"No worries, sinabi ko nalang sa kanila na dati kang cleft lip."
Sinamaan niya ito ng tingin at tinaasan ng gitnang daliri. Agad naman itong natawa.
"Do you have tylenol?"
"Sa cubicle ko."
"Sige nga. Pahingi."
Ganoon na ang nakagisnan niya. Tuwing nakakasalubong niya si Nero ay may nakalahad na itong kape. As if he knew that she still cries at night. Nasanay nalang ito sa pagiging iyakin niya. Minsa'y mangha pa ito kapag hindi maga ang kanyang mata kinabukasan.
Leison: Can you come over? May nakita akong cooking session sa internet.
Nero: Okay. Mag-grocery muna tayo.
Leison: Yaaaay! Bihis lang ako.
Nero: Nandito na ako sa baba.
That sunday morning tamang jam sila sa radyo habang nagpeprepare ng tanghalian. Sarado ang shop, day off ni Nero, so they spend their whole day cooking and baking. Sumasabay lang si Nero sa lahat ng trip niya.
I'm not your superwoman (oh, no, no, no)
I'm not the kind of girl that you can let down
And think that everything's okay
Boy, I am only human (I'm only human) 🎶
Napasulyap si Nero nang marinig ang pagsinghot ni Leison. Tahimik na nag-gagayat ng sibuyas ang babae.
"Are you... okay?"
"Mm-hmm." Sunod-sunod itong tumango. Panay ang pagpatak ng luha mula sa mata. "Masakit lang sa mata itong sibuyas..."
This girl needs more than occasional hugs
As a token of love from you to me
I'm not your superwoman (hoo, hoo, hoo, ooh, ooh, hoo)🎶
Nang sunod-sunod mapahikbi si Leison ay agad pinatay ni Nero ang radyo. Mabilis niyang dinaluhan ang babae.
"Tsk! Sino ba kasing may-ari ng radyo na yan?"
Ganun kagulo ang naging healing process ni Leison. May mga araw na umaahon siya ngunit may mga araw na lumulubog ulit siya.
Napakagulo.
Kung may isang bagay man na sigurado siya, iyon ay ang tawa at ngiti ng mga nagdaang buwan na hindi niya pineke. Maaaring hindi pa siya tuluyan naghihilom, ngunit lahat ng masasayang araw na mayroon siya ay hindi na pilit at pagpapanggap. Lahat ng iyon ay totoo na niyang nadama. At least paunti-unti ay nakakaya niya.
"What's your plan on 26th?" Nero asked amidst the silence. It was a rainy afternoon. Sinamahan siya nitong magkape sa terrace upang makinig sa buhos ng ulan.
Nilingon niya ito. "Anong meron sa 26?"
He gagged on his coffee. "Anniversary ng shop mo, nawala sa isip mo?"
"Oo nga pala." Napasapo siya sa noo. "Ehh, baka magbigay nalang kami ng promo sa customers."
"Yun lang?"
Pinalalim niya ang pag-iisip ngunit wala talagang maapuhap. "Magbigay ng discount? Libreng mug? Ano ba?"
"No. I mean, let's celebrate." Mula sa bulsa ay naglabas si Nero ng dalawang ticket. Tumaas-baba ang kilay nito habang nakangiti sa kanya. "Nood tayo ng concert?"
Napangiti siya. Kinuha niya ang ticket mula sa kamay nito. Matagal siyang napatitig doon pagkatapos ay kay Nero.
"You want to celebrate my achievement?"
Umungos ito. "Psh! Why not? I'm proud of you!" Naninimbang siya nitong sinulyapan. "Bakit ikaw? Hindi ba?"
Muli siyang tumanaw sa kawalan. Hindi na naalis ang kanyang ngiti. "Edi magcelebrate!"
YOU ARE READING
No Strings Attached
General FictionWARNING: MAKALAT ANG MGA CHARACTERS! WAG TUTULARAN! THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS AND SENSITIVE MINDS.
Special Chapter 2
Start from the beginning
