Special Chapter 3: The Days After the Wedding

2.2K 90 0
                                    

Sa isang hardin na puno ng bulaklak at paru-paro ay naganap ang kasalan. Hindi ko akalain na magiging ganito kabilis at wala kaming saksi bukod sa mga kapwa goddess at gods na kasama ni Zeke. Si Exe, Otom at Ashton. 


Kinalimutan namin ang dati naming buhay. Bilang god niya at bilang mortal ko. Sabi nga nila kahit pa sa pinakamaliit na lugar ka pa makulong basta kasama mo ang taong mahal mo ay makukuntento ka. At, yun ang nararamdaman ko ngayon, parang itong Island na pinili naman ay kasing lawak ng palasyo para sakin. Lahat nandito na kasama ang taong mahal ko at magiging anak namin. 


"Mukhang magkakaroon na ng bagong Zeke, huwag mo ako kakalimutan bilang ninang ha," bulong ni Exe habang hinahatid ako papunta sa harapan ng priest. Napatawa naman ako atnapatingin ng bahagya sa tiyan ko. Sana nga, lumaki ang anak namin na palangiti katulad ng daddy niya, hindi katulad ko na medyo seryoso. 


Nang makarating kami sa harap ay inilahad ni Zeke ang kamay niya. 


"Zeke, umayos ka! Pagmay nangyari sa asawa mo, ibabaon kita ng buhay sa lupa!" sigaw ni Ashton kaya napatawa kaming tatlo. 


"Basta, maging masaya kayo, deserve ng anak niyo magkaroon ng masayang pamilya dahil masyado nang maraming napagdaanan ang parents niya," ani ni Exe at iniabot ang kamay ko kay Zeke, isang buwan palang naman akong buntis. 


Ngumiti ako sa kaniya bago humarap sa priest.


" Zeke, god of fire tinatanggap mo ba si Feya Shein Amberflyer bilang iyong kabiak at mangangakong magsasama sa hirap man at ginhawa?" tanong ng padre at walang alin langan itong sinagot ni Zeke, "Opo."


"Ikaw Feya Shein Amberflyer, tinatanggap mo ba si  Zeke bilang kabiak at mangangakong magsasama sa hirap at ginhawa?"


Nilingon ko siya at sumagot ng, "Oo, priest!" 


...


"Zeke, talaga bang hindi ka magpapakita kay Chief god? Hanggang ngayon ba galit ka sa kaniya?" tanong ni Otom at nilingon ni Zeke si Feya na nakangiting nakatingin sa tyan habang nag h-humming. 


"Masaya na ako rito. Ayoko nang makaroon ng responbilidad sa god Realm," sagot ni Zeke. 


"Pero, hindi ka ba natatakot na mawala si Feya? Zeke, hindi siya immortal para makasabay sayo. Darating ang araw tatanda siya at mawawala, makakaya mo ba yon? Baka alam ni Chief god kung paano magiging goddess si Feya," saad ni Otom kaya nag dalawang isip si Zeke. 


Bawat araw na lumilipas ay napapansin na rin ni Feya ang pagiging balisa ni Zeke at malalim ang iniisip kaya hindi na siya nag atubiling kausapin ito.


"Narinig ko ang na pinapapunta ka ni Chief god, mas maganda siguro kung sundin mo na," paunang salita ni Feya. 

"Nangako tayo na hindi na tayo aalis rito pero hindi maipagkakailang god ka parin kaya kailangan mo parin sumunod sa kaniya," dugtong ni Feya at niyakap si Zeke. 


"Hihintayin ka namin ng anak mo rito," paalam niya. Agad naman naglaho si Zeke at pumunta sa god Realm. 


... 


"Nandyan na pala, nais ko lang talaga makausap ka tungkol kay Feya," ani ni Chief god. 


Naging blanko ang emotion ni Zeke at humarap ng direkta. "Anong tungkol sa asawa ko?" tanong ni Zeke. 


"Nais kong bumalik kana rito bilang kapalit ay hahayaan kong maging goddess of Zeferos World si Feya," offer ng Chief god kaya nabuhayan ng pag asa si Zeke. 


"Paano?" 


"Ang totoo sa katauhan ni Feya ay hindi siya mortal," biglang pagsisiwalat ng katotoohanan ni Chief god na kinagulat ni Zeke. 


Bigla namang dumating si Otom at Exe at Ashton. 


"Ang dahilan kaya kayo nag itinalaga ko bilang god of planet para sa reincarnation ay para malikom nag nag pira pirasong kaluluwa ni Chief goddess upang nabuhay muli. Lahat ng may hawak ng cosmic attributes ay ang kaluluwa ni Chief goddess at isa ron si Feya. Kaya kailangan ko siyang patayin, kaso nag alangan ako ng nalaman kong nawala ang cosmic sa kaniya," paliwanag ni Chief god na ikinagulat nila. 


Huminga naman ng malalim si Zeke bago nagsalita." Kung ganoon papatayin mo ang asawa ko? " diretsong tanong ni Zeke pero umiling si Chief god. 


"Siya ang huling piraso ng kaluluwa ni Chief goddess na hinahanap ko. Kaso nawawala ang nalikom kong Chief goddess soul kaya baliwala na ang lahat. Satingin ko naglaho yon kasabay ng pagpatay ni Feya sa god of Netherworld," paliwanag ni Chief god. 


"Ano nang mangyayari kay Feya?" tanong ni Exe. 


"Siya nalang ang natitirang kaluluwa ni Chief goddess at panahon na siguro para magkaroon ng bagong goddess kaya pumapayag na akong sumalang siya sa pagiging goddess at manatili rito sa Realm," pahayag ni Chief god kaya natuwa ang lahat. 


"Wow! Kikilalanin narin nag kasal niyo hindi lang sa batas ng mortal! Zeke, makakasama mo pa ng matagal si Feya!" sigaw sa saya ni Ashton at hindi mapigilang mapaluha ni Otom. 


"Napanood ko kung paano kayo nahulog sa isat isa kaya masaya ako ngayon, bro! Congratulations at pati narin sa baby niyo!" aniya pa ni Otom at nagtawanan silang apat. 


Habang pinagmamasdan sila ni Chief god na masaya ay hindi niya maitanggi ang kasiyahan kaya napatingin siya sa box kung saan niya inilikom ang soul ni Chief goddess. 


'Siguro kalooban na ito ng tadhana. Isa sa piraso ng kaluluwa mo ang nakahanap ng pagibig at kasiyahan kaya  matatapos na ang kalungkutan na ininda mo ng mahabang panahon.' - Chief god



Reincarnated as Lunatic PrincessWhere stories live. Discover now