Chapter 12

161 2 0
                                    

Graduation's day

Tapos na ang program. Nagsisi-uwian na ang mga tao. Nilibot ko ang aking paningin sa malawak na espasyo ng covered court upang mabusog lamang ang mata ko sa imahe ng mga schoolmates kong nagpipicture kasama ang kanilang pamilya. Mayroong umiiyak, tumatalon, at sumisigaw.

Sinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako umasang may darating para sa akin. Kahit malabo ay inasahan kong darating siya, na kahit man lang sana ang secretary niya ay magpapakita.

I was about to leave when a figure of a man walk towards me-- it was Marc.

Huminto siya sa harap ko bitbit ang kanyang toga at diploma.  Tulad ko ay wala rin siyang kasama. Ngumiti siya ngunit hindi umabot sa mata.

"Celebrate tayo?" He asked.

I smiled and nodded. "Just what I thought..."

Dumiretso kami sa unit na pinahiram niya sa akin. Nagpadeliver kami sa fastfood na sakto lang para sa amin.

We've been silent for first minutes. Tanging plato at kubyertos lang ang maririnig sa apat na sulok ng lamesa. Ayaw ko naman magtanong dahil hindi rin naman siya nagtanong kung bakit walang pumunta sa akin.

Maybe he doesn't want to talk about it.

"Siya nga pala, may bago akong trabaho."

Nag-angat siya ng tingin. "Nagresign kana sa bar?"

"Hmm oo, iniisip ko nga kung tatanggapin ko ba yung bagong trabaho."

Nagpatuloy si Marc sa pagkain. "Bakit?"

"Kasi magiging busy ako, baka hindi na tayo magkita at makapag-usap."

"Don't worry." Komento niya. "Magkikita at mag-uusap pa naman tayo kapag may time ka."

Tapos na ako sa kinakain ko. Pinanood ko na lamang siya ubusin ang sa kanya. Ang bilis niya naman kausap.

Tila naramdaman niya ang pagtitig ko. He held my hand and kissed it.

"Chill, babe. Hindi ka naman mawawala, ganun din ako. Nothing to worry about. Let's stay in touch if possible."

Oo nga naman. We just graduated. Tiyak magiging busy rin siya. Right.

I smiled and nodded. "Okay."


"I AM SO HAPPY!!" Tita Vee caressed my hair as she stared at my face. "Sabi ko na nga ba sakto sayo ang skirt at coat ko noong kadalagahan ko pa! Akala ko wala nang magmamana ng mga damit ko!"

"Haaayy! Isang pangarap nanaman ang natupad." Umakbay si Tito Alvin kay Tita Vee. "Asahan mong madalas ka ng pupuntahan dito ni Vee para lang ayusan."

Lukot ang noong hinawi ni Tita Vee ang balikat. "Eh syempre! Hindi ko naman pwedeng make-upan si Nero! Eh kung maaga mo ako binuntis edi sana nakagawa pa tayo ng babae!"

Napailing si Tito Alvin at napasapo sa noo. "Don't mind us, Leison. Masaya lang kami at nakapagdesisyon kana."

Tumango ako. "Opo, thank you rin po at tinulungan niyo ako."

"Aww! Let's group hug!" Ani Tita Vee. Napipilitang nakigroup hug nalang si Tito Alvin.

Pagtapos ng eksenang iyon ay umakyat na ako sa executive's office kung nasaan si Nero. Kung papaano nila ito napapayag na itrain ako ay hindi ko alam.

Tinuro sa akin ni Nero ang mga gawain at sistema sa Ravaje's. Hindi naman halatang labag sa loob niya ang ginagawa dahil nagdadabog siya kapag may hindi agad ako nagegets sa tinuturo niya.

"Good morning, Sir Nero."

"Good morning, Sir."

"Welcome po."

Iyon ang  naririnig ko sa bawat cubicle na nadadaanan namin. Kasalukuyan akong nililibot ni Nero sa mga department na dapat daw ay masaulo ko. Gusto ko na siyang bigyan ng kumot at unan dahil panay hikab siya habang nagdidiscuss sa akin ng mga impormasyon.

"Good morning!"

Napaangat ako sa kanya ng tingin nang tila nag-iba ang ihip ng hangin noong makarating kami sa 15th floor. Paano'y siya ang nauna at kusang bumati sa department na iyon.

"Good morning, Sir Nero!" Bati ng ilan. Lumibot ang mata ni Nero sa paligid at huminto iyon sa isang babae.

"Good morning..." Nero reciprocated. Hindi ko alam kung para ba iyon sa mga bumati sa kanya or sa babae na  natatanging binigyan niya ng ngiti sa lahat ng bumati sa kanya mula kanina.

Napangiti ako sa sarili at tumango-tango. Ah, the girl in the bar. Yung binigyan niya ng cocktail.

Mula nang makarating kami sa 15th floor ay hindi na nabura ang ngiti ni Nero. Kulang nalang ay sumayaw pa siya habang itinuturo sa akin ang ibang department. Paminsan-minsan ay tatawa siya kahit walang nakakatawa.

Gosh! The girl in the 15th floor department just smiled at him! Tapos sobrang saya niya na!

Well I thank that girl, Keana, dahil umabot na hanggang hapon ang light mood ni Nero. Hindi na siya nagdadabog at nagpaparinig pag may nakakalimutan ako sa tinuro niya, tatawanan niya nalang iyon at muling ituturo.

No Strings AttachedWhere stories live. Discover now