Chapter 30

1.8K 83 3
                                    

Chapter 30

Third Person POV.

Habang nasa bulwagan ng Asteria Kingdom ay hindi mapakali si Prince Xanthus kakaisip kay Princess Shein. Naparang may tinatago ang magiging asawa niya sa kaniya.

"Prince Xanthus, ano pong magiging hakbang natin para mailigtas ang Gaignory Kingdom laban sa dalawang dark kingdom na lulusob?" tanong ng Duke of Asteria Kingdom pero hindi sumagot si Xanthus at iniisip parin si Princess Shein.

"Prince Xanthus," tawag muli sa kaniya kaya napalingon na siya.

"Pasensya na hindi ako nakafocus sa sinasabi mo kaya maari mo bang ulitin?"

Matapos ang pagpupulong ay agad na bumalik si Prince Xanthus sa amang hari ang plano at sumang ayon ito.

"Xanthus, isama mo papuntang Gaignory si Feya. Alam kong bago palang kayo na magkasama kaya binabaliwala ko muna ang nababalitaan kong pagiiba ng kilos o at out of mind sa bawat pagpupulong. Kaya sana nais kong bago mo manahin ang trono ay nakabuo na kayo ng bagong crown prince at natutunan mo nang ihiwalay ang problemang pag-ibig at problemang pang political," payo ng hari at walang ibang nagawa si Xanthus kundi sumang ayon.

Mabilis naman siyang umalis sa bulwagan at sumunod parin si Stell na kaniyang shadow guard.

" Huwag niyo na akong sundan, pupunta ako sa silid ng prinsesa," utos niya at sumunod naman si Stell. Kahit mag aalangan ay binuksan niya parin ang pinto na walang paalam dahil gusto na niyang wakasan ang alalahanin niya sa relasyon nila. Magagawa niya lang yon kung ganap na niyang maangkin si Feya.

Humakbang papasok si Xanthus at naabutang natutulog si Feya ngunit biglang may naramdaman siyang tao mula sa likod kaya hinarap niya ito. Bubunot nasa siya ng espada ngunit hindi na siya nakagalaw ng mapagtantong nakadikit na sa leeg niya ang espada ng lalaki.

"Anong ginagawa mo rito?" seryosong tanong ni Zeke kay Xanthus pero hindi ito sinagot ni Xanthus at biglang nagteleport sa gilid ni Zeke at tsaka sinumon ang espada niya sabay wasiwas sa katawan ni Zeke. Naiilagan naman ni Zeke ang atake at sinalag ang espada ang sumunod.

" Ako dapat ang magtanong kung sino ka? Silid ito ng asawa ko kaya bakit magkakaron ng lalaki rito!" panggagalait ni Prince Xanthus sanay tulak sa espada kaya napatalsik ng bahagya si Zeke.

Tumawa si Zeke. "Asawa? Sigurado ka?" pangangasar ni Zeke sabay sugod kay Prince Xanthus. Nagpalitan ng atake sina Xanthus at Zeke habang nasa madilim ng silid ni Feya.

"Um... nagugutom ba ako? Bakit nakakarinig ako ng naghahampasang takip ng kaldero," taka ni Feya habang nakapikit. Nang imulat niya ang mata niya ay tsaka niya napagtanto na nag aaway na sina Zeke at Xanthus.

Namilog ang mata ni Feya at hindi alam kung paano papatigil ang dalawa.

" Princess Shein, kilala mo ba itong lalaking 'to? Alam mong ikaw ang crown princess at pagmamay ari kita kaya bakit may LALAKI RITO!"  sigaw ni Xanthus habang naka harap kay Zeke.

Nangangatog naman si Feya at walang maisip na palusot. "A-Ano k-kas-si..."

"SUMAGOT KA!" malakas na sigaw ni Xanthus bagi sinugod muli si Zeke sabay binuhos ang galit sa pag atake.  Nasugatan naman si Zeke at lalong kinabahan si Feya nang makitang nadugo ito.

Dahil sa wala ng kapangyarihan ay maari ng masugat si Zeke.

"SPIRITUAL PET KO SIYA!" sigaw ni Feya kaya napalingon sila Zeke at Xanthus. Habang si Zeke ay may kung anong sakit na naramdaman ng marinig ang kasinungalingan ni Feya.

"Spiritual pet ko sa water attributes, kaya niyang magbago bago ng aniyo kabilang na ang pagiging tao," pagsisinungaling ni Feya kaya napahinto si Xanthus sabay lapit kay Feya.

Reincarnated as Lunatic PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon