Special Chapter 2

Start from the beginning
                                    

Papasok pa lamang sa sariling unit si Leison nang tawagin ni Nero ang kanyang pangalan. Nilingon niya ito at agad nasalo ang malamlam na mga mata.

"Hmm?"

"If you need anything... tawag ka lang."

Nero's room was across her. Pinili nitong maging katapat ang pinto ng unit niya upang madali siyang mapuntahan kung magkaroon man ng problema.

Sinikap niya itong ngitian. "Sige, salamat."

Nero sighed and smiled. "Sige, magpahinga ka na."

Hinintay muna siya nitong makapasok sa loob bago tumalikod at pumasok sa sariling kwarto.

That night, pagkahigang-pagkahiga sa kama ay binalot agad siya ng kalungkutan. Ito ang pinakaayaw niya sa lahat. Ang katahimikan pagkatapos ng masaya at maingay na araw. Para bang saglit lang siyang nanaginip at sa huli ay kailangan niya ulit gumising upang harapin ang kanyang reyalidad.

She feels sorry for Nero, especially for herself. Kasi kahit anong gawin nilang paglilibang, at the end of the day, ang tunay niya pa ring nararamdaman ang nananaig.

Kinabukasan paggising ni Leison ay agad siyang nagshower at nagsuot ng ternong jogging pants at hoodie. She prefers baggy clothes now. Naging sensitibo siya pagdating sa lifestyle, kasuotan, at sarili. She wouldn't want to attract someone that will sexualize, objectify, and fantasize her. Not again.

Nang umagang iyon ay nag-almusal sila pagkatapos magjogging. Nang sumapit ang tanghalian ay huminto sila sa parke upang sumilong sa puno.

Kinahapuan, they decided to go for a walk. Nero said that walking can be considered as therapy, at mukhang tama nga ito, dahil buong paglalakad ay malaya lang siyang nakakapag-isip ng kung ano-ano.

Malaya silang naglalakad sa gitna ng kalsada gayong hindi naman daanin ng sasakyan ang lugar. Ang mga gantong klaseng lugar ang tipong pinag-phophotoshootan ng mga kabataang may aesthetic profile picture sa facebook.

It was 4 o'clock in the afternoon, Leison was enjoying the silence-- especially the view. Para siyang bata na tumatanaw sa paligid habang lumalantak ng ice cream.

"Lei,"

Napalingon siya kay Nero nang tawagin nito ang kanyang pangalan. Kasabay ng kanyang paglingon ang hindi inaasahang pagflash ng camera.

Mukha siyang nagulat na kuting na may nagkalat pang ice cream sa paligid ng labi.

Ang nakakalokong ngiti ni Nero ang kanyang naaninag sa likod ng camera.

She hissed. "Shuta ka! Burahin mo yan!"

Umingos ito at tumawa. "Bakit? Maganda naman ah?"

Napapadyak siya. "Ang haggard ko diyan! Ni hindi nga ako nakamake-up oh!" Inalis niya ang hood sa ulo at pinangalandakan dito ang kanyang mukha.

Nero smiled. Lumamlam ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya.

"B-Bakit?" Aniya na biglang nakaramdam ng pagkailang. Muli siyang napapikit nang muling magflash ang camera.

"Idiot, maganda kaya!"

"Grrrr! Nero!"

Naghabulan sila hanggang sa makarating sa hotel. Agad nagkulong sa sariling kwarto si Nero upang iligtas ang sarili mula sa pag-eevolve niya.

Kinagabihan, doon lamang muling lumabas ng unit si Nero. Kumatok siya sa unit ni Leison habang may dala na laptop at pagkain.

He knows that Leison would spend her night crying again. Maga ang mata nito kaninang umaga kaya alam niyang umiyak nanaman ito kagabi. Kaya naman... napagdesisyunan niyang samahan ito sa buong gabi hanggang sa antukin ito at hindi na magkaroon pa ng oras na makapag-isip.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 19, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

No Strings AttachedWhere stories live. Discover now