70

61 2 0
                                    

☘️THIRD PERSON POV☘️

"HOLY SWORD!" nakakasilaw na liwanag ang bumalot kay Vivian Alisha.

Nais man nilang makita ang nangyayari ay hindi nila magawa dahil pakiramdam nila ay mawawalan sila ng paningin kung ipagpapatuloy nilnag tignan ito.

Samantala hindi maintindihan ni Ashklein kung bakit nakikita niya pa rin ng malinaw si Vivian Alisha ngunit nang makita niyang nasa likod ng dalaga ang hari.

Naglabas agad ang binata ng card at hinagis ito at hinanda ang sarili.

"TELEPORT." wika nito.

Ilang saglit lang ay nakita ng binata na nasa harap na niya ang hari. Agad na sinipa ni Ashklein ang hari kaya naman nahagis Ang hari palayo sa dalaga.

Naramdaman naman ni Ashklein na hihinto sana ang dalaga ngunit agad itong lumapit dito at hinawakan ang dalawang braso niya upang Hindi Ito mababa.

Nagulat si Vivian Alisha sa paghawak sa kaniya. Nais sana niyang huminto dahil narinig at naramdaman niya ang nangyari sa kaniyang likuran.

"Ipagpatuloy mo, Vivian, ako na ang bahala rito. Gagawin ko ang makakaya kong pigilan siya hanggang sa makumpleto ang ritual mo." bulong ng binata.

Nagtaka Ang dalaga paano niya nalaman na ritual ang ginagawa niya, ginagawa niya ito para matawag ang Holy Sword.

Ngunit BINALEWALA niya ito dahil hindi niya alam kung bakit nakaramdam siya ng kaba, alam niyang hindi 'yon para sa sarili niya kung hindi para ito sa binatang nakahawak pa rin sa kaniyang braso.

Dahan-dahang binitawan ng binata Ang dalawang braso ng dalaga nang maramdaman niyang may paparating na enerhiya sa kinaroroonan niya.

Agad siyang naghagis ng lilang apoy kaya naman nagkasalubong ang dalawang enerhiyang iyon na nag sanhi ng medyo malakas na pagsabog.

Pinipilit ng dalaga ang sarili na wag itigil ang ritual at lumingon at tulungon ang binata dahil hindi niya kayang marinig ang mga doing ng binata.

Nag-aalala na ang mga kaibigan ng dalawa, pinipilit nilang basagin ang barrier ngunit hindi sila nagtatagumpay.

"MASTER'S, ANG KUYA KO! TULUNGAN NIYO SIYA." madamdaming sigaw ni Kyla Leigh dahil sa pag-aalala nito sa kaniyang kapatid.

Hindi naman sumagot ang tatlong master. Nanatili silang tahimik hindi dahil wala silang pakiilam sadyang alam nilang wala silang magagawa.

Nanatili namang tahimik din ang iba, hindi nila alam kung ano pa ba ang dapat nilang ipagdasal para lang matapos ang lahat ng ito.

Bumalik naman tayo sa kinaroroonan nila Ashklein.

"SEALING PYRAMID." bulong ng binata sabay bato sa card.

Yumanig sa kinatatayuan ni King Edmund at nagulat siya ng biglang may mga pader na pumapalibot sa kaniya at unti-unti pumoporma itong pyramid.

Ilang saglit lang ay nakumpleto na ang sealing pyramid. Tumalikod ang binata at naglakad palapit sa dalagang pinagpapatuloy pa rin ang ritual.

Napasigaw at pilit na binabasag ng buong ZERO na ang barrier ng Makita nilang unti-unting nalulusaw ang pyramid.

"ASHKLEIN!"

"KUYA!"

"LEADER!"

"SHT! ASH!"

May naririnig namang mahihinang sigaw si Ashklein at boses ito ng mga kaibigan niya. Lilingon na sana ito sa kanila ng biglang may pwersang humila sa kaniya.

