito.

Pero agad kong hinagis ang espada ko sa gilid ng ulo niya at ilang segundo lang ay bumagsak ang pasugod sa amin.

"Sa susunod din, huwag kang tatalikod." tumawa naman ito at ngumuso na para may tinuturo sa likod ko.

Lumingon naman ako room at nakita kong may nakabulagta roon at lumulutang ang dugo nito.

"Sabihin mo yan sa sarili mo." sabi nito.

Nagdikit ang aming likod at hinarap na ang kalaban at huminto sa pag uusap.

"SOUL CHAINS." hinagis ko ang card at naramdaman ko na lang na may hawak akong kadena.

𝖳𝖧𝖤 𝖢𝖮𝖫𝖫𝖤𝖢𝖳𝖮𝖱'𝖲Where stories live. Discover now