KASARAPAN ng tulog nang maramdaman ko ang paglundo ng kabilang side ng kama. Naalimpungatan ako nang may yumakap mula sa likuran ko.
"Hmmm?" Napaungol ako sa antok. Malakas ang ulan sa labas kaya hindi ko narinig ang kanyang pagdating.
I was not expecting him to visit at this hour.
Humarap ako kay Marc at yumakap pabalik. Tamad ang mga daliri ko na humaplos sa kanyang buhok, dahilan upang lalo niyang sumiksik sa aking dibdib.
"It's 4 o'clock in the morning... Where have you been? Hindi kita namalayan dumating." Inaantok kong wika.
"I hangout with my friends..." He yawned. "I miss you, Lei."
Edi sana vinideo call or tinext mo ako sa dalawang araw na wala ka. Ngali-ngali kong isagot ngunit mas pinili na lamang kumalas sa kanya upang bumangon sa kama.
That would be strange kung sasabihin ko pa iyon. Magtataka lang siya dahil sanay naman kami pareho sa ganitong set up, and I used not to mind it.
Ewan ko ba kung bakit binibilang ko na ang bawat araw na nawawala siya. Dati naman ay hindi ko pansin at namamalayan dahil kebs lang kahit kailan siya susulpot at mawawala.
Do I started getting attached? Am I catching feelings?
But am I even capable of that?
"Magluluto ako." I said instead. Ayaw ko mag-i miss you back. I am trying to maintain my place and be careful with my words towards him these past days.
Nagtungo ako sa kusina upang mag-imis-- at pakiramdaman na rin ang aking paghinga. The sudden change of rhythm of my heartbeat scares me.
"Tulungan na kita." Sumunod si Marc sa kusina. Ikinumpas ko ang aking kamay upang idismiss siya.
"I can manage. Umidlip ka muna sa kwarto, gigisingin nalang--" Napapikit ako nang muling maramdaman ang pagkayakap niya mula sa likod ko. Humalik-halik siya sa nakalantad kong balikat.
"M-Marc," Mahinang saway ko.
"Let me assist you." Nagsalit ang pakintil-kintil niyang halik sa aking leeg at balikat. "I am always there for you..."
Bumagal ang paghiwa ko sa mga rekado. Nakatanga lamang ako sa lababo na nasa aking harapan. Dinadama ang paglalambing niya mula likod ko.
How can he disappear for days and make it up to me like this whenever he shows up again? God! Why he needs to be like this?
Tinaas ko ang isang kamay upang haplusin ang kanyang panga. I smiled... and sighed.
"Same here."
Tipid lamang iyon at mahina, ngunit mula talaga sa loob ko, at ayaw ko iyon na mahalata niya. Ayaw kong ipaalam na delikado na siya sa akin, na kahit wala pa kaming score ay nasa punto na ako na maging nandiyan palagi para sa kanya. Na kahit ilang araw pa siyang mawala ay maghihintay at mag-aabang nalang ulit ako sa muli niyang pagbisita. Wala siyang maririnig. Pauit-ulit ko lang siyang tatanggapin at magpapa-ubaya hanggang sa magkaroon na kami ng linaw. Tulad ng sabi ko kay Rosey, hindi naman kailangan magmadali. Ang mahalaga ay masaya kami. Masaya ako kay Marc.
Yeah, maybe I really do falling for him.
YOU ARE READING
No Strings Attached
General FictionWARNING: MAKALAT ANG MGA CHARACTERS! WAG TUTULARAN! THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS AND SENSITIVE MINDS.
