Chapter 17

2.8K 141 7
                                    


Habang nasa dorm ay nag m- movie marathon sina Leia at Everleigh. Gusto ko mang makisali ay hindi ko magawa dahil nagiisip ako kung anong dahilan ng anak ng duke sa Echethier Kingdom ( Dark  Kingdom - Monster )   kung bakit niya binigay sakin ito. 


Itinutok ko ang ilaw ng study table ko sa libro at gumamit ng magnifying glass dahil baka may secret messenge ngunit bigo ako. 


Napabuntong hininga ako at ibinagsak nalang ang balikat ko. "Hindi ko talaga gets," mahinang sambit ko. 


"Hey!" 


Isang boses na mala lalaki ang narinig ko mula sa likod kaya agad kong tinakpan ang libro ng isang libro bago humarap. "Aish! Ikaw pala! Teka hindi naman kita tinawag ha..." Nilingon ko sila Leia at nakahinto sila kaya hindi siya bumababa rito bilang spiritual pet. 


"Ano? Namiss mo ako? Alam mo pinaghandaan ko ito, alam mo bang kung saan saan ako pumunta para matanggal ang connection ko sayo, kaya kung napansin mo hindi mo ako masummon ng mga nakaraang araw," paliwanag niya at napakamot naman ako kasi hindi ko naman siya sinusummon noong nakaraang araw dahil busy ako sa libro. Tsaka, hindi niya pwedeng malaman na hinahagilap ko ang information ng Cosmic Attributes. 


"Ah... O-Okay..." sagot ko at hindi mapakali.  "So! May kailangan ka ba? Kung wala naman maaari kanang umalis," pagiiba ko ng usapan at bigla akong kinabahan ng itaas niya ang isa niyang kilay. 


"Parang may kakaiba sayo ngayon," aniya kaya lalo akong kinabahan at hindi makapagisip ng maayos. Pinipigilan kong isipin ang libro dahil nakakabasa siya ng isip pero hindi ko mapigilan ang sarili kong isipin. 


"May tinatago ka sakin..." bigla niyang sabi at naging seryoso kaya napatulala ako. 


"Ha?" Napahawak ako ng mahigpit sa librong nasa likod ko baka sakaling kunin niya. 


"Libro? Anong uri ng libro?" tanong niya kaya namilog ang mata ko. Malamang sinusubukan niyang basahin ang isip ko kaya kailangan kong ilito ang isip ko o sumpain siya sa isip ko. 


'Panget ka, panget ka panget ka' 


Paulit ulit kong sigaw sa isip ko pero mukhang walang talab. Hinakbnag niya ang paa niya papalapit sakin kaya halos di na ako makahinga sa lakas ng tibok ng puso ko.


"Bakit kinakabahan ka ata, ano yan?" tanong niya. Napalunok naman ako ng laway at hindi nakapag isip ng maayos nang makalapit siya. 


'I love you!' 


Bigla siyang huminto pero teka ano ba ang sinabi ko? Kita ko ang progress ng magic word kaya nakahanap ako ng chance. 


'Mahal kita?' 


Huminga naman siya ng malalim at napamewang. 


"Halata na ginugulo mo lang ako dahil patanong ang salitang Mahal kita," aniya at nagmaang maangan ako. 

Reincarnated as Lunatic PrincessWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu