Chapter 13

149 1 0
                                    

"UY SORRY late!" Pagkarating na pagkarating ay ibinaba ko ang coat na nakasampay sa aking braso kasabay ng mga papel na dala ko.

Rosey, on the other hand, is arching her brow while watching me. It's been months noong huling beses ko siyang nakasabay magdinner, the day after thesis defense pa ata ang dinner na iyon.

"What's with the coat and paperworks???" Naguguluhang tanong niya. "I thought I am going to meet a blue haired bartender! Omg! How have you been?!"

Masayang tumayo si Rosey at dumukwang upang ibeso ako. Nang muli kaming umupo ay napailing ako.

"Nagtatrabaho na ako sa dating pinagpipilitan sa akin ng tatay ko. Ah basta! Ang daming nangyari!" Kinwento ko kay Rosey lahat magmula noong muntik akong hindi makagraduate hanggang sa tinulungan ako ni Tito Alvin at kinausap tungkol sa papasukin ko after school.

"Well, at least you are giving it a try. It's just that... nakakapanibago. Kasi diba planado na natin ang journey natin noong college? Haha nakakaloka! May buhay pa pala talaga after college!"

Nag-apir kami at nagkasundo. Siya naman ang sinuri ko.

"Sa pagkakaalam ko model ka ngayon. Hindi mo rin ginamit inaral mo sa college?"

"Life is full of twist you know..." Tugon niya bago sumipsip sa iced tea.

"Sabagay," Sumulyap ako sa relo ko. "Siya nga pala, I will have to leave by 9:00. Baka uuwi si Marc sa unit--"

"Oh, you are still together?"  Namilog ang mata ni Rosey. Napapalakpak sa tuwa. "Yaaaay! Ang tatag niyo naman!"

Napahawak ako sa dibdib dahil sa pagkagulat.

"Y-Yeah we are still together... I mean... hindi pa kami pero alam mo na... still seeing  each other." Nagkibit ako ng balikat at chineck ang messenger ko.

"Why don't you just confront him and ask him about the score between the two of you?"

Dinuro ko siya at umiling. "Yan ang huling-huli kong gagawin. Alam mong pareho kaming may ayaw sa commitment."

Nanunudyong ngumiti si Rosey pagkatapos ay humalukipkip. "If you haven't noticed, you're acting committed now. You are making him part of your routine. 9 o'clock PM huh? Tss! Yan ba yung ayaw ng commitment? Talk the talk and walk  the talk!"

"Oh edi wow!" Inungusan ko siya. "As if kasing dali lang ng paghingi ng sex ang paghingi ng label! Paano kung iopen up ko yun tapos di siya ready sa tanong? Edi napahiya ako?" Inis akong napakamot. "At saka sabi ko sayo diba, we need more time. Hindi pa napag-uusapan kasi simply, hindi pa ready! Common sense lang!"

"So on the record, ayaw mong ikaw ang  unang magtatanong tungkol sa bagay na iyon?"

Tumango ako. "Oo, mamaya tawanan pa ako nun at ihalintulad sa mga former chixx niya."

Hindi kumibo si Rosey. Nakatitig lang siya sa akin. She knows that our conversation is getting serious.

"I will make sure first whether or not we are on the same page, until then, he should not know yet that I already caught feelings for him."

"Gusto mo ng technique?" Biglang  tanong niya.

"Technique?"

"Gusto mong siya ang kokompronta at kusang hihingi sayo ng label?" Rosey leaned in and looked intently into my eyes... "Get busy. Magpamiss ka."

Nangunot ang noo ko dulot  ng kyuryosidad.

"Sabi nila 'A man falls in love with woman's absence.' Give him days or weeks. Way na rin para habang nawawalan ka ng time sa kanya, mapapaisip na siya, matthreaten, at kakabahan. Marerealize niya na he's starting to lose you. As a result... kokomprontahin ka niya tungkol sa oras mo... magkakaroon kayo ng usapan tungkol sa priorities... AND VOILA! mapupunta na kayo sa usapang commitment at label!"

No Strings AttachedWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu