PIGIL ni Leison ang matinding emosyon habang nakatayo sa loob ng bar counter. Kakatapos niya lang makiusap sa kanyang manager na kung pwede ay maaga siya mag-out upang makapagtake ng test sa last subject. Ngunit sa kasamaang palad ay hindi ito pumayag, bagkus ay pinabalik siya nito sa kanyang gawain at pinaalala ang kanyang responsibilidad sa trabaho.
"Wag ka kasing magtrabaho kung hindi mo kayang isabay sa pag-aaral mo. May nalalaman ka pang 'you can work under pressure' sa resume mo, ngayon hindi mo mapanindigan." Iyon ang tugon nito sa kanya.
Tanggap na niyang madedelay siya sa paggraduate. Ang nakakasama lang ng loob ay isang subject lang ang hahatak sa kanya pababa. Nabalewala ang lahat ng pagod at paghahabol niya sa mga back subject dahil sa huli ay hindi pa rin pala siya on time gagraduate.
"Oh? Wag mong sabihing may work immersion ka rin dito?" Ang nakangising mukha ni Nero ang kanyang nalingunan.
Napapikit siya. Shit naman... Bakit puro kamalasan ata ngayon ang araw niya?
Alam niyang tumatawa ngayon si Nero sa isipan dahil ang balita niya sa mga magulang nito, si Tita Vee at Tito Alvin, kaibigan ng kanyang Tatay, ay hindi siya naghirap simula noong umalis siya sa poder ng kanyang ama.
Of course she wouldn't say the truth! Kapitbahay lang nila sila Nero at matalik na kaibigan ng kanyang ama sila Tita Vee. Tiyak na nakakarating sa kanyang ama ang kung ano mang binabalita niya kina Tita Vee tungkol sa kanyang kalagayan. Kung sasabihin niya ang totoo ay para niya na rin pinahiya ang kanyang sarili.
Tita Vee and Tito Alvin will not hesitate to help her and send her back to her father because she was the daughter which Tita Vee and TIto Alvin didn't have. The couples are really fond of her dahil gustong magkaanak ng mga ito ng babae. Sadly, hindi na kakayanin ni Tita Vee ang magbuntis sa pangalawang anak kaya naki-anak nalang ito sa kanya at pinagtiyagaan ang tunay at abnormal na anak na si Nero. Isa iyon sa dahilan kung bakit malaki ang galit at inggit sa kanya ni Nero.
Aba'y kung pwede lang silang magswap ng mga magulang ay game na game siya! Akala ba ni Nero hindi masakit sa kanya iyon? Na kinuha nito ang loob ng kanyang ama upang iparamdam sa kanya ang pakiramdam na sa ibang bata natutuwa ang magulang? Akala ni Nero hindi masakit iyon? Ito nga kumakain ng lupa noong bata pa sila eh!
"Totoo pala talaga ang balita na kayod kalabaw kana."
Upang itago ang pagkapahiya ay tinaasan niya ito ng kilay. "Eh ikaw? Anong ginagawa mo dito? Hindi ka bagay dito. Umuwi ka nalang sa inyo at magbible study. Mukha kang leader ng mga missionary!"
Pumintig ang sentido ni Nero. Sa klase ng tingin nito ay tila gusto siya nitong sapakin.
Taas noo niyang sinalo ang mga mata nito. "Ano? Galit ka? Chupe! Alis! Layas!"
"Bakit mo ako pinapaalis? Eh bartender ka lang naman dito." May pang-mamata na saad nito pagkatapos ay maawtoridad siyang tinanguan. "Anong tinatanga-tanga mo diyan? Move it! Gawin mo na yung cocktail ko!"
Mariin niyang naitikom ang labi. Napapahiya siyang napalingon sa mga customer na kasunod ni Nero. She has no choice, sa huli ay siya na naman ang talunan dito.
"Wag mong tapangan." Utos pa nito habang pinapanood ang pagsalin niya ng vodka sa baso.
Matapos gawin ang drink ay kinuha na ni Nero mula sa kanya ang cocktail at sinenyasan ang waiter na iabot iyon sa babaeng nakaupo sa isang sulok. Sinamahan pa nito iyon ng note na "Smile, it makes you beautiful and it lightens up this bar."
She almost puked.
Muling ibinaling ni Nero ang tingin sa kanya at inabot ang bayad sa inumin. Limang daan ang pera nito.
