Dumating ang araw ng 26. Nagtatalon, nagsisigaw, at nagpakapaos sila sa pagsabay sa kanta ng bandang December Avenue. Pasado madaling araw na sila nakauwi gayong late na rin natapos ang concert.
Nagtatawanan silang bumaba ng sasakyan. Hindi mabura ang ngiti sa labi ni Leison habang hawak ang souvenir na nakuha mula sa bokalista ng banda.
"Ano nga ulit yung ibabalita mo?" Nilingon niya si Nero na nakasunod sa kanyang likuran.
"Ah, naapproved yung binibili naming branch sa Florida. You know, it was magical!"
Agad siyang natigilan. Tuluyan siyang humarap kay Nero. Ilang segundo siyang nakamasid sa mukha nito.
Alam niya ang tungkol sa sinasabi nito. Iyon yung business na pinag-investan nito noong iwan nito ang pwesto sa Ravaje's upang ipaubaya sa kanya.
"It means... you're leaving?" Pagkumpirma niya sa nais nitong ibalita. Sa unang pagkakataon ay hindi niya magawang suklian ang ngiti nito. "Kailan ka aalis?"
"Dapat last week pa, kasi nagsisimula na sila sa renovation, pero ayaw ko mamiss yung first anniversary ng coffee house kaya sabi ko--"
Natigilan si Nero nang mabilis niyang tawirin ang kanilang pagitan. Yumakap siya dito nang mahigpit. Ramdam niya ang pag-init ng sulok ng kanyang mga mata.
Two years ago, Nero was just a rude neighbor she ever had. Now, he is the greatest friend she has ever made. Naroon ito sa mga panahon na tuliro siya. Nero's always there to look after her. Nagiging madali ang lahat ng bagay kapag andiyan si Nero.
Ngunit may mga bagay yata talaga na kailangan niyang matutunan mag-isa. Nero built a strong and independent woman, and it is yet to be tested.
"Mag-iingat ka.." Her voice cracked.
Nero chuckled. Yumakap ito pabalik. Marahan nitong ipinaling ang ulo at humalik sa kanyang buhok.
Matagal na ganoon ang kanilang posisyon. Tila parehong nag-iisip sa maaaring mangyari sa pagdaan ng panahon.
"Pag-uwi ko... may babalikan ba ako?" He calmly asked.
Kumalas siya sa lalake upang titigan ito sa mata.
"Nero... You don't deserve this damage version of me. You deserve a whole love in return."
"Lei,"
"Bubuoin ko lang yung sarili ko... This damage version of me... I am better than this... A-At kung mahihintay mo ako... sa oras na yun... kaya na kitang mahalin ng buo."
Lumamlam ang mga mata ni Nero. Bumaba ang tingin nito sa kanyang labi. "I'm gonna miss you."
"Lei,"
"Hmm?"
"... Can I kiss you?"
She smiled and nodded.
Unti-unting bumaba ang mukha ni Nero patungo sa kanya. Sa pagpikit ng kanyang mata ay siyang pag-angkin ng labi nito sa kanya. It was slow and passionate. His softness melted her heart. Punong-puno iyon ng pagtatapat ng damdamin.
And that was the last moment Nero and Leison were seen together. Kinabukasan ay lumipad si Nero sa Florida upang makipagsapalaran at pag-aralang tumayo sa sariling mga paa.
Leison on the other hand, unlocked new hobbies. She finally learned to love herself by making peace with her younger self and her past. Instead of crying over the man she never had, she looks on the bright side and feels grateful for not having that man in her life. She feels saved.
She wouldn't want to regret the love she gave to Marc-- it's her nature-- to have a lot of love to give. And a person like Marc, probably needed it, dahil pagtapos niyon ay mukhang hindi na ulit ito makakatanggap pa ng ganoong klaseng pagmamahal.
Muli silang nagkausap ni Marc, binili niya ang mga artwork nito, at ginawang disenyo sa kanyang coffee house. Tinupad niya ang vision niya noong nangangarap pa lamang siya magpatayo ng coffee house.
