Special Chapter 2

166 6 0
                                    

How She Healed

NAPAMULAT si Leison nang tumama ang sinag ng araw sa kanyang mga mata. Isang bulto ng lalake ang naulinagan niyang humahawi sa nagkakapalang kurtina ng kanyang bintana. Pinapapasok nito ang sinag ng araw sa loob ng kanyang kwarto.

"Anong ginagawa mo dito?" Pupungas-pungas siyang bumangon.

"Wala kang balak pumasok? Noong nakaraang araw ka pa hinahanap ng mga empleyado mo. Nauubusan na ako ng dahilan."

Prenteng giniya ni Nero ang tray patungo sa kanya. "Lunch in bed. Singhutin mo muna yung usok ng sabaw para mawala ang pagbabara ng ilong mo."

Barado ang ilong niya at maga ang kanyang eyebags. Bakas na bakas ang mahabang oras niyang pag-iyak.

"Anong sinagot mo sa kanila? Na masama pa rin pakiramdam ko?"

Mahina itong natawa. "Nice guess, but wrong answer." Umiling si Nero, kasabay niyon ang paghugot nito ng ticket mula sa bulsa. "Hey, let's have a vacation. Nanalo ako sa raffle."

Agad siyang umiling. "Ayaw ko umalis. Wala ako sa mood."

Napakamot ito sa batok.

"Alright.."

Umupo ito sa kanyang kama at tumabi sa kanya.

"Ilang araw ka ng hindi bumababa. Magtataka na sila. Your father can't see you like that."

"Masama ang pakiramdam ko. Yun ang alam nila."

Napapito ito. "Halos isang buwan ka ng nagpapanggap na masama ang pakiramdam."

Hindi siya kumibo. Nagpatuloy nalang siya sa pagkain.

"Pero sige, ikaw din..." Mailap ang mga matang nagbawi ng tingin si Nero. "Narinig ko pa naman kanina... pinag-uusapan nilang ipaswab test ka..."

Natigil siya sa pagsubo. Napaangat siya ng tingin dito.

"Swab test?"




SHUTTING DOWN. Kapwa nila tinitigan ang dalawang salitang iyon hanggang sa tuluyang mamatay ang telepono. Tulad ng napagkasunduan ay ibinulsa nila iyon at hindi na muna gagamitin sa loob ng ilang linggong bakasyon.

"Okay ka lang?" Nero asked after they secured their phones inside their pocket.

Tipid siyang tumango.

Nilibot niya ang paningin sa paligid, maya-maya ay napahugot ng malalim na paghinga.

"What are we gonna do?"

"We're gonna shout."

"Huh?"

Hindi na sumagot si Nero, bagkus ay bigla na lamang nitong kinuha ang kanyang pulso at tinangay patungo sa mga rides.

Saglit na may kinausap na tao si Nero, nagpakita ng ticket, at maya-maya lang ay mangiyak-ngiyak na sila habang hinahambalos ng hangin sa slingshot ride.

"Waaaahhh!! Hayop ka Nero! Ayaw ko naaaa!!!"

Hagalpak at pagsalag ang itinutugon ni Nero sa bawat sigaw at hampas na ginagawad ni Leison. Kung wala lang seatbelt ang dalaga ay baka kanina pa siya bugbog sarado habang lumilipad sa ere.

Sinulit nila ang unli rides na included sa raffle. Sinakyan nila ang lahat ng makatakas kaluluwang rides. Sigaw, himatay, at pagsuka. Lahat ng iyon ay nagawa nila.

Kinagabihan habang naglalakad patungo sa kanilang kwarto,napansin ni Nero ang muling pananahimik at pag-iisip ni Leison.

"Lei,"

To już koniec opublikowanych części.

⏰ Ostatnio Aktualizowane: May 19, 2023 ⏰

Dodaj to dzieło do Biblioteki, aby dostawać powiadomienia o nowych częściach!

No Strings AttachedOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz