Chapter 4

307 3 0
                                    

ITINAPON ko sa teresa ang upos ng aking sigarilyo. Nakaubos ako ng one stick kakapanood sa malumanay na pakikipag-usap ng tatay ko sa ibang tao.

"Ma'am pwede na po kayong pumasok, tapos na po ang meeting ng Papa niyo." Paalala sa akin ng kanyang sekretarya.

Tinanguan ko ito at nginitian. "Salamat."

Pagpihit palang sa seradura ng pinto ay rinig ko na ang tawanan sa loob. Nahinto lang iyon noong kapwa sila mapalingon sa akin.

"Pa," I blurted out. Alam na niya ang ibig sabihin niyon.

"Job well done, Nero. I am proud of you." Aniya sa kaharap na binata. May pagtapik pa siya sa balikat nito.

Nalukot ang aking noo noong  pasimple akong sulyapan ni Nero. Kinibitan niya ako ng balikat, as if he was saying 'well'. As if he smells the jealousy I felt.

"I'll catch up with you tomorrow, young man!" Pahabol ni Papa noong magpaalam ng umalis ang lalake. Saka lamang muling pumormal ang kanyang mukha noong mapag-isa na kami sa loob ng kanyang opisina. Doon niya lamang ako binalingan. "Why are you here?"

Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa, alam kong ayaw niya rin magkaroon ng mahabang conversation sa akin.

"I need money."

"For?"

"Tuition."

Enrollment na para sa next semester. Huling semester na iyon kaya medyo malaki ang babayaran. Kung hindi lang naubos ang pera ko sa midyear class ay hindi ako manghihingi ng pera sa matandang ito.

Ngayon ko pinagsisisihan ang mga back subjects ko. Kung wala siguro ako ng mga iyon ay wala akong hahabulin na subject para on time makagraduate. HIndi rin siguro ako mapipilitan humingi ng tulong sa matandang ito.

"Tuition? Para saan?" Parang hari siyang umupo sa kanyang swivel chair. "Para sa walang kabuluhan mong kurso?"

Ah, nandito na naman po tayo.

"Sinabi ko na sayong hindi kita papakielaman sa mga desisyon mo sa buhay, pero hindi ko sinabing susuportahan kita. May pagkain ka, damit, at bubong na matitirhan. Do as you please, ikaw ang humanap ng sarili mong kapalaran--"

"Kailangan ko ng suporta pinansyal!" Ibinagsak ko ang dalawa kong kamay sa desk na nakapagitan sa aming dalawa. "Responsibilidad mo yun sa akin bilang ama."

"Leison!" Namula sa galit ang kanyang mukha. Ito ang unang pagkakataon na nagsalita ako sa kanya.

Well, he earned that shit.

Hindi ako nagmamalabis. In fact, I didn't say a word noong inanunsyo niya na kay Nero ipapasa ang Ravaje's. Ni-hindi na ako nag-eexpect ng ano pa man mula sa kanya.

"Ngayon nalang ako hihingi ng suporta mula sayo. Isang semester nalang gagraduate na ako, pagtapos niyon maghahanap ako ng trabaho. Aalis ako sa poder mo at hinding-hindi na ako magpapakita sayo."

Mataman siyang tumitig sa akin. Kapwa matigas ang aming anyo. "It's Ravaje's or nothing."

Nakipagtagisan ako ng tingin. Nang makitang hindi na magbabago ang isip niya ay mapakla akong napangiti.

"It seems like I don't have enough reason to stay then." Aniko, pagkatapos ay isinurrender lahat ng susi na meron siya sa akin.

Hindi na ako lumingon noong lumabas ako sa kanyang office. Kung pwede lang isauli ang buhay at apilyedo na galing sa kanya ay baka ginawa ko na.



"MISS, isang cocktail!"

"Sir, lasing na po kayo."

"May pangbayad naman ako!"

No Strings AttachedWhere stories live. Discover now