"SHOCKS!!! Thank you, Lord!" Nagkandirit sa tuwa si Rosey at Leison matapos maidefend ang thesis paper na kanilang ginawa. Finals have been hassle and rough for the seniors, lalong-lalo na para kay Leison. Hindi niya maimagine kung paano niya na napagsabay ang puyat sa trabaho at puyat sa paghahanda sa kanilang thesis defense.
"Sa wakas makakagraduate na tayo!!" Hiyaw ni Rosie habang magkayakap sila.
Kumalas naman agad si Leison dito.
"Ikaw sigurado! Pero yung sa akin hindi!" Nangingiwi niyang inayos ang nalukot na skirt. "Kailangan ko pa magtest sa isa kong back subject."
"Omg! Iyon ba yung prof mong bakla na pinag-iinitan ka? Hala! Good luck!"
Kapwa sila napahinto sa paglalakad nang isang box ng cake ang sumalubong sa kanila. Ramdam niya ang pamumula ni Rosey nang makilala ang lalakeng may hawak niyon.
"Congratulations to my beauty-and-brain baby."
Napatakip sa mukha si Rosey. Napaiyak sa kilig.
"Aww, Allen! Paano mo nalaman?!"
Allen laughed and hugged Rosey.
"Hush, baby... Of course I know, I remember simple details you are telling me. I take note everything."
"Nakakainis ka!"
Nagtawanan ang dalawa nang punasan ni Rosey ang tumulong sipon. Samantala, tumikhim si Leison upang ipaalala ang kanyang presensya.
"Uuwi na ako, ha? Iwan ko na kayo para makapag-celebrate pa kayo—"
"Didiretso ka na ng uwi? May pasok ka ba sa work ngayon?"
"Wala naman, baka gagawa nalang ako ng reviewer—"
"Great! Sama ka na sa amin! Magcelebrate tayong tatlo!"
"Ha? Pero—"
Wala na siyang nagawa nang hilahin siya ni Rosey patungo sa loob ng sasakyan. Nakakahiya. Bukod sa wala siyang balak maging third wheel, ayaw niya rin sana maging sabit sa date ng dalawa.
"Next week pa naman ang test mo eh! Alam kong wala kang ibang kasama magcelebrate kaya sa amin ka nalang sumama! Don't worry lilibre tayo ni Allen!"
Tulad ng kanyang inaasahan ay naging third wheel nga siya sa dalawa. Sa lagoon restaurant bar sila napadpad.
She's happy for her friend, Rosey. Ngayon niya lang din kasi nameet ang akala niyang imaginary boyfriend nito. Hindi niya alam na lover girl pala talaga ang maldita niyang kaibigan.
Sa gitna ng kanyang pagsubo ay naisuka niya ang kanyang kinakain. Nasuka siya hindi dahil sa love birds na tukaan ng tukaan sa kanyang harapan. Nasuka siya dahil sa biglaang paghapdi ng kanyang sikmura at pag-ikot ng kanyang paningin. The last thing she saw was the worried face of Rosey and Allen as she fell from her seat.
Paggising ni Leison ay nasa medical clinic na siya. Natigil sa pag-uusap si Rosey at ang doctor noong mapalingon ang mga ito sa kanya.
"Oh my God, Leison! You are awake!"
Umupo siya at napahawak sa kanyang sikmura. Masakit pa rin iyon.
Agad siyang kinuhaan ng BP at tinanong. "Anong nararamdaman mo ngayon, hija?"
"Masama po ang pakiramdam ko. Nahihilo, nasusuka... Yung sikmura ko po... masakit."
Tumango-tango ang doctor na kanyang kausap. Maya-maya ay bumalik ito sa desk at nag-umpisang maglista.
"Ang huli mong kinain ay pasta. Hindi naman natin masasabing nafood poison ka dahil iyon din naman ang kinain ng mga kaibigan mo..."
Napatango siya. Sinulyapan siya ng doctor bago muling magtanong.
STAI LEGGENDO
No Strings Attached
Narrativa generaleWARNING: MAKALAT ANG MGA CHARACTERS! WAG TUTULARAN! THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS AND SENSITIVE MINDS.
