Chapter 17

143 2 0
                                        

"THIS... this.. this... and that!" Halos lahat ng produkto sa picka-picka ay hinablot na ni Nero. Nagmistulang shopping cart si Leison sa dami ng pinamiling bulaklak, baloons, at chocolates na pinamili ng binata.

"Uhmm, hello? Baka balak mong kunin sa akin itong mga pinamili mo?" Ngali-ngali siyang mapairap. Nangangati ang balat niya sa isang bungkos ng bulaklak na hawak niya. She has never been this close to a flower. None of her boyfriends gave her one during Valentine's. Maybe she has  allergy or sadyang reaksyon lang ng balat niya dahil hindi siya sanay.

"No, hold it for a sec. Tinetext ko pa si Keanna." Ani Nero habang ang atensyon ay nakatuon sa telepono. "Alam mo na kung anong gagawin mo ha?"

Grr! Labas sa ilong siyang sumagot. "Oo."

Dapat ay kanina pa siya nakauwi kung hindi lang siya hinatak ni Nero sa kalokohang ito. Pinaniwala siya nito na may kameeting sila, kahit na ang totoo ay balak lang nito bumili sa picka-picka at magpatulong sa kanya na isurprise si Keanna na balak nilang abangan mamaya.

Sumulyap siya sa kanyang relo. 5:30 na ng hapon, maaabutan na naman siya ng mahabang pila sa jeep mamaya. Mabuti sana kung isasabay siya ni Nero pauwi, ngunit malabo iyon mangyari.

"How do I look?" Humarap sa kanya si Nero at pinapungay ang mata.

Tumango siya at nag-thumbs up. Mukhang tanga si Nero, ngunit dahil mukhang masaya naman ito sa ginagawa ay hindi nalang siya magsasalita. Today is Valentine's day, araw ngayon ng mga hopeless romantic na katulad ni Nero. Suportahan niya nalang.

"Ikaw ang sasalo ng mga irereview at pipirmahang papel bukas." Pagpapaalala niya sa kasunduan nila kanina.

Tumango ito at ipinatong na sa kanyang ulo ang head bun na may malaking sticky note na "Be my girlfriend, Keanna! I love you from my deepest veins and arteries!"

Naiiling nalang siya habang binabasa iyon kanina. Ibang klase pala talaga magkagusto ang mga matatalino.

Natatarantang tumingin sa relo si Nero. "Malapit na siyang lumabas! Leison-- stay here, abangan mo siya. Kukunin ko lang sa sasakyan yung teddy bear. I'll be back!" Anito habang tumatakbo palayo.

Nagtangis ang kanyang ngipin. "Nero!"

Iniwan siya nitong mag isa sa pavement. Ngayon ay mukha siyang mascot sa suot niyang malaking head bun na may message, habang may bitbit na mga lobo, bulaklak, at chocolates.

Punyeta talaga! Bakit ba favorite third wheel siya ng mga couples sa paligid niya?!

Nawala ang pagkakasibangot niya nang mabalingan ang isang motor sa gilid. Matagal siyang nakatitig sa babaeng masayang tumatanggap ng bulaklak sa lalakeng kakaparada lamang ng motorsiklo sa tapat nito.

Noong una ay kinukumbinse niya ang sarili na isa lamang iyon sa manliligaw nito. Ngunit tuluyang naputol ang  kanyang pisi nang makita ang pagtingkayad ng babae upang kintilan ng halik ang kaharap na binata. Confirmed! It was Keanna with her boyfriend!

Mabibigat ang hakbang niyang lumapit patungo sa gawi ng dalawa. Narinig niya pang nagbatian ng 2nd anniversary ang mga ito.

What the fuck?!

May two-year boyfriend na pala tapos nagpapaligaw, nagpapalibre, at nagpapahatid-sundo pa kay Nero?!

This bitch!

Walang pasintabi niya itong tinangay palayo sa boyfriend nito at dire-diretsong dinala patungo sa silong-- na sapat ng lugar upang biguin at nakawin ang ilusyon ni Nero. At least sa silong na ito ay walang tao. Hindi gaanong mapapahiya si Nero.

No Strings AttachedWhere stories live. Discover now