Chapter 15

135 2 0
                                    

LUMULAN sa loob ng sasakyan si Leison. Napasandal siya at nag-ipon muna ng hangin sa dibdib bago humarap kay Rosey.

"I saw him earlier,"

Panimula niya.

"H-He kissed me, touched me..."

Habang binabanggit iyon ay pinapasadahan ng kanyang kamay ang mga parte ng kanyang katawan na hinawakan ni Marc kanina. It was like she is more reminiscing and feeling the scene than simply telling it to Rosey.

"H-He heated me up! At muntik na akong madala!"

Nang muling lingunin ni Leison si Rosey ay nakaarko na ang kilay ng kaibigan.

"So what did you do? You gave in?"

"H-Hindi... mabuti dumating yung sekretarya ni Nero... hindi natuloy..."

Rosey laughed. "Why it seemed like you are not happy that it didn't happen?"

Napasimangot siya. Actually ay mabigat sa loob niya ang kanyang ginagawa. Maraming gumugulo sa isip niya simula noong planuhin nila ni Rosey ang ganitong set up. Natatakot siya.

"Hindi ba't parang ginagawa ko lang na boring ang sarili ko kay Marc? P-Paano kung maubos pasensya niya? P-Paano kung mainis lang siya sa ganitong ginagawa ko?"

Napabuga si Rosey.

"Marc likes you and you like him na rin diba? Puwes,ang kailangan niyo lang ay pagmumuni-muni  at pag-uusap. You are distancing yourself; if he notice it, he cares. If he doesn't, well then you got your answer." Nagkibit ito ng balikat. "Sabi mo diba ayaw mong ikaw ang magtatanong tungkol sa label dahil it will be very unusual topic para sa inyong dalawa, dahil ang alam ni Marc ay ayaw mo rin sa label? So why not itrigger natin siya hanggang sa sobrang pagkamiss niya sayo ay tuluyan ka niyang bigyan ng label?"

Tumanaw siya sa labas ng bintana. Iyon naman talaga ang plano, ang itrigger si Marc hanggang sa komprontahin siya nito. Pero bakit natatakot siya?

"Trust me, it worked for me and Allen."

Rosey and Allen were just fuck buddies before kaya nagulat talaga siya noong malaman na official na pala ang dalawa. Hindi niya inakala na magsesettle sa isa't isa si Allen at Roset gayong parehong malikot ang mga ito. Now Rosey and Allen are very committed, happy, and sure couples.

"Diba nga? Pumasok lang sa isip mo ang label noong mag-umpisang mawala si Marc tapos hinanap mo siya? Ganun din mangyayari sa kanya. Darating rin si Marc sa puntong iyon. Isipin mo nalang na you guys are in the same book but not in the same page yet. You are pages ahead of him, Lei, so slow down. Give him time."

Tumango siya at tumanaw sa labas.

"Okay..."

Ganoon nga ang ginawa ni Leison. She does the same old, but this time, she makes herself less available. Maintained pa rin naman ang connection nila ni Marc pero hindi niya gaanong inispoil ang oras na magkasama sila.

"Where are you going?" Naalimpungatan si Marc noong bumangon siya upang magbihis.

She is hooking her bra noong lingunin niya ito. "Kailangan ko ng bumalik sa trabaho."

Marc rolled over the bed and snaked his hand around her stomach.  Nakakumot pa ang kalahati ng katawan nito habang humahalik sa nakalantad niyang balikat.

She knows what he is pertaining. Hindi siya nagpadala. Bagkus ay nagpatuloy  siya sa pagreretouch habang nanatiling nakaupo sa gilid ng kama. Where is her goddamn blouse?

"Hmm~" Ani Marc, as if he is saying 'you are still going?'

Nakatukod ang siko nito sa kama habang ang isang braso ay nakapulupot sa sikmura niya. Kumikintil-kintil ito ng halik sa likod niya.

Anytime ay pwede nitong i-unhook ang kanyang bra kaya tumayo siya sa kama at pinulot ang kanyang blouse sa sahig.

Ramdam niya ang mataman na pagtitig ni Marc mula sa kamang pinag-iwanan niya dito. Nagpatay malisya siya at tumalikod sa gawi nito upang magbihis kuno, kahit pa ang totoo ay iniiwasan niya lang masalo ang titig nito.

