LUMABAS si Leison sa condo unit na kakatapos niya lang linisin. Tagaktak ang kanyang pawis habang tulak-tulak ang cart na naglalaman ng panlinis ng bawat kwarto.
Sa isip niya ay minumura niya ang kanyang baklang professor. Alam niyang sinadya ng bruhang iyon na sa hotel siya ideploy for work immersion. Sinigurado nitong mahihirapan siya. Batid niya namang mainit ang dugo niyon sa kanya dahil bukod sa tamad siyang estudyante, insecure ito sa kanya!
May event sa kwartong dadaanan niya. Akmang lalagpasan niya nalang iyon upang magtungo sa kasunod na kwarto, nang bigla ay bumukas ang sliding door at iniluwa ang isang lalake.
Matagal silang nagkatinginan. Kapwa sinuri ang isa't isa. Sinuri niya ang plantsado at pormal nitong suot. Samantala, sinuri nito ang haggard at pobre niyang uniporme.
"Lei?" Nero uttered in surprise. "You work here..." Pagkumpirma nito.
"Work immersion, rather." Matabang niyang pagcorrect sa akala nito. Agad nanlaki ang kanyang mata nang malingunan sa loob ng event ang kanyang ama. Mabuti at hindi pa ito napapalingon sa gawi niya.
"Shit!" Usal niya. Nataranta siya at muling nilingon si Nero na sinusuri pa rin ang itsura niya. "Hoy Nero, Wala kang nakita. Hindi mo ako nakita dito, naintindihan mo?!"
Nalukot ang noo nito at tila naintindihan ang nais niyang iparating. Lumingon ito sa loob ng silid at tumingin din sa tatay niyang abala sa pakikipag-usap sa iba.
"No worries, he is not even asking about you."
Napamaang siya. This insensitive bastard!
Muli siyang binalingan ni Nero. "We need more glass of wine. Pakirequest nga sa baba."
Tuluyan siyang napasimangot at napapamewang. Hindi nadaan sa pamatay na tingin si Nero. Bagkus ay may ginalaw ito sa harap ng kanyang cart. Isang red star ang nilagay nito sa box ng service rate niya.
"Ah, nevermind. I'll just rate you one star for bad service." Pagtapos niyon ay tumalikod na ito at isinara ang pinto.
Sa pagkainis ay pinunit niya ang red star na binigay nito sa kanyang cart.
Sa huli ay ginawa niya din ang utos ni Nero, ngunit sinigurado niya din na hindi niya na muli makakakrus ng landas ang binata at ang kanyang ama sa building na iyon.
Apat na oras ang kanyang work immersion, pagtapos niyon ay dumiretso siya pauwi. Hindi muna siya pumasok sa trabaho.
Kasalukuyan siyang nagpapahangin sa teresa. Nakamasid siya sa streetlights na tanaw na tanaw mula sa palapag ng kanyang unit. Sa kanang kamay niya ay naroon ang isang bote ng wine. Inuunti-unti niya ang laman niyon habang inaalala ang mga nangyari kanina.
It's been forever... Hindi naman sila close ng kanyang ama, ngunit nang makita niya kung paano ito ngumiti habang kausap si Nero, may bahagi sa kanyang puso ang kumirot. Nakatago siya sa isa sa mga kwarto nang mga oras na pinapanood itong lumisan. Nakaakbay ito kay Nero na parang proud na ama sa isang anak. She missed him.
Naalala niya ang sabi ni Nero na hindi siya nito hinahanap. Ni-hindi nagtatanong tungkol sa kanya.
"Fuck you, Nero... I hate you..." Napapikit siya at pinahid ang kanyang mga luha. "I fucking hate you..."
Muli siyang lumagok mula sa bote. Nang malamigan ay pumasok na siya sa loob at inilibot ang paningin sa walang laman niyang unit.
Where on earth is Marc? Bakit wala ata itong paramdam maghapon?
Hinugot niya mula sa bulsa ang telepono. Napaarko ang kanyang kilay nang makitang online naman ang loko. Akmang itetext niya na ito, nang bigla ay matigilan siya...
Why would she do that?
Normal naman sa kanila ang ganitong set up. Minsan pa nga ay isang linggo ito nawawala bago muling magpakita.
Muli niyang ibinulsa ang kanyang telepono. Nasanay ata siya sa sunod-sunod nitong pagpapakita nitong mga nakaraang araw-- ngayon tuloy naninibago siya.
Ipinilig niya ang kanyang ulo. Nagtungo na lamang siya sa loob ng kwarto at inubos muna ang laman ng bote bago matulog.
"WHERE have you been?" Rosey asked when she showed up in their last subject.
"Work immersion. Nag-over-time ako." Umupo siya sa tabi nito at nagkalkal ng kanyang notes.
"Hindi ka pumasok sa back subject mo?"
"Hindi ako nakapasok kanina pero may klase pa naman ulit niyon mamayang alas otso, sa sched nalang na iyon ako papasok."
"Edi hindi ka muna papasok sa trabaho mo?"
Umismid siya. "Hindi na muna. Nakakabadtrip din yung mga tao dun."
Napatango si Rosey. "Okay... Marc was looking for you kasi kanina. You are nowhere to find these past days daw."
"Ah, nagdagdag kasi ako sa schedule ko." Isinarado niya ang folder matapos icompile ang mga papel.
"Ah okay, kayo nalang mag-usap. Itext mo sa kanya 'yang reasons mo."
"Try ko."
"Try mo lang? Haha parang sobrang busy mo naman these past days Leison!"
Inirapan niya ang dalaga. "Kanino ba ipapasa itong mga outputs?"
Imbes sumagot ay pinaningkitan lamang siya ng mata ni Rosey. "Really, what are you up to?"
Nang maramdamang hindi siya nito tatantanan sa ganoong tingin ay napataas ang dalawa niyang kamay.
"Fine! I was hiding from him."
Nanlaki ang mata nito. "Omg! Igghost mo na ba?!"
"Of course not!"
"Eh bakit ka umiiwas?!"
Matagal bago siya nakasagot. "I'm walking myself back to my place. Nakakalimot kasi ata ako. Last week muntik ko siyang imessage dahil nawala na naman siya. Gosh! Muntik akong maghimutok!"
"And what was that for?"
"I-I don't know! Siguro nasanay lang ako na he always appears on the right time. And then the first week that I moved into his condo, palagi siyang nakikitulog... Kaya siguro noong mag-isa ako last week sa condo, nanibago ako. Hinanap ko siya, which is not usual kasi noon hindi ko naman napapansin kahit ilang araw siya mawala. Naisip ko na baka naging dependent ako sa kanya nitong mga nakaraang araw dahil nasanay ako na nadadatnan siya pag-uwi after a long day."
"Ah, so walang ghosting na magaganap? Bale sinasanay mo lang ulit ang sarili mo sa dati niyong set up?"
Leison nodded. "Yeah, you know how much I hate being dependent on other people's presence." And she is not in the right place to complain though.
YOU ARE READING
No Strings Attached
General FictionWARNING: MAKALAT ANG MGA CHARACTERS! WAG TUTULARAN! THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS AND SENSITIVE MINDS.
