Special Chapter 2

Start from the beginning
                                        

Agad niyang kinonekta ang laptop sa TV at pinlay ang romantic drama na kanyang dinownload sa netflix. He doesn't watch romantic movies, but as what he observed from his Mom and female friends, masasabi niyang romantic movies work well on sad girls. Tingin niya'y may magandang epekto sa mood ng mga babae kapag happy ang ending ng isang movie.

At first he was confident about the movie he chose. It was about a couple whose love was challenged by circumstances, yet they conquer it together in the name of love. Dalang-dala na sana siya sa lahat ng sakripisyo, paglaban, at pagmamahal ng bidang lalake para sa bidang babae--- kundi niya lang narinig ang pagsinghot ni Leison.

Mabilis siyang napalingon sa katabi. Masaya ang eksena sa screen ngunit umiiyak ito.

Napasapo siya sa kanyang noo. Stupid of him to think that Leison would cheer those cheesy scenes. Hindi niya naisip na maiinggit lang ito. Of course, idiot. She just went from an abusive relationship and you just reminded her of how bad she was treated by that asshole.

"Shit. Comedy nalang pala." Agad siyang bumalikwas. Magkanda-talisod siya nang patayin ang screen at agad iyon ilipat sa ibang genre. Ngunit ang movie marathon na plano ni Nero, sa huli ay nauwi pa rin sa inuman.

"This gorgeous face and perfecty body weren't enough to keep him, Nero! God! They weren't enough!"

Halos kalahating oras na umiiyak si Leison. She feels bad for her. Hindi niya akalaing mas may ikamimiserable pa ito kaysa sa noong gabing nakita niya itong umiiyak sa coffee shop.

"Hindi ko kailangan ng lalakeng umaalis kapag sinabi kong hindi maganda ang araw ko... kasi... first of all... I never asked him to leave. Ang sabi ko, 'I had a rough day'. It means... I fucking need a hug! Comfort! A-A reminder that everything will be better!"

Naka-indian sit si Leison habang hawak ng isa nitong kamay ang bote ng beer. Pinanood niya kung paano Ito tumiklop sa pamamagitan ng pagyakap sa sariling mga tuhod.

"Nero... All of my life... I've never wanted to commit to someone I like... sa kanya lang... M-Maybe because I don't just like him.. I love him... I love him so much..."

He sighed. Patuloy siya sa pag-alo sa balikat ni Leison. Hindi niya ito magawang tignan gayong hindi siya sanay na may babaeng umiiyak sa kanyang tabi.

"And you know what I realized? I realized na kapag mahal mo ang isang tao, mawawala yung takot mo na magcommit, mas mangingibabaw yung kagustuhan mo na habang buhay ikeep yung tao... Hindi ka magdadalawang isip. Bibigyan at bibigyan mo siya ng lugar. You'd want to give that person a label because that's the token of love from you to that person..."

"I understand.."

"Tangina, Nero..." Muling umungot si Leison. Hinayaan niya ang kanyang damit na masingahan. "Sana gumagala rin kami at kumakain sa labas... Sana nagkukwentuhan rin kami tungkol sa personal... Sana nakatanggap din ako ng bulaklak kahit sticker lang... Sana nagbigay man lang siya kahit kaunting pakialam.."

Nagawa pa nitong tumawa sa kasagsagan ng pag-iyak.

"Ni hindi ko nga narinig na kasama ako sa mga plano niya eh."

Umigting ang panga ni Nero. Inagaw na niya ang bote mula sa kamay ni Leison.

"That's enough. Let's get you to bed. Wag ka dito humiga."

Mula sa sahig ay pinasan niya ang dalaga at giniya patungo sa kama. Hinayaan niya pa rin itong magkwento at umiyak habang buhat niya.

Napatitig na lamang si Nero sa mukha ni Leison nang maihiga niya ito sa kama. Panay pa rin ang hikbi nito kahit matutulog nalang.

"I'm sorry... I have failed to prevent you from crying tonight..." He whispered. Kinumutan niya ito. Nang malalim na ang paghinga ng dalaga ay hinalikan niya ito sa noo at tuluyang iniwan sa kwarto.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 19, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

No Strings AttachedWhere stories live. Discover now