Chapter 13 (Special Chapter)

3.7K 153 5
                                    

"Feya! Huwag kanang mag mukmok dyan!" pag-cheer up sa'kin ni Leia.

"Hyst! Kahit anong gawin ko ay lugmok parin ako! Kinakabahan ako, na natatakot at kung ano ano ang napasok sa isip ko. Tingin ko na babaliw na ata ako!" daing ko at nasa kama parin at ayokong bumangon o lumabas kahit alam kong weekend ngayon.

"Feya ano kaya kung palabasin mo ulit ang spiritual pet mo. Sa tingin ko kasi mas close kayo at natawa ka tuwing nandyan siya," offer ni Everleigh kaya napakunot noo ako.

'Tsk! Ako natawa tuwing nandyan siya?'

"Mali kayo, nakita niyo diba... nakakunot ang noo ko tuwing nandito ang mokong. Tingin ko dumarami wrinkles ko," sagot ko.

"Hay... Ano kaba, huwag kanang tumanggi. Totoo naman na nakakatanggal ng stress ang pet diba?" singit ni Leia na hindi ko alam kung nangiinis. Kung 'di lang siya mahinhin ay baka nabatukan ko na siya.

Biglang kinalampag ni Everleigh ang mesa at nakangiting aso. "Alam ko na kung paano matatanggal ang alalahanin mo!"

"Paano?" - Feya/Leia

"Night hang out?" yaya ni Everleigh at ako na ang bumatok sa kaniya dahil akala ko matino ang sasabihin.

"15 years old palang tayo!" saway ko sa kaniya at napataray.

"Hindi naman halata na 15 ii, tsaka hindi naman tayo iinom kun'di makiki-disco lang," panlulumo niya. Napabuntong hininga naman ako at mabilis nagbago ang isip. Desperada na talaga akong makalimot.

"May alam kang Night Club?" tanong ko at napabungisngis siya.

... 

"Teka, ito na 'yon?" taka ni Feya nang maabutan ang parang restaurant lang at hindi katulad sa Earth na napakaraming iba't-ibang kulay na nagsasayawan. 

"Yes! 'Diba ang ganda?" excited na tanong ni Everleigh pero si Feya ay napataray at balak umalis. 

"Akala ko panaman may disco-" reklamo ni Feya at tumalikod. 

"Hep! Hep! Hep! Hindi pa kasi tapos. Actually disco 'yan sa loob pero may illusion magic nga lang kaya hindi halatang Night Club," paliwanag ni Everleigh na halatang bihasa na sa gan' tong mga lugar. Si Leia naman ay namangha. 

"Bakit nila tinatago ang Night Club?" taka ni Leia kaya lumapit upang bumulong si Everleigh. 

"Kasi illegal 'to," bulong niya kaya na shock si Leia at gustong umatras. 

Napatulala sa takot si Leia at hinatak si Everleigh. "B-Bumalik na tayo," utal niyang sambit at hindi na nilingon ang restaurant. 

"Teka lang! Si Feya, nasaan? Nawawala si Feya. Huwag mo muna kaong lakadlarin!" daing ni Everleigh at natauhan naman si Leia at napansin nawawala sa tabi nila si Feya. 

"Nasaan siya? Hindi naman ata bata 'yon para maligaw' diba?" tanong ni Leia at nilingon si Everleigh na nakatitig sa Night Club. 

"I think nasa loob siya. Kaya kailangan nating pumasok." Agad lumapit si Everleigh sa Night Club at walang alinlangang pumasok. 

"Sandali lang. Hintayin mo 'ko!" - Leia. 

Samantalang si Feya naman ay nag order ng pinakamatapang na alcohol upang makalimutan ang tungkol sa Cosmic. Mabuti nalang bago pa tuluyang malasing si Feya ay agad siyang nakita ni Everleigh. 

"Feya, bumalik na tayo. Hyst! Di ko sana in-open ang gantong bagay sa inyo e!" saway ni Everleigh at nang aalis na sana pero nawala naman si Leia sa tabi niya. Nilibot niya ang paningin niya at matagpuan si Leia na nakikihalubilo sa mga kalalakihan. 

Reincarnated as Lunatic PrincessWhere stories live. Discover now