"Marc, w-what's your plan?"
"Oh," Napatango si Marc. Nagpatuloy ito sa pagkain. "Honestly, I don't know. Ang dami kong naiisip. But-- I was planning to start a business relevant to my family's, pero hindi dito sa Pilipinas. I was aiming to move to Netherland and launch my business there."
"Oh.." Napatango siya. But I was talking about us..
"What about you, Lei?"
"Hmm, ako?" Napakamot siya. "Ano.. I am planning to make my own coffee shop."
Tuluyan nang naiba ang usapan.
“Oh? Akala ko sa bar ang passion mo? Coffee is way too far... you know… mixing drinks, adding spice, partying. Sayang naman ang apat na taon na inaral mo.”
"I don’t know... Feeling ko kasi hindi para sa akin yung pangarap kong yun, at naisip ko rin na napakaraming bar. Lahat ng bar pwedeng puntahan ng tao, kung saan yung malapit doon sila magjajam. Ayaw ko ng ganun."
Marc chuckled. Leison continued.
"Syempre gusto ko yung pupuntahan ng tao yung business ko kasi doon nila talagang gustong pumunta. Yun bang may connection sa customer yung lugar. Ayaw ko naman kasi yung kaya lang sila pupunta kasi gusto lang nila uminom-- yun bang kaya lang sila pupunta kasi yun yung malapit at accessible. Ganun tayo noong college diba? Kung saan yung malapit na bar doon nalang tayo pupunta. Kahit party girl ako noon, walang tumatak sa akin na bar. Wala akong naging favorite. Ayaw ko ng parang hindi tumatatak. Ayaw ko ng business na hindi one of a kind. ”
Sinulyapan niya si Marc.
“So yeah... feeling ko malulugi lang din kapag nagtayo ako ng sarili ko… sadly pero parang hindi para sa akin yun.”
"Hmm, but you pursued it for years?" Nag-aalangang litanya ni Marc.
She sighed.
"Oo nga eh, yun nga din iniisip ko, pero ano namang magagawa ko kung hindi naman ako nag-gogrow? Since college passion ko na yung bar, pero since college ganito pa rin ako, walang nagbabago. I can’t grow."
Napasandal sa silya si Marc at nagkibit ng balikat. Tapos na itong kumain. "Then mag invest ka sa may business ng mga bar. Come on, babe! Easy money. Wala kang ginagawa pero kumikita ka."
Saglit na namayani ang katahimikan. Napaisip siya-- ngunit maya-maya rin ay yumuko upang laruin ang kanyang mga kuko.
"Gusto ko kasi may title... Gusto ko secured... Gusto ko kapag sinabi kong may business ako, akin talaga. Para kasing wala naman akong karapatang sabihin na business ko yun kung isa lang ako sa mga investors."
Napatango-tango si Marc. "Okay, but will it not bore you? Alam mo na, iba sa nakasanayan mo/natin since college. Bar.. loud music, hard drinks…" Nagkibit ng balikat si Marc. "Bar.”
"Maybe. Pero siguro maeembrace ko din. I just need more time to think. Hindi pa naman ngayon."
Marc raised his thumb. "Balitaan mo ako kapag maglalaunch kana ng business."
She smiled. "Oo naman, bibilihin ko yung mga artwork mo para idesign sa loob ng coffee shop ko."
"Whoaaa.. Lei, really?"
Sunod-sunod siyang tumango. "Oo naman, kasama yun sa plano ko."
Marc smiled. "Thank you, Lei. That's very sweet of you."
NAPAHILOT sa sentido si Leison nang matapos niya ang pag eencode ng 300 rows sa excel. Kinailangan niya talagang tapusin iyon dahil may board meeting mamaya. Ngayon palang ay hinihiling niya na sana hindi niya makakrus ng landas ang kanyang ama mamaya.
Hawak ang frappe na inorder sa counter ay naghanap siya ng bakanteng table malapit sa entrance.
"Lei?"
Napalingon siya sa pamilyar na boses.
"Omg! Ikaw nga! Dito kana sa table namin!"
Pigil niya ang sariling mapabuga. Paano'y instant third wheel na naman siya ng magsyotang Rosey at Allen.
"Fine." Labag sa loob niyang umupo sa silyang katapat ng mga ito.
"How is it going, Lei?" Sinuklay ni Allen ang sariling buhok gamit ang mga daliri.
Nangunot ang kanyang noo. "Okay naman."
"Oh, really?" humalumbaba naman si Rosey gamit ang kanang kamay. Noong una ay nahihiwagaan siya sa kilos ng dalawa, hanggang sa mapansin niya ang pasimpleng finiflex ng mga daliri nito.
"Shit??? Engaged na kayo?!"
"Yaaaayy! Napansin mo rin!" Nakipag-high-five sa kanya si Rosey. Samantala, napadrum roll sa lamesa si Allen.
"Gosh..." Tuwang-tuwa at hindi makapaniwala niyang pinagmasdan sila Rosey. "I am stunned! Grabe... parang noong college lang..."
"Iiyak nanaman itong si Rosey. Magbabanyo nga muna ako." Ani Allen na umalis sa table nila.
Sinikmat naman ito ni Rosey na nanunubig ang mga mata. Nang makalayo si Allen ay doon palang siya nag-umpisang magtanong.
"Buntis ka?"
Namilog ang mata ni Rosey at tinampal ang kamay niya. "Oy hindi no! Mukha ba?!"
"Hindi." Natawa siya. "Eh bat kayo magpapakasal?"
Rosey smiled. "I don't know. Sinama lang ako ni Allen sa family dinner nila tapos hindi ko akalaing magpopropose na pala siya doon mismo." Napapunas sa luha si Rosey. "That's not so him, diba? Kaya hindi ko rin talaga inexpect."
Napangiti siya. Bakas sa mga mata ni Rosey ang kasiyahan at punong-puno ng pagmamahal.
"Buti naman magpapatali na kayo sa isa't isa."
"Yeah, we love each other."
She smiled.
"Anyway, kumusta na kayo ni Marc? Okay na ba?"
"Hindi naman kami nag-away ah?"
"No, I mean yung plano natin noon. Effective ba? It's been a month na rin."
She shook her head and smiled.
Nilakihan siya ng mata ni Rosey. "What?! Wag mong sabihing bumigay ka noong birthday niya?!"
"Eh..." Napakamot siya.
"My God, Lei!" Biglang nastress ang mukha nito.
"Hindi naman kasi talaga effective kahit pa bago mangyari yung birthday niya. Baka nga kung hanggang ngayon pinagpapatuloy ko pa rin yung plano natin, baka tuluyan lang napalayo loob niyon. You know... nakapag-adjust siya."
"Really?"
"Yeah."
Napaisip si Rosey.
"What if... hindi kana magpapamiss..." Unti-unti siya nitong nilingon. "Pero this time... hindi kana makikipag-sex?"
Namilog ang kanyang mata. "W-What?!"
"Why not? Tangina niya pala eh! Doon magkakaalaman kung aside from sex ba ay may maooffer pa siya sayo! Kung masisira man niyon ang connection niyo, then alam mo na kung ano lang ang pundasyon niyo! You can't get your label, then he won't get your pussy. As easy as that!"
ESTÁS LEYENDO
No Strings Attached
Ficción GeneralWARNING: MAKALAT ANG MGA CHARACTERS! WAG TUTULARAN! THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS AND SENSITIVE MINDS.
