Chapter 2

525 3 0
                                        

"GETS mo? That girl, gusto niya naman yung tao... akala niya kapag gusto niya na yung tao... pwede na siyang magcommit. Pero kapag nandun na... kapag in a relationship na... wala na! She feels suffocated kahit wala pa naman silang ginagawa!"

Marc shook his head as he drank straight the cocktail I made. Siya lang ang nagtitiyaga tumikim ng mga minimix kong inumin, tila wala siyang kadala-dala unlike Rosey and Audie.

"Uy? Anong masasabi mo dun?" Tanong ko.

Ngayon nalang ulit kasi kami nagkita kaya ngayon ko lang nakwento ang kinahantungan namin ni Jacob. Pero syempre, iba ang pinakilala ko, hindi ko sinabing sa akin ang kwento na kinikwento ko. Tatawanan ako ng gagong 'to.

"Katangahan." Aniya.

Aray!

"Eh tarantado din naman itong lalake, malinaw naman pala sa kanya noong una palang na ganun ang set up nila, nangarap pa siya ng mas mataas. Wala siyang karapatan magalit."

Unti-unti akong napangiti. "So hindi sa babae yung mali, diba?"

Tumango si Marc. "Because no one told this guy to stay and wait for her."

Humiga siya sa inilatag naming sapin sa bubong. This is one of the reasons why I like talking to Marc. He gave me honest answers, thus helps me connect the dots.

"Eh, ano naman ang masasabi mo sa babae?"

Saglit siyang nag-isip.

"Well, there's nothing wrong with her fearing commitment. What's wrong is that she is breaking good guys' heart by entering relationship she thought she can commit when eventually she really can't. Who's this friend of yours again?" Tanong niya na hindi ko napaghandaan.

"Si ano... si Audie." Pag-iimbento ko.

Tumango-tango siya. "It just reminds me of how many times I have saved you from dispatching guys you tried dating before."

I sip from my shot glass. Ang talino din talaga ng gagong ito. Baka mamaya mahalata niya na sa aking istorya naman pala talaga ang kinikwento ko.

Napangiwi ako sa lasa. Bat di niya sinabing lasang bleach?

"Hoy at least, hindi ako nagpapagalaw."

"Sa akin lang, diba?" Sabad niya.  Ngumisi siya  at nilagay sa likod ng ulo ang dalawang kamay. Nakatanaw ang kanyang mga mata sa ulap. Sa wakas ay tuluyan ng nalipat ang usapan.

"Mabilis ka kasi... Scam pa." Bulong ko.

"Damn! It seems cool to have sex on here, Lei! Try natin." Napasigaw siya nang sabunutan ko siya. Mabuti at palaging walang tao sa bahay. Walang makakarinig ng mga pinag-uusapan namin dito sa taas.

"Marc!" Hinila niya ako dahilan upang tumilapon at mapasubsob ako sa kanyang dibdib. "Sabi mo iinom lang eh! Scam ka talaga!"

"Many many scam." Pinudpod niya ako ng halik.

Nagtawanan kaming pareho.

Ipinagpalit ni Marc ang aming pwesto. Siya ang kumubabaw sa akin.  Unti-unti ay humina ang tawanan namin. Tumitig siya sa akin.

"Your friend... they are not like us." Bumaba ang tingin niya sa aking labi. "Because we both know we fear commitment, yet we chose to suffer with that fear together. We see how it goes, dahil sa huli sa isa't isa lang din naman tayo palaging bumabalik."

Nagtitigan ang mga mata namin.

Maybe it's not the label that define the connection. Maybe it's the vibe... the benefit. Katulad namin ni Marc, regardless of what we feel for each other, we are happy, and that's what matters for now...

Well, we will see. Maybe year later there would be a change of sequence. At malay niyo, I am woman enough to see what I really want, at ganun din si Marc.

He grabbed my nape. Ako na ang dumukwang upang halikan siya.

We made out and shared laughter. Dry humping on the roof isn't that bad, eh?

No Strings AttachedWhere stories live. Discover now