Chapter 22

119 3 0
                                        

SUMINGA siya sa tissue na hinugot mula sa tissue box. Naghalo ang mascara at luha sa kanyang pisngi habang tuloy-tuloy ang bibig na nagkkwento sa kaharap.

"Hindi ko naman talaga gustong lumayas, but he always make me feel like a loser and nothing to prove! I was trying to get his praises and attention since I was elementary, pero palaging anak ng iba nakikita niya! Tell me, Nero, tama ba yun? Hindi ko naman kasalanan yung kasalanan ng ina ko! Pero lagi niyang pinaparamdam na isa akong malaking pagkakamali sa buhay niya!"

Tahimik lamang na nakikinig si Nero.  Nilapit nito sa kanya ang bukas na Cheetos.

Ang kaninang akala niya'y umalis na Nero ay bumalik na may dalang kape, pagkain, at tissue.

"You should visit him and tell that to him."

"Akala mo ba hindi ko naisip yan?"

She sip from her coffee at niyakap ang sarili gamit ang hiniram niyang hoodie ng binata. Malamig na ang simoy ng hangin dahil inabot na sila ng midnight sa coffee shop. Sa dalawang oras ay nagrant lang siya at naglabas ng mga sama ng loob.

"Gusto ko siyang puntahan, pero naisip ko baka mas lalo lang siyang matuluyan kapag nakita niya ako..." Mapakla siyang tumitig sa kanyang mga paa. "I don't want to see him die..."

Halos bulong nalang ang huling pangungusap na kanyang binanggit. Nag-uumpisa nanaman siyang umiyak. Ngayon niya lang narealize kung gaano siya kaiyakin. Naipon ata lahat ng pagpapanggap niya since highschool.

"I love that old man... Hindi ako magsisikap sa buhay kung hindi ko yun mahal... Gusto ko  lang naman maging proud siya sa akin eh..."

Agad nagbawi ng tingin si Nero noong mahuli niya itong nakatitig.

"Mahal mo naman pala ang tatay mo..."  Ani Nero na inabala ang sarili sa pag-organize ng mga pagkain. "You should have shown that before. I could be kinder to you."

Hindi  siya kumibo. Pinanood niya nalang ito sa ginagawa.

"I don't know if this works on you, but it works well on my Mom. Bumibili si Dad ng pagkain tuwing may sumpong siya, maya-maya kapag busog na siya, okay na siya." Ngumisi ito at inusog palapit sa kanya ang plato. "It won't hurt to try."

Matagal siyang napatitig sa nakahaing plato sa kanyang harapan. Nang mag-angat ng tingin ay iyon ang unang beses na nginitian niya si Nero.

"Even if we are not friends... thank you for tonight, Nero."



ILANG araw matapos ang gabing iyon ay muling binangon ni Leison ang sarili. Sinimulan niya ang planong pagtatayo ng coffee shop malapit sa unibersidad na kanyang pinanggalingan.

Kasalukuyan siyang nagmomonitor sa magiging gusali ng kanyang shop, nang bigla ay may sumulpot sa kanyang tabi. Tulad niya ay tinanaw rin nito ang buong gusali.

"Kailan ka magbubukas?"

Nilingon niya si Nero.

"Baka next month pa. Marami pang aayusin sa mga poste eh." Bumaba ang kanyang tingin sa card na hawak nito. "Ano yan?"

"Invitation card." Inabot nito iyon sa kanya. "Birthday ko bukas."

"Oh..." Napatango siya. "Thank you. Sana iniwan mo nalang sa table ko, dadaan pa rin naman ako sa Ravaje's bago umuwi."

Nero laughed and patted her head before he walked off. "Sige, iwan ko muna kayo."

Nangunot ang kanyang noo. "Ha?"

Buong pagtatakang sinundan niya ng tingin ang papalayong pigura ni Nero. Inusisa niya ang invitation card na inabot nito, ngunit agad siyang natigilan nang may muling sumulpot sa kanyang tabi.

"So this is going to be our next branch?"

Agad nag-init ang  gilid ng kanyang mata nang lingunin ang matanda.

"P-Pa..."

Pinasadahan niya ito ng tingin. Nakatungkod na ito at nakakalakad. Last monitor niya dito sa hospital ay clear na ang laboratory results nito.

Nilingon niya ang kanyang ama na masayang nakamasid sa sinisimulan niyang ipatayo na coffee shop.

She missed this man. Parang ilang taon ang itinanda nito dahil sa biglaang pagbagsak ng timbang.

Ibubuka niya palang ang labi upang magsalita, ngunit inunahan siya nito.

"You know, I understand your Mom." Nanatili itong nakatanaw sa gusaling kaharap nila. "I understand her now."

Nagbawi siya ng tingin. Tulad nito ay ipinako niya din ang mga mata sa kaharap na gusali.

"Noong umalis ka sa bahay, sabi ko sa sarili ko babalik ka. Babalik ka kasi hindi mo kaya. Hinayaan kita, Leison, kasi kampante akong uuwi ka, na balang araw kakailanganin mo ako." Narinig niya itong tumawa "Pero anak nga talaga kita. Tinumbasan mo yung pride ko eh."

Maski siya ay mahinang natawa. Nagpatuloy ang kanyang ama.

"Noong hindi kana talaga lumingon, napaisip na ako. Parehong-pareho kasi sa nangyari sa Nanay mo. Umalis siya tapos hindi na rin bumalik. Kahit pa gaano ko minanipula yung paligid niya at pinahirapan siyang maghanap-buhay. Nagtiis siya sa hirap. Hindi na talaga siya bumalik."

Napakasensitibo ng usapan na ito para sa kanilang mag-ama, lalo na para sa kanya. Her Mom left as if she has no daughter to look back on. Tama ang kanyang ama, hindi na talaga lumingon sa kanila ang kanyang ina.

"And then I realized, sa akin may problema. You see... I didn't lose you because I was an abusive father. I didn't lose your Mom because I cheated on  her... I lost you and your Mom because I was neglectful and comfortable. You see... you don't lose someone by the things you did to them. Sometimes you lose someone by the things you didn't do for them."

Pigil ang luha niyang nilingon ang kanyang ama. Kanina pa pala ito nakatingin sa kanya.

"I'm so sorry, my child. It's not that your Mom doesn't love you. It's just that your father deserves to be left alone. Nadamay ka lang."

"Pa." Mabilis niya itong niyakap. "Sorry..."

Hinaplos nito ang kanyang buhok. "Oh God, I wish I can say sorry to your Mom too."

Nagyakap sila't nagkapatawaran. She is blessed. She is too young to understand... but she understands.

No Strings AttachedWhere stories live. Discover now