"Keep the change. You probably need it." Nanunuyang anito at agad sumibad palabas sa lugar.
Naiinsulto niyang nilukot ang pera at hinabol ito ng sigaw. "Ulol! 550 ang charge mo! Abonado pa ako ng singkwenta!"
Kinabukasan ay hindi na niya tinangka pang magtungo sa school, dumiretso nalang siya sa trabaho. Bakit pa siya pupunta sa school? Nag-aayusan nalang naman ng clearance at documents. Wala siyang kailangan ayusin dahil hindi naman siya makakagraduate.
"Leison."
Nag-angat siya ng tingin noong makilala ang boses na iyon.
"T-Tito Alvin..."
Wala pa naman gaanong tao sa bar kapag hapon kaya niyaya niya muna ang ginoo na maupo sa isa sa mga stool.
"Nero told us that you work here." Panimula nito.
Hindi na siya kumibo. Ipinagpatuloy niya nalang ang pagpupunas ng mga baso.
"What's your plan, Leison? Next week graduation niyo na. Hindi ka ba talaga--"
"Hindi po ako gagraduate." She interrupted.
Naningkit ang mata ni Tito Alvin, Tila saglit na nabingi. "What?"
Ikinwento niya ang totoong nangyari, ang lahat ng dahilan kung bakit hindi siya makakagraduate.
Ang mga sumunod na nangyari ay si Tito Alvin na ang may desisyon. Kinausap nito ang manager ng bar at pinagresign siya.
Naglalakad na sila palabas ng bar nang sa wakas ay magkaroon siya ng lakas na magsalita.
"T-Tito Alvin, saglit lang!"
Huminto ito sa paglalakad at nilingon siya.
"Iyon lang kasi ang bar na tumanggap ng resume ko. Ngayon ay hindi ko na alam kung saan ako mag-aapply."
"Hija, talaga bang bartending ang pangarap mo? I am not underestimating bartenders and your dream. Ang point ko kasi ay may mas malaking opportunidad na naghihintay sayo." Namulsa ito at tuluyang humarap sa kanya.
Yumuko nalang siya dahil nag-uumpisa na siyang umiyak. Ano ba naman itong mga desisyon niya sa buhay?
"Leison," May pagsusumamo sa boses nito. "Open your heart for your family business. Para sayo iyon. Sa totoo lang ay hindi namin gustong kay Nero ipasa ni kumpare ang Ravaje's dahil simula't sapul ay ikaw lang dapat may karapatan doon."
Lalo siyang naiyak. Tito Alvin sounds like a concerned father to her. Buti pa ito ay alam ang bagay na iyon kaysa sa kanyang tunay na ama.
"We all have passion, Leison. Naiintindihan ko na mahal mo ang trabaho mo. Yes, it may be your passion pero hindi ibig sabihin niyon ay makakabuti para sayo. Tignan mo ang nangyari sa academic mo."
Tito Alvin sighed.
"Magtrabaho ka sa Ravaje's. Aralin mo. Kahit subukan mo lang. Kapag hindi mo talaga natutunan mahalin, ako mismo maghahanap ng bar na pwede mong pasukan. Promise yan."
Nakangiti na si Tito Alvin nang mag-angat siya ng tingin.
"P-Pag iisipan ko po."
"Good! Vee would be relieved to hear that!" Napapalakpak ito. "Sa ngayon ay gawan muna natin ng paraan ang academic mo. Close naman ni Nero ang mga prof, I will ask him--"
"Wag si Nero, Tito!" Agad niyang pigil sa pagtitipa nito sa telepono.
"Why not?"
"He wouldn't help me..." Prangka niyang sagot.
Totoo naman. Hindi siya nito tutulungan lalo pa't mga magulang nanaman nito ang rumeremedyo sa problema niya. Tiyak na mag-ngingitngit nanaman iyon.
Batid naman nila Tito Alvin ang tensyon sa pagitan nilang dalawa, kaya sa huli ay ito nalang ang sumama sa kanya sa school upang makiusap sa professor.
She's glad. Mabait pa rin sa kanya ang Diyos. Sa huli ay pumabor pa sa kanya ang pagsumbong ni Nero at nasolusyonan pa ang kanyang problema.
YOU ARE READING
No Strings Attached
General FictionWARNING: MAKALAT ANG MGA CHARACTERS! WAG TUTULARAN! THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS AND SENSITIVE MINDS.
