Chapter 25

1.9K 104 9
                                    

Chapter 25

'Paalam, Zeke...'

"Habang nakapikit ay biglang may naaninag akong liwanag kasabay ng paggaan ng pakiramdam ko. Ang kaninang mabigat na talukap ng manta ko ay unti unting gumaan at nang imulat ko ang aking mata ay napagmasdan ko kung paano humilom ang mga sugat sa aking balat. At halos maiyak ako ng malamang huminto ang oras.

'Kung ganoon...'

" Pasensya na, nahuli ako, " biglang sambit ng isang may panlalaking boses na nagbigya pag asa sakin kaya masigla ko siyang nilingon at nadatnan ko ang mukha ng taong ilang araw ko ng hinihintay. Ang taong hindi manlang nagpaalam kung saan siya pupunta!

"M-Mokong ka! Tsk! Saan ka galing? Alam mo bang tawag ako ng tawag sayo! Ilang araw akong nagmukhang tanga! Kung di pa ako magpapakamatay rito ay hindi ka pa magpapakita!" sigaw na sermon ko at kahit masaya ay hindi ko mapigilang mapaluha. Humakbang siya papalapit at hinagkan ako nang walang pasabi.

" I miss you too, " ikling sagot niya at napakunot noo ako at tinulak siya.

" I miss you too ka dyan. May sinabi ba akong I miss you? "balang na tanong ko. Medyo nawala ang takot ko at alam kong ligtas na ako. Muli naman niya akong niyakap at halos hindi ako makahinga, kakagaling ko lang pero mukhang babaliin niya ang buto ko.

" Natakot ako na baka hindi ako umabot at hindi kita maligtas. Akala ko mawawala kana," malungkot na sabi niya kaya imbis na ilayo siya sa pagkakayakap ay yumakap ako pabalik.

*Smile

" Kasalanan mo 'to! Kung hindi sana Zero to One ang attributes ko ay hindi ako malalagay sa gantong sitwasyon. Tingnan mo naman, anong laban ng Darkness attributes sa Destroyer? Kung ang Darkness ay branch lang ng Destroyer!" pabirong paninisi ko kaya napakalas siya pero mukhang seryoso siya sa sinabi ko.

" Oo, kung hindi lang ako naglaro sa buhay ay hindi ka mapapahamak... Walang sanang sigalot na mangyayari, kaya kailangan kong ibalik ang lahat sa dati, " seryosong sagot niya na hindi ko maintidihan.

Magtatanong sana ako pero...

"Feya, mahal kita." Napahinto ako at hindi makapagsalita o makagalaw man lang dahil sa biglang pag amin niya. Hindi ko akalain na bibilis ang tibok ng puso ko at paano mag rerespond sa sinabi niya. Nagkakagulo tuloy nag isip ko kung kaibigan pa ba ang nararamdaman ko.

Bakit ako masaya sa loob-loob ko?

"Sa libong taon akong nabubuhay ay hindi ko naramdaman ang pagibig para sa iisang tao. Ayoko nang umalis sa tabi at
maranasan ang buhay ng normal na tao at magkapamilya. Feya, I love you at gusto kong gawin ngayon kung ano man ang tumatakbo sa isip ko ngayon... " pag amin niya at hindi parin ako makapaniwala na sasabihin niya ito sakin.

" A-Anong gusto mong gawin? " utal utal kong tanong. Ipinalupot niya naman ang braso niya sa bewang ko habang direktang nakatingin sa mata ko. Ibinababa niya ang titig niya papuntang labi ko kaya lalo may nagwalang paro-paro sa tyan ko.

"I want to kiss you," sagot niya sabay sunggab ng halik. Namilog ang mata ko at hindi na ako makahinga sa pagkabog ng dibdib ko. Ramdam ko ang paggalaw ng mga labi niya sa labi ko at paghigpit pa ng yakap niya sakin. Alam kong dapat ko siyang itulak pero may part sa isip kong dumidiktang huwag. Sa bawat pagdikit namin ay umiinit ang katawan ko hanggang sa hindi ko namalayang mag r-respond ako sa halik niya. Dahan dahan kong pinulupot ang mga braso ko sa leeg niya at lalo pang siniil ang halik. Hindi ako expert at sa tingin ko although may first kiss ko siya ay smack kiss lang yon.

Tumagal ang paglapat ng mga labi namin ng ilang segundo at para akong wala sa sarili. Hindi ko alam kung paano ko natawid ang kiss na yon at para akong nasa drama na first kiss pero nagmukhang expert. Nang kakalas na sana ako sa passionate kiss na ginawa namin ay hindi pa siya tumigil at lalong dumikit sakin. Bigla naman may kung ano siyang ipinasa sa bibig ko na mala candy bago kumalas.

Reincarnated as Lunatic PrincessWhere stories live. Discover now