Nakita na lamang ni Ashklein ang sarili niya na sakal-sakal siya ng hari. Nahihirapan na siyang huminga at bigla itong napatingin sa dalagang may hawak ng espada.

Napangiti ang binata dahil malapit na......

Naramdaman ng binata ang isang butil ng luha ang tumulo sa kaniyang mata ng bumaon ang espada sa kaniyang tiyan at hinagis siya ng hari.

Umubo ang dugo ang binata at napalingon sa mga kaibigan niyang nagwawala na sa harap ng barrier. Dumako naman ang tingin nito sa kaniyang kapatid na nakaluhod at lumuluhang nakatingin sa kaniya.

Napalingon naman siya sa tatlong master ng napalapit ang mga ito sa barrier at nakatingin sa kinaroroonan ng dalaga.

Dumako ang tingin ng binata roon at pilit itong kumuha ng lakas para makatayo. Nakataas na ang espada ng hari at handa ng isaksak sa dalaga.

Ramdam ng dalaga ang presensya ng hari sa kaniyang likod, nais niya itong harapin ngunit kailangan na niyang tapusin ito.

Tinaas ng dalaga ang espada at handa na rin itong itarak sa mga apat na libro na patong-patong.

Bago pa man maitarak ng dalaga ang espada ay naramdaman na niya ang paparating na sandata sa kaniya na magtatapos sa buhay niya. Napapikit ito at hinihintay ang pagtarak sa kaniya ngunt may malamig na likidong tumulo sa kaniya at biglang may yumakap sa kaniya at hinawakan ang kamay nito at kumontrol sa kamay niyang itarak sa libro.

Sumabog ang libro ng nakakasilaw na liwanag, napabulong Ang tatlong masters.

"HOLY LIGHT." nakangiting wika nila at nakita nilang may dust na itim na kumalat sa hangin.

Alam nilang napuksa na lahat ng masasamang dem*nyo at isa na roon si King Edmund.

Samantala nanatiling nakayakap ang taong nasa likod ng dalaga.

"Ash." mahinang bulong ng dalaga..bumalik ang kaniyang ala-ala bilang Anastasia noon.

Humigpit naman ang yakap ng binata ng muntik lumingon ang dalaga sa kaniya.

Samantala nanatiling nakayakap ang taong nasa likod ng dalaga.

"Ash." mahinang bulong ng dalaga..bumalik ang kaniyang ala-ala bilang Anastasia noon.

Humigpit naman ang yakap ng binata ng muntik lumingon ang dalaga sa kaniya.

"Huwag mong sisisihin Ag sarili mo ah." wika nito na nagsanhi para mapaluha na nga ng tuluyan ang dalaga. "Tandaan mo ginawa ko ito dahil gusto kong protektahan ka at huwag ng hayaan pang maulit ang nangyari noon."

Nagpumiglas ang dalaga ngunit nang marinig na dumaing ang binata ay huminto ito.

"Ayaw ko ng mangyari na ikaw ulit 'yong magsasakripisyo. Isa kang prinsesa, mahal ko." napahagulgul naman ang dalaga dahil sa timawag sa kaniya ng binata.

Unti-unti nawawala ang liwanag at unti-unting nakita ng mga kaibigan nila ang pangyayari. Napatakbo naman sila agad palapit sa kanila.

"KUYA!"

"ASH?"

"ASHKLEIN!"

Sigaw nila napangiti naman ang binata habang ang dalaga ay patuloy na humahagulgul.

Unti-unting naglalaho ang binata at nararamdaman na rin nito na nanghihina na siya ngunit masaya siya dahil kung mawawala man siya ang importante ay kasama niya ang dalaga at nasilayan niya ito bago siya mawala.

"Mahal kita mapa-Anastasia ka man o mapa-Vivian ka pa basta tandaan mong nag-iisa ka lang sa puso ko, mahal ko. Paalam."

𝖳𝖧𝖤 𝖢𝖮𝖫𝖫𝖤𝖢𝖳𝖮𝖱'𝖲Where stories live. Discover now