Chapter 8

229 2 0
                                    

NAGLALAKAD ako sa hallway patungo sa kwartong lilinisin ko. Bawat taong nakakasalubong ko ay binabati at nginingitian ko. Kasama iyon sa trabaho dito.

Kung ikukumpara sa unang araw ko dito, masasabi kong mas presentable na ako ngayon. Sa isang linggo kong pagwowork immerse ay nagamay at natutunan ko na rin ang mga trabaho at gawain sa tulong na rin ng mga chambermaid at bell boy na naging kaibigan ko sa hotel na ito.

Pinindot ko ang switch ng ilaw nang makapasok ako sa kwartong lilinisin ko. Agad na tumambad sa akin ang magulo at nagkalat ng pinagkainan sa sahig. Napabuntong hininga na lamang ako.

Nagsimula akong magvacuum ng carpet at magdisinfect ng apat na sulok ng kwarto. Hindi pa ako nangangalahati sa paglilinis nang marinig ko ang pagclick ng pinto.

What the hell?

Awtomatiko akong napalingon. Mula sa saradong pinto ay namataan ko ang bulto ng lalake. Nakahawak siya sa door knob habang ang pares ng kanyang mata ay nakapako sa akin.

"Surprised, aren't we?" Gumuhit ang nanunudyong ngisi sa kanyang labi.

"Oh, Marc? What are you doing here?" Pinagpatuloy ko ang pagdidisinfect sa kama. "Work immersion mo rin?"

I bit my tongue to take a hold of myself... Why do I feel excited? Do I miss him?

Despite the suspicious rush of my adrenaline due to his sudden appearance, I managed to play cool just like what I normally do whenever he shows up after a long week of no contact.

"Nope." Aniya. Kahit nakatalikod ako sa gawi niya ay ramdam kong nakatitig siya.

"Then why are you here? Hindi mo naman siguro ito condo, ano?"

Agad kong nahigit ang aking paghinga nang yakapin niya ako mula sa aking likuran. Muli ko nanaman naramdaman ang pagdidikit ng aming katawan. Tumatama sa tenga ko ang mainit niyang paghinga.

"I missed you, Lei..."

"Marc," Kusa akong napalayo nang maramdaman ang paghaplos ng kanyang kamay sa aking bewang. Ngunit mas mabilis ang kanyang braso dahil nahigpitan niya agad ang pagkakayakap sa akin, dahilan upang hindi ako tuluyan makalayo sa kanya.

"Nah-uh.. Where do you think you are going?"

Napakamot ako sa aking pisngi. "Marc, nakakahiya pag dumating yung may-ari ng unit na 'to. Baka mascandal pa tayo!"

"I'll jump off the window if that happens." Isiniksik niya ang kanyang mukha sa aking leeg. "You smell so good, Lei..."

"Marc," Pilit ko siyang tinutulak bago pa ako madala. "Nagwowork immerse ako..."

"Hmm?" Hinarap niya ako sa kanya. He cupped my breasts. Napasinghap ako. Kinuha niya ang pagkakataon na iyon upang halikan ako.

Shit naman talaga!

The moment we fell off the bed, I know I lost my grip. Eventually, hindi ko na rin natago ang pagkasabik sa kanya.

We are both panting after that long and torrid kisses. I heard him laugh while looking into my eyes. "You missed me huh?"

Para akong nahihipnotismo na napatango. "I miss you..."

"And I miss you too." Muli niyang sinakop ang labi ko.

Sa huli ay kami rin ang nakinabang sa nilinis kong kama. Napuno ng ungol at banggitan ng pangalan ang apat na sulok ng kwarto. Hinayaan ko si Marc na gawin ang lahat ng gusto niyang gawin sa akin. Lalo lang namin nagulo ang kanina'y makalat lang na kwarto. I feel bad for the owner of this unit. Di bale, isprayan ko nalang ng maraming pabango ang sapin at kumot niya.

"Where are you heading after this?" Tanong ko kay Marc na nagpapahinga sa tabi ko. Nakabalot na ng kumot ang aming katawan.

"I don't know. Why? You want me to go?"

I frowned. "No, I'm just asking. Pagtapos kasi nito papasok na ako sa trabaho."

"Oh, I see. Isasabay na kita." Bumangon si Marc sa kama at nagbihis sa harapan ko.

"Wag na."

Napatingin siya sa akin habang nagsisinturon. "Why not?"

Ako naman ang bumangon sa kama at nag-ayos sa sarili. Nakamasid lang si Marc sa kilos ko hanggang sa matapos ako makapag-damit.

"Makikita tayo ng mga kaibigan mo. Palaging naroon ang mga iyon sa bar. Magtataka lang sila lalo pa't classmate lang ang pakilala mo sa akin sa kanila."

Napatampal siya sa kanyang noo. "Ah! I forgot about that!"

"Don't mind it. May pamasahe ako." Humarap ako sa kanya at ngumiti. "So... see you when I see you?" Hindi ko na hinintay na halikan niya ako. Tinapik ko nalang siya sa mukha bago lagpasan at magpatiuna palabas sa pintuan.

Mabilis natapos ang araw ko. Tila lumipad lang ang oras dahil wala pa namang gaanong tao sa bar kapag oras ng hapon.

Pagtapos ng shift sa trabaho ay dumiretso ako sa campus para pasukan ang nag-iisa kong 2-hour class. Okay na rin pala na nagdagdag ako ng subject sa sched dahil unti-unti ko na rin nahahabol ang mga subject na binagsak ko last sem.

Alas nuebe pasado nang makauwi ako sa unit. Hindi ko inaasahan na maaabutan ko si Marc sa sala.

"What... are you doing here?"

Napalingon siya sa akin mula sa TV na kanyang pinapanood.

"What? This is also my unit."

Ipinilig ko ang aking ulo. Oo nga pala.

"It's just that..." Kakakita lang natin kanina. "Nevermind."

Pumasok ako sa banyo at nagshower saglit. I'm in a bath robe nang lumabas ako sa banyo.

"Have you eaten?" I asked after I checked the sink and kitchen.

"Yeah, I ate sushi. What about you?"

"Tapos na rin. Sa labas ako kumain."

Pinatay na niya ang TV. Sumunod siya sa kwarto nang pumasok ako doon. He lied in bed and watched me do my thing.

I was busy doing my night routine. Lotion, moisturizer, eyelift cream, and hair blower. I joined him in the bed pagtapos ko maset ang alarm.

"You must have been busy these days."

Nakatitig ako sa kisame nang lumapit sa side ko si Marc at yumakap. Sumubsob siya sa leeg ko.

"I had to..."

"Bakit?"

Umayos ako sa pagkakahiga. Inapuhap sa isip kung paano sisimulan ipaliwanag.

"Ewan ko... hindi ako gaanong makatulog tuwing gabi... pakiramdam ko kailangan kong magpakapagod maghapon para wala na akong lakas mag isip sa gabi... I usually rant on twitter about why I can't sleep at night."

"Sleep, babe. That's all you need to focus on rather than ranting on twitter." Sabad niya sa gitna ng pagrereklamo ko. "You just need to put your phone down so you can eventually sleep."

Hindi agad ako kumibo. Nasa phone ba iyon? Eh phone nga lang ang distraction ko.

"Only if it was that easy..." Ungos ko.

"Drama queen." He chuckled and reached for my lips. "My drama queen..." He snuggles into me and yawned. "Good night, Lei. Let's just sleep.Take a rest."

I sighed and caressed his hair. "Yeah, you too..."

No Strings Attachedजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें