Chapter 3

413 4 0
                                    

HINDI magkandatuto sa pagsuot ng pantalon si Marc na katulad ni Leison ay nagmamadali din.

Bukod sa nadinig na nila ang sasakyan ni Nero sa kabilang bakod, kanina pa rin ito inaabangan ni Leison dahil sa ilang katanungan.

"Kasabay ng oras ng uwi ni Papa ang oras ng uwi ni Nero, malamang nasa baba na iyon." Itinuro ni Leison ang dapat babaan ni Marc. Sa maingat nilang pagkilos ay para silang mga magnanakaw na takot magpahuli.

Bago pa man tumalon mula sa bubong ay kinabig ni Marc ang kanyang batok. Muli nilang pinagsaluhan ang isang malalim na halik.

Kapwa hinihingal ng maghiwalay ang kanilang mga labi. Ngumisi si Marc nang punasan ng daliri ang gilid ng labi.

Leison watched Marc climb off the roof. Bago tumakbo palayo ay pumamulsa muna ito at tumingala sa kanya.

"It made my day, Lei. Thank you."

Segundo ang lumipas.

"Yeah, see you."

Tinawanan ni Marc ang matabang niyang pagtugon.

Well, they should keep it balanced. Marc spits flowery words, at dapat isa sa kanila ang medyo distant para maiwasan magkaroon ng attachment.

After falling for Jacob, narealize niya na sa mga punyetang palitan ng sweet words siya napapahamak.

Maya-maya ay bumaba na siya sa bubong. Lumabas siya sa gate upang puntahan ang kapitbahay na papalabas sa sasakyan. May kausap ito sa telepono.

"Nero!"

Nangunot ang noo ng lalake nang matanaw siyang papalapit. Itinaas nito ang kamay at sinenyasan siyang sandali, bago muling ipagpatuloy ang pakikipag-usap sa taong nasa kabilang linya.

"Opo, kakauwi ko lang. Kumain kana ba?"

Napairap siya sa naririnig na kalambingan sa boses nito. Eh, sa girlfriend lang naman nito ito mabait, pero behind closed doors napakabaho ng pag-uugali.

"Opo, love. Tawagan mo ako kapag gusto mong kumain, okay? I love you."

Pagkababa ng tawag ay matabang siya nitong sinulyapan.

"Anong kailangan mo?"

"Si Jacob," Panimula niya. Si Nero lang ang kilala niyang maaaring nagsulsol kay Jacob para hindi na siya nito kausapin. Tanggap naman na niyang hindi na mababalik ang dati. It's been two months mula nang hindi na siya nito kausapin. Sadyang hindi niya lang maintindihan kung bakit bigla nalang itong nagdesisyon isang umaga na ayaw na siyang kausap, na parang wala silang pinagsamahan.

Hindi niya maintindihan ang capability ng isang tao na gumawa ng isang bagay na parang ang dali-dali lang. Mabuti sana kung one-sided love lang ang meron sila, baka doon ay maintindihan pa niya na balang araw magagawa siya nitong talikuran.

"Oh? Anong meron kay Jacob? Masaya na siya ngayon kay Vivian." Ani Nero na hindi man lang pinagkait sa kanya ang katotohanan.

Namilog ang kanyang mata."A-Ano?! Akala ko ba magkaibigan lang sila?!"

Isa pa iyon sa hindi niya maintindihan. Tila naging masaya pa si Jacob noong iwan siya.

Napakibit balikat si Nero. "Narealize siguro ni Jacob na si Vivian talaga ang tamang babae para sa kanya. Pangseryosohan ba."

Nasagi sa parteng iyon ang ego niya.

"Beauty and brain."

Dagdag pa ni Nero na tuluyang ikinadurog ng ego niya.

"Malinaw ang pangarap sa buhay kaya nakita na nila sa future ang isa't isa."

Ouch! Aray! Pain! Sakit! Pighati! Dalamhati! Pagdaing!

No Strings AttachedWhere stories live. Discover now