Chapter 21

112 2 0
                                    

IBINABA niya ang kanyang phone matapos titigan ang huling convo nila ni Marc. That was two days ago after Marc got home from their intimate night.

Kanina pa niya iniiwasan ang matatalim na tingin ni Rosey. Kulang nalang ay magtagpo ang kilay at hairline nito dahil sa mataas na pagkaka-arko niyon.

"Rosey... Wala naman siyang kasalanan. Malinaw ang usapan namin since college. Nagbago lang yung puso ko, and that doesn't mean I will force things to happen according to my personal interest. Hindi ko dapat siya tratuhin ng kakaiba nang dahil lang sa hindi ko makuha yung gusto ko. I know myself that I am not so decent, sino ako para magdemand ng relasyon na katulad ng nakikita ko sa paligid ko? I don't deserve it-- especially from Marc. I introduced myself to him as a seductress bitch. I should be treated accordingly." Ngumiti siya ngunit hindi umabot sa kanyang mata.

Ipinatong ni Rosey ang siko sa lamesang nakapagitan sa kanila. Marahan siya nitong pinagmasdan.

"May point ka, wala kang karapatan magalit dahil ikaw din naman ang pumayag sa ganyang set up. Wala kang karapatan magalit kasi hindi ka naman niya pinilit dahil malinaw nga ang usapan niyo, at sarili mo ring desisyon na pumasok sa ganyang sitwasyon."

Tumango siya at tinanggap ang mga salita mula kay Rosey.

"Pero Lei, babae ka! Nasasaktan  ka. Hindi pwedeng palagpasin mo nalang palagi ang mga bagay na hindi niya ginagawa dahil lang sa dahilan na wala kayong label. Hindi sapat ang dahilan na iyon para patuloy mong ibaba ang sarili mo at tanggapin nalang kung ano ang kaya niyang ibigay."

"But--"

"My God, Lei! You keep saying na he's just a guy and normally has a flaw dahil walang perpektong lalake, na you should not be hard on him dahil may personal problems din siya at hindi mo siya ineexpect maging perfect guy 24/7!
Despite of that hear yourself! May karapatan kang masaktan-- maoffend-- kasi kahit gaano ka pa naniniwala sa equality sa isang relasyon, alam mo sa sarili mong hindi ganyan magtrato ang lalakeng mahal ka! Alam mo sa sarili mong hindi mo deserve tratuhin ng ganyan!"

Napahilamos sa mukha si Rosey.

"Birhen ka man o hindi, tatratuhin ka ng lalake base sa hanggang saan ang nararamdaman niya para sayo, hindi yung kung hanggang saan ka lang! It's not you being not so decent, Leison! It's not about you! IT'S. ABOUT. HIM!"



NAGPALAKPAKAN ang mga tao sa loob ng conference room pagkatapos ng presentation ni Leison. Sa totoo lang ay kabado siya kanina dahil biglang pinasa sa kanya ni Nero ang gawain. Nagbusy-busyhan ito, dahilan upang sa kanya mapasa ang report na nakaatas para dito.

"That's a very comprehensive report Leison, hindi kataka-takang anak ka talaga ng ama mo!"

"Thank you, Mr. Jarovel. Have a good day!"

Nakangiti siyang lumabas sa conference room bitbit ang folder na ginamit niyang pointers kanina.

"Leison,"

Napalingon siya sa Ginoong tila kanina  pa naghihintay sa labas.

"Tito Alvin!" Magiliw niya itong nilapitan at niyakap. "Maaga pong nag-out si Nero--"

"Actually ikaw ang sadya ko.."

Agad nabura ang kanyang ngiti nang mapansing walang kangiti-ngiti sa labi ang kilala niyang masayahin na Tito Alvin. Hindi niya alam sa sarili ngunit biglang kinabahan siya.

"A-Ano po yun?"

Tito Alvin sighed and looked down. "Leison, your father..."

Ang mga sumunod na sinabi ni Tito Alvin ang nagpabingi sa kanya.

Tulala siyang pumasok sa kanyang unit. Hindi na niya namalayan kung paano siya nakauwi.

"Hello?"

Napalingon siya sa sala at natagpuan doon si Marc.

"How was your day?" Tanong nito.

"I... I have a rough day." Yumuko siya. Nilapag niya ang kanyang bag sa isang tabi.

"Oh.."

"W-What about you? Kumusta araw mo?" Tinabihan niya ito sa sofa.

Naglabas ito ng mga libro mula sa bag.

"I have some collection of books here. Saan dito yung mga nabasa mo na?" Kinuha nito ang isang puting libro at pinakita sa kanya. "This one is my favorite, kaso hindi ko pa tapos basahin."

"Ah..."

"Hmm, have you read this?"

Tipid siyang tumango. "Oo tapos ko na yan."

"Really? What happened?" Bumaling ito sa kanya.

"Nakalimutan ko na eh."

Marc laughed and hugged her. Kiniss siya nito sa pisngi.

"Marc." Tutol niya. Kahit na naglalambing palang ngayon si Marc ay alam niya na kung saan iyon mauuwi mamaya.

"Hmm.."

"Please not now. I'm having a rough day."

Matagal siyang tinitigan ni Marc, maya-maya ay tipid itong ngumiti. "Alright."

Pinanood niya itong magligpit ng gamit. Nang maisukbit ang bagpack sa balikat ay humalik ito sa kanyang pisngi.

"You seem not really in a good mood today... I'll catch you up tomorrow. Take care, Lei."

"Take care."

Pagkasaradong-pagkasarado ng pinto ay umiyak siya. She hold onto herself so tight. Halo-halo ang nararamdaman niya. Takot, kaba, hiya, at poot. Gustong-gusto niyang puntahan sa ospital ang kanyang ama ngunit wala siyang mukhang maiharap. Wala siyang lakas na mahugot mula sa sarili.

Nagkalat ang mascara sa kanyang pisngi. Kahit mukhang miserable ay minabuti niyang lumabas sa kanyang unit at magtungo sa coffee shop upang magpahangin. It's suffocating inside her unit, wala siyang makausap, baka bigla lang siyang mapainom ng zonrox dahil sa labis na pag-iisip.

Nagvibrate ang kanyang phone. Muntik niya pa iyon matapon nang mag-pop-up sa lockscreen ang message ni Nero. Pinapasend nito sa kanya ora-orada ang progress report. Kasunod niyon ay ang message ni Tita Vee.

From Tita Vee:

Where are you, Lei? Gising na ang Daddy mo, pero sinalpakan na siya ng tubo.

In-off niya ang kanyang phone at hinilamos ang kanyang palad sa kanyang mukha. Parang bata siyang umiyak. Wala siyang pakialam kung nakaka-agaw na siya ng atensyon sa mga katabing lamesa.

Isang lalakeng may kausap sa telepono ang napadaan sa kanyang lamesa na agad din napahinto nang malingunan siya. Umatras ito pabalik sa tapat ng kanyang lamesa.

"Sige pre, mamaya nalang. Tawagan kita mamaya." Anito sa kausap.

Nang mag-angat siya ng tingin ay nasalo niya ang pares ng mga mata ni Nero. Umarko ang kilay nito nang mabungaran ang kanyang itsura. Agad siyang napayuko at nag-iwas ng tingin.

Sinusubukan talaga siya ng mundo.

"Please, not now. I'm having a rough day.."

No Strings AttachedWhere stories live. Discover now