Matagal na namayani ang katahimikan sa pagitan nila. Naghinang ang kanilang mga mata.
That was the first time she declined Marc's sexual invitation. And that was the moment she knew everything will be over soon-- at hindi nga siya nagkamali.
Matabang na nagbawi ng tingin si Marc. Walang pagdadalawang isip itong tumalikod sa kanya. She was stunned as she watched him leave after putting his clothes on.. He left just like that.
The silence was too loud. It's as if screaming that she can never ever expect anything from Marc-- not even a simple apology.
That night she realized how much she wasted time waiting for him to act right. Noon naniniwala siya na baka kaya hindi lang nito binibigay ang gusto niya ay dahil hindi niya deserve-- dahil wala naman silang label-- dahil hindi naman siya ganoon katinong babae. Ngunit ngayon ay nakita niyang kahit maging deserve man niya ang isang bagay mula kay Marc ay hindi pa rin talaga nito iyon ibibigay sa kanya dahil sa simpleng rason... hindi nito gusto.
It's so awful how he made her question herself when all along everything is on him.
After that day, she moved out of his condo. Akala niya'y iyon na ang huling tagpo nila-- hindi pa pala. Month by month ay kinocontact pa rin siya ng binata. Hindi nito alintana ang pag-iignora niya't pagpapalit ng mga social media account na kung saan ay may access ito. He just didn't want her to get over him-- and she didn't know what was that for-- if that was a good thing or not?
Walong buwan na ganoon ang sistema, hanggang sa hindi siya nakatiis at muli niya itong kausapin upang opisyal na putulin ang kanilang koneksyon. Naniwala siyang kailangan lang madirekta ni Marc upang tigilan na siya nito.
At ganoon nga ang nangyari. Naging mabilis ang usapan. Pumayag agad si Marc. It went so smooth dahil sa unang pagkakataon ay nagkaroon sila ng malinaw na kasunduan. Kaya naman hindi niya maintindihan nang muli itong sumulpot sa labas ng kanyang coffee shop.
Hindi niya na dapat pa ito entertainin dahil sarado na ang kanilang pag-uusap. Ngunit sa huli ay nanaig pa rin ang pag-aalala niya sa lalake. She feels like he has something to say.
Bakit ito susulpot sa oras ng madaling araw?
Alam niyang papagalitan siya ng mga kaibigan na si Rosey at Nero sa oras na malaman nitong muli niyang pinagbuksan ng pintuan si Marc.
What can she do? Nagmamahal siya-- at ayaw niyang bitinin ang sarili. Gusto na niyang ubusin lahat ng pagmamahal at pagpapasensya na meron siya-- at si Marc lang ang makakagawa niyon. She is giving her last shot. She wants to give Marc a benefit of doubt. Ipinapaubaya niya na sa kamay nito ang balisong na maaring tumapos sa kanyang nararamdaman. Sa paraan na iyon ay nasa kamay na ni Marc ang kahihinatnan ng kanyang damdamin. Isalba man nito iyon o patayin, at least kung balang araw ay lilingunin niya ang tagpong ito, masasabi niyang ito mismo ang pumatay sa pagmamahal na mayroon siya para dito.
"I'm confused... You want to talk so it won't seem like we have unfinished business here?" She offered him a cup of coffee.
"Yes. I would love to chit chat, Lei." Sinimsim ni Marc ang tasa ng kape habang mataman na nakatingin sa kanya.
It's been what? A year? Higit isang taon na ang agwat ng kinatatayuan nila sa panahong napipicture pa niya sa isip ang kanilang imahe na masaya.
It's been a year and 3 months. Who would have thought that they would come to this point where she can't even smile at him?
"Ask and tell me what is it." She lead the conversation to the point. They need this conversation. Handa niyang tanggapin lahat ng salita kay Marc. Kung nagalit din ito, nasaktan, at may katanungan. She's willing to be accountable anytime. She wants to hear his side. Maybe in that way tuluyan silang magkakaintindihan-- or mapapalaya ang isa't isa-- or hopefully makapagsimula ulit?
YOU ARE READING
No Strings Attached
General FictionWARNING: MAKALAT ANG MGA CHARACTERS! WAG TUTULARAN! THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS AND SENSITIVE MINDS.
Special Chapter 1
Start from the beginning
