"WELCOME!" Tuluyang lumiwanag ang paligid noong pindutin ni Marc ang switch ng ilaw. Bitbit ang ilan niyang gamit ay nagpatiuna ito sa loob. "Bare with my place for I hadn't have it cleaned for months. Though, hindi naman magulo since bihira lang ako magstay dito."
Naglalahad si Marc ng mga impormasyon tungkol sa mga bagay na mayroon at wala sa unit na pansamantala nitong ipapahiram sa kanya, ngunit tulala lamang siyang nakaupo sa kama habang inaapuhap sa kanyang isipan ang mga nangyari.
That was the first time she felt helpless and embarrassed just for the money. Paano nalang kung hindi niya kasama si Marc noong mga oras na iyon? Saan siya pupulutin?
"The refrigerator has enough stock and the hotlines are still working, so yeah. Make yourself feel at home." Marc's voice slowly faded as
he noticed that Leison wasn't listening.
"Lei on earth?" Sumampa sa kama ang binata at pumwesto sa likurang bahagi ni Leison. Pumulupot ang kanyang braso sa bewang ng dalaga. Marc's hand started caressing Leison's flat stomach. "Babe.."
He bit Leison's helix while whispering words in her ear, as if teasing her.
"Marc," Leison sighed when Marc started planting kisses on her ears down to her neck... and to her shoulder. "Stop."
"Hmm?" He kept smelling her neck and touching her down there.
"Marc," Kumalas si Leison at lumayo sa binata. Inayos niya ang bumabang strap ng kanyang bra. "Not now. I had a rough day."
Matagal na tinitigan ni Marc sa mata ang babae, maya-maya ay napahugot ng malalim na paghinga.
"Okay, take a rest then." Marc smiled and got up from bed.
"You're leaving?" Nag-angat ng tingin si Leison.
"I told you this is just my spare unit. My Mom gave this unit to me when I was 18. Now I have main unit." Marc leaned in and gave a peck on her lips. "Good night and take care. I'll catch up with you tomorrow when you feel better."
"NABIGAY mo ba yung excuse letter na pinagawa ko para kay Doctor Art?" Bungad niya kay Rosey nang sa wakas ay nahanap niya ang lamesa nito sa cafeteria.
"Oo, at pinapasabi niya na magkikita ulit kayo next semester..."
"Ha?! Ibabagsak niya ako?!"
"... Kapag daw umabsent ka pa sa subject niya." Pagpapatuloy nito. Inalis nito ang pagkakasubo sa straw at matamis na ngumiti sa kanya. Agad din iyon nabura nang makita ang itsura niya. "What the hell? Nagmumura ang eyebags mo! Wait, aapplyan natin yan ng eyelift cream!"
Napailing siya nang mag-umpisang maghalungkat sa bag si Rosey.
Sa totoo lang ay wala talaga siyang gaanong tulog dahil magdamag siyang umiyak kagabi.
Wala lang... Naninibago lang siya sa buhay na meron siya ngayon. Tiyak na pinagtatawanan na siya ng kanyang ama kung malalaman nito ang kanyang sitwasyon.
Saktong pagtapos niyang mag-eyelift cream ay tumunog ang kanyang phone. Isang message ang kanyang natanggap mula kay Marc. Nagsend ito ng image. Topless itong nakahiga at nakakindat sa camera.
From: Marc
Good morning. Feeling better now?
Agad siyang nagtipa at nagsend ng imahe. Sinend niya ang isa sa mga picture niya sa gallery kung saan nakahiga siya sa kama at wala rin pantaas. Nakalitaw ang malusog niyang dibdib habang nakangiti sa camera.
To: Marc
Morning.
Natawa siya matapos isent ang imahe. Segundo lang ay nagreply agad ito.
From: Marc
Dang! You sneaky devil 😈
Napailing siya sa kakatawa. Muli siyang nagtipa.
To: Marc
Haha! See you around then!
Napukaw ang kanyang atensyon nang marinig ang pagmumura ni Rosey. Nang magtapon siya ng tingin dito ay nakalingon ito sa kabilang lamesa kung saan mag-isang kumakain si Nero.
"Hah! Mabuti naman at hindi niya kasama ang girlfirend niya na palagi niyang binibaby! Such an eyesore!" Bulong nito.
Maging siya ay napalingon sa gawi ni Nero. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, sa tuwing maglulunch sila sa cafeteria ay nasasaksihan nila kung gaano kakorni si Nero kay Monet, ang girlfriend nito. Mantakin ba namang sinusubuan pa nito ang babae! Pati simpleng pag-inom ng tubig ay kailangan pang ilapit sa bibig!
Tinitibayan nalang nila ang kanilang mga sikmura at pinipilit patigasin ang leeg upang hindi mapalingon sa nakakakilabot na magsyota.
"Break na sila. Huli na kayo sa balita." Pagkumpirma ni Audie na kadarating lamang. Sumalo ito sa kanilang lamesa bitbit ang tray ng binili nitong pagkain.
"Ay weh???" Eksaheradang napalingon si Rosey kay Audie.
"Yeah right, hindi niyo ba nabalitaan yung kumalat na video ni Monet?" Tumirik ang mata ni Audie sa pagkadiri. "Gosh! Nakaka--yaayyy!"
"Well, we all know Monet. Hindi yan santa! Di nga ako makapaniwala nung naging sila ni Nero! Totoo ang kasabihan na opposites do attract, but rarely work!"
Napatango si Leison habang nakikinig sa usapan ni Audie at Rosey. Napaangat lamang siya ng tingin noong sa kanya napunta ang usapan.
"Look at Marc and Leison, ang tagal na nila diba?! Walang label pero at least still functioning kasi same vibes and cut from the same cloth!"
Audie and Rosey maliciously stared at her. Samantala, napangiti siya at napasulyap sa kanyang phone at kay Nero.
Well, Nero always settle pero walang tumatagal. Pero siya? She's having it easy with Marc. Sa parteng iyon ay lamang siya kay Nero.
YOU ARE READING
No Strings Attached
General FictionWARNING: MAKALAT ANG MGA CHARACTERS! WAG TUTULARAN! THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS AND SENSITIVE MINDS.
