LEISON stayed outside the executive's office noong nakarating sila sa Ravaje's. The office was locked, hindi niya alam kung nasa loob na ba si Nero or hindi pa nakakaakyat dahil hawak nito ang susi. Sa huli ay pinili niya nalang muna manood sa mga empleyadong nagtatrabaho sa loob ng kanya-kanyang cubicle.
Minsan ay napapaisip siya kung aware ba ang mga ito na anak siya ng matandang Ravaje. Simula kasi noong magtrabaho siya dito ay tila ordinaryo lamang siya. Si Nero lamang ang tinitingala at binabati ng mga tao.
Baka nga ang akala pa ng mga ito ay sekretarya siya ni Nero.
Well, kasalanan niya rin naman. Bukod sa hindi siya finiflex ng kanyang ama ay bihira lang din siya tumapak sa lugar na ito. Pumupunta lamang siya dito kapag manghihingi ng pera sa kanyang ama.
Speaking of her dad, mabuti at hindi Ito bumibisita ngayon sa Ravaje's. Alam kaya nitong dito siya nagtatrabaho?
Napukaw ang kanyang atensyon nang dumaan sa harap niya ang isang nagmamadaling lalake. Sinalubong ito ng isang kaibigan.
"Gago pare! Saan ka ba galing? Hinahanap na ng HR yung report!" Pumwesto ang dalawa sa cubicle na malapit sa kanya.
"Shet! Tatapusin ko palang!"
Napailing siya. Once na siya ang pumalit sa pwesto, tututukan niya ang mga ganitong klaseng empleyado. Nakakadismaya.
She was once an irresponsible, pero noon lang iyon dahil noong nag-simula siyang tumayo sa sariling paa ay natutunan niyang kumayod at pahalagahan ang kanyang trabaho, magtiyaga, at magsikap upang mairaos din ang kanyang pag-aaral.
Wala siyang nakikitang dahilan para magpetiks lang ang mga empleyado ng Ravaje's gayong lahat ng kailangan ay nasa ground floor. Kulang na nga lang ay magpatayo pa ng bedroom ang gusali ng Ravaje's upang marewardan na talagang employee-friendly ang kompanyang ito. Ganoon kabait ang kanyang ama--- lalo na sa mga hindi nito anak.
"Bakit ka ba nalate? Tiyak mapapahiya ka talaga sa conference room pag kulang yan."
Imbes kabahan ay nagawa pang ngumisi ng huli. "Monthsary kasi namin ngayon ni Shiela. Kumain kami sa labas."
Oh, another lover boy. Sa isip-isip niya.
"Alam mo naman may report ka ngayong araw inuna mo pa iyon!" Binatukan ng isa ang kaibigan. "Monthsary-monthsary ka pang nalalaman... Eh sabi mo noon hanggang fling-fling ka lang! Nakilala mo lang si Sheila eh kinain mo na mga salita mo!"
"Tarantado! Palibhasa ikaw wala!'
"Ulol meron! Hindi pa lang ready si Maricar!"
"Di ready-di ready... Kung mahal ka, magiging ready yun. Tignan mo ako, diba?"
"Tss! At least ako focus sa trabaho, may pag-asa mapromote! Ikaw alanganin na. Psh! Para kang tanga, mawalan ka sana ng trabaho!"
"Napikon amp! Oy pare teka lang! "
Hindi niya ugaling mag-eavesdrop , ngunit natagpuan niya ang sariling nakikinig sa usapan ng dalawa. Tahimik siyang sumunod ng tingin sa nag-walk-out na magkaibigan. Saka lang siya natauhan nang may tumuktok ng rolyong papel sa kanyang bunbunan.
"Hoy," Napakislot siya. "Are you deaf? Kanina pa kita tinatawag."
Nilingon niya si Nero. "Ano na naman ba?"
Tumuro ito sa loob ng kanilang opisina. "Nasa lamesa mo na ang mga irereview na proposal. Alam mo na ang gagawin. Tinuro ko na iyon sa iyo."
"Ha?"
Agad siyang pumasok sa loob at sinilip ang kanyang pwesto. Nataranta siya nang masilayan ang matangkad na pagkakapatong ng mga papel.
"Tangina, Nero? Trabaho mo yan e?"
YOU ARE READING
No Strings Attached
General FictionWARNING: MAKALAT ANG MGA CHARACTERS! WAG TUTULARAN! THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS AND SENSITIVE MINDS.
