Chapter 16

147 1 0
                                    

IT'S BEEN a month since Leison started doing Rosey's advice. Lahat ng technique ginawa niya. Dumating pa sa point na sinubukan niyang pagselosin si Marc. She wonders kung saan kaya napunta ang usapan kung sumagot siyang oo noong isang araw na tinanong siya nito kung in love ba siya.

Naduwag siya noong tanungin ni Marc kung in love siya. Naduwag siya hindi dahil ayaw niyang malaman ni Marc na in love siya dito. Bagkus ay naduwag siya dahil inakala nitong in love siya sa iba, at naramdaman niya handa siya nitong lubayan kung sumagot siyang oo.

Marc may be a naughty guy, but he knows where to place himself. Isa iyon sa hinangaan niya sa lalake. Alam ni Marc ang lugar nito sa buhay niya at nakakainis dahil nananatili pa rin iyon doon.

Gusto niyang kumilos si Marc. Gusto niyang gumawa ito ng hakbang upang hindi nalang basta pwesto ang meron ito sa buhay niya, kundi titulo.

After that conversation with Marc, she promised to herself na hindi niya nalang itutuloy ang technique na ipinayo ni Rosey. She was just losing Marc.

"Maybe you should wait nalang? It's not that habang buhay kayo hindi magkakalabel. Sabi mo naman pareho kayong walang iba, diba? Baka kailangan niyo lang talaga ng time. Tutal nasa inyo naman na talaga lahat at label nalang ang kulang."

"Yeah, ayaw ko rin mailang kami sa isa't isa kapag inopen ko yung topic tapos hindi ko magustuhan yung reaksyon niya. Ang mahalaga gusto namin ngayon ang isa't isa."

Tulad ng sabi niya noong college... Darating din sila doon.

Siguro kailangang magfocus muna sila sa career at mga sinisimulan nila na pangarap. At least magkasama pa rin sila. At least andyan pa rin sila para sa isa't isa. Sabi nga ni Marc, hindi naman siya mawawala, ganun rin naman ito.

We never know, baka kapag maayos na ang lahat, maayos na ang buhay nila, maisasaayos na rin nila ang status nila. Madali nalang iyon.

Sa ngayon ay ipaparamdam niya nalang na noong sinabi niyang palagi siyang nandiyan para dito... ay totoo iyon at mula sa kanyang puso...

"I am always there for you."

"... Same here."

Her response might seem cold and short, but she really meant those words... it really meant to her.

"Lei,"

Bumalik siya sa kasalukuyan nang tawagin ni Marc ang pangalan niya. Kanina pa pala siya nakatitig sa mukha nito.

She smiled and caressed his face. Kahit may mga papatubo itong mustache ay hindi iyon nakabawas sa kagwapuhan nito.

She missed this guy... so much.

Galing ito sa trabaho at sa kanya dumiretso. Ngayon niya lang ito nakitang nakasuot ng uniporme.

Marc smiled back, dahilan upang sumilip ang mga dimples nito. Has she mentioned na dimples ang asset ni Marc? Iyon ang isa sa mga bumudol sa kanya noong unang gabing kausapin siya nito sa bar.

"Oh my heart.." Naibigkas niya noong sundan pa iyon nito ng kindat.

Nagbago na talaga ang tibok ng kanyang puso. Sana alam ni Marc kung ano ang epekto sa kanya ng mga simpleng bagay na ginagawa nito.

Mahina itong natawa. "Oh no, can someone get us some medic here?" Lumingap ito sa paligid na para bang may iba pang tao sa loob ng kanilang unit.

Natawa siya at pinalo ito sa dibdib. "Ang hilig-hilig mong gumawa ng dialogue!"

She cupped Marc's face at kinintil-kintilan ito ng halik sa labi. In addition, she wish Marc knew that she didn't forget about his birthday yesterday. Sinadya niya lang na hindi ito batiin dahil ayaw niyang pagmukhaing obvious ang sarili. Ayaw niyang malaman nito na alam at tanda niya ang maliliit na detalye sa buhay nito.

No Strings AttachedWhere stories live. Discover now