She loves the artwork, and the artist itself has nothing to do with it. Her vision would not change just because she has a change of heart.
"Kumusta ang inaanak ko?" Hinele ni Leison ang isang taong gulang na bata. "You're as beautiful as your godmother!"
"Pasalamat ka birthday mo." Umirap si Rosey.
Masaya niyang ibinalik kay Rosey ang inaanak at ang kambal naman nina Jacob at Vivian ang kinulit.
"Haayy! I am the Ninang of the nation! Dali mga baby, regaluhan niyo nga si Ninang ng isang Ninong?"
Nagtawanan silang lahat na naroon sa lamesa. Umapila naman agad si Rosey na matagal na siyang binubugaw sa nakakatanda nitong kapatid.
Napuno ng kantyawan ang kanilang lamesa. Binugaw na siya ng mga kaibigan sa iba't ibang pangalan.
"Magsilayas kayo dito! May bayad 'yang mga pagkain niyo ah!" Natigil siya sa pagtawa ng maramdamang may mga matang nakamasid sa kanya. Sa kanyang paglingon ay isang pigura ng lalake ang kanyang nalingunan.
A man in a white shirt and black jeans is standing five meters away from her. Prente itong nakapamulsa habang matamang nakangiti sa kanya. Ang dating bagsak nitong buhok, ngayon ay clean cut na.
Tila ba'y nagblurred ang mga taong dumadaan sa kanilang harapan nang maghinang ang kanilang mga mata.
She was familiarizing the man-- and at the same time, catching her breath.
God knows how much she's been longing for this man...
Nanunubig ang mga mata ni Leison dahil sa hindi pagkurap. Natatakot siyang gawin iyon dahil baka sa kanyang pagkurap ay bigla itong mawala.
"N-Nero?"
Sa pagbuka ng kanyang labi ay muling bumalik ang ingay ng paligid. Maging ang kanyang mga kasama ay napalingon sa lalakeng katitigan niya.
"Hala si Nero!"
"Pare!"
Base sa kanyang mga narinig ay hindi ilusyon ang lalakeng kanyang nakikita.
Agad siyang napatayo at tuluyang tumakbo upang salubungin ang binata. It takes one tight hug to fill the void within her.
Mahigpit silang nagyakap. Sumubsob ito sa kanyang leeg at siya nama'y panay ang iyak sa balikat nito.
Tanaw niya ang pamumula ng mata ni Nero nang pagdikitin nito ang kanilang noo.
"You're here..."
"It's been... forever."
Samantala, laglag ang panga ng kanilang mga kaibigan na nasa iisang lamesa. Ang kanilang mga magulang naman ay nahihiwagaang nagkatinginan.
She knows that they're all feel betrayed. Who could imagine, right?
Nevertheless, wala silang pakialam sa paligid. Busy silang nagbubulungan habang nanatiling magkalapat ang noo.
"Can I say it now?" Nero asked. Pertaining to those three words he's always been dying to say even before, but always got interrupted by Leison because she wasn't healed yet to respond to those words. She believed that those three words may not be a question, yet it still deserves a genuine response once it is said.
Leison smiled. Hindi na niya hinintay pang si Nero ang mauna.
"I love you... and I missed you so much, Nero."
Lumunok ito kasabay ng pangingilid ng luha. It's as if he couldn't imagine that he would hear those words from her.
"P-Pakiulit nga?"
Napairap siya. Natawa si Nero.
"I love you--"
Sinupil na ng labi ni Nero ang ilan pa niyang sasabihin. Mabilis siya nitong niyakap at panay ang pasasalamat.
"And I love you too... Wala nang bawian ah?"
STAI LEGGENDO
No Strings Attached
Narrativa generaleWARNING: MAKALAT ANG MGA CHARACTERS! WAG TUTULARAN! THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS AND SENSITIVE MINDS.
Special Chapter 2
Comincia dall'inizio
