Kinabukasan, may hangover pa si Leison at nakatunganga lamang sa lobby. Isang usok ng kape ang nagpabalik sa kanyang diwa. Nang mag-angat ng tingin ay ang maaliwalas na mukha ni Nero ang kanyang nabungaran.

"Singhutin mo muna yung usok para mawala yung pagbabara ng ilong mo." Umupo ito sa tapat niya. Tulad niya ay tumunganga lang rin ito sa labas. Hindi ito nangulit. It was like Nero's giving  her the  silence  she needed, and at the same time reminding her that she is not alone.

"Paano yung trabaho mo?" Leison broke the silence. Mabilis na lumingon si Nero. As if kanina pa gusto magsalita ngunit nahihiya mangulit.

"Nagfile ako ng leave."

Napasulyap siya kay Nero. Matagal siyang napamasid dito. This guy.

Sinong mag-aakala na si Nero pa ang dadamay sa kanya sa mga panahong baon na baon siya? Parang kahapon lang ay kamurahan niya lang ito sa tapat ng kanilang mga bahay at sa birthday party ng kanyang ama, ngunit ngayon...

She remembered when she asked him about when was the moment he realized that he likes her? Hindi pa rin kasi naaabsorb ng utak niya. Pagkaconfess pa nito ay diniretsa niya agad na hindi niya iyon masusuklian lalo pa't nag-uundergo siya sa masinsinang healing process.

He answered, "Maybe that was midnight when I found you crying  in the  coffee shop... Marunong ka palang umiyak... Hindi ka pala ganun katigas."

"Nero."

"Yes?"

"Yung sinasabi mong cabin sa gitna ng woods... Can we go there on our last stay?"

Hinawi ng daliri nito ang kaunting takas ng buhok na tumabing sa kanyang pisngi. Napangiti ito pagkatapos. "As you wish."

Tulad ng napag-usapan, sa huling araw ng kanilang bakasyon ay naghiking at camping sila sa gitna ng kakahuyan. Three-week break from city were enough therapy to breathe and meditate.

Sa tatlong linggong iyon ay ibinigay rin ni Nero ang personal space na kailangan niya. This healing process is still all by herself. Gumagabay lang si Nero. Nero wants her to heal and become an independent and resilient woman like she always is.

"Are you gonna be alright?" Ani Nero nang isarado ang compartment ng sasakyan. Babyahe na sila pauwi sa Olongapo.

Humugot siya ng malalim na paghinga kasabay ng malawak na pagngiti.

"I honestly don't know?" Pagak siyang natawa. "De joke, but what I'm sure about is... kaya ko na ulit bumalik sa trabaho. Hindi na ako magkukulong sa kwarto. Promise!" Itinaas niya pa ang isang kamay sa ere.

Nero smiled and patted her head. "That's my girl."

Sa mismong araw din na iyon ay bumalik sila sa city upang muling harapin ang kanilang mga buhay.

Sa tatlong linggo nilang magkasama ay naging komportable na siya sa presensya ni Nero. Kahit nang makabalik sa Olongapo ay araw-araw pa rin itong nangungumusta at bumibisita sa kanyang shop. Minsan ay nagdadala ito ng mga kaibigan upang doon magkape odikaya'y makipagmeet sa katransaction.

The simple things Nero does to promote her coffee house...

"Singhutin mo muna para mawala yung pagkabara ng ilong mo."

Si Nero ang kanyang nalingunan nang isang kape ang lumahad sa kanyang harapan. Sumabay ito sa kanyang paglalakad pagkalabas niya mula sa conference hall.

"Halata sa boses mo kanina." Anito sa natatawang tinig.

Natawa siya't napasapo sa kanyang noo. Tinanggap niya ang  kape. "Hala, totoo?? Nakakahiya!"

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: May 19, 2023 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

No Strings AttachedDonde viven las historias. Descúbrelo ahora