Chapter 28

1.8K 99 1
                                    

Chapter 28

Napaunat ako ng marinig ang tinalaok ng manok kasabay ng araw na tumama sa'king mukha.

"Gising ka na? Aish! Ang tagal mo talaga magising!" reklamo ng mala lalaking boses na nasa tabi ko kaya dahan dahan kong minulat ang mata ko para maaninag ang mukha niya.

"Zeke? Kanina ka pa ba dyan?" tanong ko at tumalikod sakaniya para bumalik sa pagtulog. Naantok talaga ako.

"Actually, kagabi pa ako rito sa tabi mo," sagot niya.

"Kagabi? Hindi ba umuwi kana nun?" tanong ko ulit pero bigla akong napadilat at napaisip.

"Umuwi ako pero agad akong bumalik kaso tulog kana kaya natulog narin ako sa tabi mo," aniya at bumilis ang tibok ng puso ko.

Kagabi pa siya nasatabi ko?

Napahawak naman ako sa katawan ko at sumigaw. "Wuah! Lumayo ka sakin! Lumayo ka kung hindi ay mapapatay kita! Anong nangyari kagabi?" sigaw ko habang pinag hahampas siya ng unan. Ilag lang ang ginawa niya hanggang sa magkatago sa likod ng cabinet.

Matapos naming makiss ay nagsorry siya then wala kaming ginawang kababalaghan. Tsaka di pa ako ready noh!

"Wala akong ginawa! Maniwala ka! Wala lang talaga akong mapuntahan at ikaw ang dahilan kaya tumakas ako kay responsibilidad mo ko!" paliwanag niya at nang lumitaw ang ulo niya para sumilip kung galit pa ako o hindi ay agad akong nagtapon ng unan.

Sinuri ko naman ang katawan ko at mabuti walang nangyari sakin.

" Kahit na! Dapat kung bababa ka ay hindi ka natutulog sa tabi ko! Babae kaya ako at isa pa, paano kung masira ang pangalan ko as crown princess?" sigaw ko at lumabas siyang nakakunot ang noo.

"Aha! Pinandigan mo talaga ang pagiging crown princess mo ngsa hilaw mong prinsipe? Hoy, Feya! Hindi pwedeng dalawa kami kaya kailangan mong mamili ng isa!" sigaw niya sa... SELOS?

"Hilaw na prinsipe? Sino ba ang naglagay sakin dito bilang crown princess niya, hindi ba ikaw? Ayokong maging reyna pero pinilit mo kaya sisihin mo ang sarili mo! Hilaw na prinsipe? MAS MUKHA KA PANG HILAW DAHIL SA DILAW MONG BUHOK AT PALE MONG BALAT!" pabalang na sagot ko.

Dinuro duro niya naman ako at halos di makapaniwala. " K-Kung ganon pinili mo siya?"

" Oo! "

" Bakit ka pa nag-respond sa halik na ginawa ko kung siya ang mahal mo? "

" Pwede namang mag-respond kahit wala kang gusto! "

" WALA KANG GUSTO? YAH! ALAM MO BA KUNG ANO ANG SINUKO KA PARA MAKASAMA KA!"

"BAKIT MO KO SINISIGAWAN! Bakit mo ako sinusumbatan? Umalis ka nalang kaya, hindi naman kita kailangan rito. Mabubuhay ako kahit wala ka!"

"Mabubuhay pero naiyak ka para lang magpakita ako!"

Halos lumakas ang sagutan namin at aakalaing nasa malayo ang kausap ko. Kinuyom ko nalang ang kamao ko at lumapit sa kaniya.

"Bakit ba napakaseloso mo! Ikaw ang gumawa ng problema tapos sakin mo isisisi? May sayad ka ba? Kung nagseselos ka pwede mo namang tanggalin ako sa pagiging crown princess diba? Tsk! "

"Aish! Gusto ko man pero gaya ng sabi ko marami akong sinuko para lang pumunta rito. Isa na ron ang kapangyarihan ko!" sigaw pa niya kaya napatahimik ako at hindi mapigilang tumawa.

"Wala ka ng kapangyarihan? So, mahina ka na?" tanong na parang nangangasar. Hindi ko na napigilang tumawa at napahawak nalang sa tyan at malakas na humalakhak.

"Hay! Kawawa ka naman pala, tapos yong taong kaharap mo hindi mo pa alam kung mahal ka ba o hindi. Nagsugal ako pero nanalo ako, pero ikaw sinugal mo na ang kapangyarihan mo ngunit di mo pa alam kung mahal ka ng taong kaharap mo," pangangasar ko pa. So, hindi niya na maririnig ang mga sasabihin ko sa isip ko. Mabuti naman.

Reincarnated as Lunatic PrincessWhere stories live. Discover now