She heard him sighed. "Tsk, damn."

Natigil siya sa pagbubutones ng damit.

Shit, ito na ba yun?

Agad niya itong nilingon. "What's with the 'damn'?"

Kabado siya habang hinihintay ang sunod na isasagot nito.

Napakamot si Marc sa batok. Tila isa itong batang hindi nabigyan ng candy noong saluhin ang kanyang tingin. "I want another round and you're not cooperating.."

Umarko ang kanyang kilay. That's all?

Bumagsak ang kanyang balikat. Blangko ang mga mata niyang tumitig kay Marc.

Arrghhh! I hate you!

Pigil ang inis niyang hinablot ang kanyang bag at walang kibo itong iniwan mag-isa sa unit.



FRIDAY in the morning, sa wakas ay weekend, masama ang timpla ni Leison habang nag eencode sa laptop na kanyang kaharap. Bukod sa naaalala pa rin niya ang huling tagpo nila ni Marc, kanina pa rin siya naririndi sa mga kwentong marathon ni Nero na hindi marunong makiramdam sa kausap.

"10 PM na ata niyon, tumawag siya sa akin, naflat daw yung service nila. Bumangon ako niyon tapos pumunta ako kung saan sila natirikan. Hinatid ko sila pauwi, buti nagkasya sila sa sasakyan. Tapos ito na..." Umayos sa pagkakaupo si Nero. "Wanna know what happened next?"

"Ayaw k--"

"Nevermind," Anito nang idisregard ang sagot niya at magpatuloy sa pagkkwento. "She hugged me, Lei! Keana fucking hugged me!!" Nangangarap na napasandal sa swivel chair si Nero at hinayaan iyon magpaikot-ikot habang masayang nakapikit.

Tignan mo itong tangang 'to. Niyakap lang siya pero parang siya na ang pinaka-masayang lalake sa mundo. Aniya sa isip habang blangko ang mga matang pinapanood si Nero.

"Niyakap ka lang, Nero. Kahit ako kapag natutuwa sa aso ko ay niyayakap ko rin." Umiling siya at ibinalik ang atensyon sa laptop.

Simula nang tambakan siya noon ni Nero ng trabaho dahil may nasabi siya against sa love story nito at ni Keana, ipinangako niya sa sarili na hindi na siya magkokomento sa corny shits nitong kaganapan sa buhay upang maging maayos nalang ang kanilang  mga buhay sa loob ng opisina. Ngunit may pagkakataon talaga na hindi niya nakokontrol ang kanyang bibig.

Agad niyang binawi ang kanyang sinabi noong samaan siya ng tingin ni Nero.

"Pero improving naman kayo, tignan mo nga nagkakayakapan na."

Bumuntong hininga si Nero. Tumanaw ito sa glass wall na kung saan ay tanaw na tanaw ang langit.

"Pero ano sa tingin mo? Kailan niya kaya ako sasagutin?"

"Psh! Iniisip mo pa yun?"

Bumaling ang tingin sa kanya ni Nero. "Oo, bakit hindi?"

Tatawa-tawa siyang napailing. "Palagi naman na kayong sabay kumain, hatid-sundo mo siya, nayakap mo na siya... so bakit mo pa iisipin kung sasagutin ka niya or hindi? Hindi ka ba natutuwang may benefit na kayo ng pagiging magsyota?"

"Friends with benefits?" Mabilis na umiling si Nero. "No shit, kahit pa mahal ko. Kahit pa si Keana yun, ayaw ko. Sa libro lang naman nakakakilig yung ganun. In reality, it is telling you to your face that you're good enough to fuck, but not good enough to invest feelings in. Ayaw ko nun."

Natigil siya sa pagtitipa. Napalingon siya kay Nero na nag-iscroll na ngayon sa facebook account ni Keana.

"Okay... Sinuggest ko lang naman. Nakalimutan kong mormons ka nga pala."

Mabilis  itong  napalingon.

"Ano?! Hindi nga ako mormons!" Akmang sisikmatin na naman siya ni Nero mabuti at pumasok si Andy at sunod-sunod na trabaho ang iniwan nito sa lamesa. Pagtapos niyon ay hindi na sila nagkaroon ng oras magkapikunan at usap. Naging tahimik at payapa ang mga sumunod na oras.

No Strings AttachedWhere stories live. Discover now