Chapter 8

4.4K 195 15
                                    

Lumitaw ang apat na liwanag na tinatawag na attributes.

Ito ay pumapalibot lang sa katawan ko at ang mga kulay ay Light Purple, White, Black and Blue.

Hindi ako sigurado kung ano ano ito kaya dali-dali akong pumunta sa Bookshelves at hinanap ang tungkol sa kulay ng attributes.

"Different types of attributes base in colour," basa ko kaya agad kong pinakli.

"White - Light/Holy, Black - Darkness, Blue - Water and... Light Purple?" pumakli ako nang pumakli sa pahina ngunit bigo akong mahanap ang Light Purple ang tanging nandoon lang ay purple at Void iyon.

"Dalawang Rare at isang Common. Hay! Ano naman itong isa?" tanong ko sa sarili ko.

'Pero teka, tama ba ang nakikita ko... Light at Darkness? Maaari bang magsama ang opposite attributes sa iisang katawan?'

"May balak ata ako magpakamatay," bigkas ko at napahinga ng maluwang. Agad ko naman ibinalik ang libro at napansin ang katabi nitong libro base sa Title...

'Status'

Dahil sa curiosity ay agad kong kinuha at binasa ang nilalaman. Tungkol ito sa hakbang kung paano malaman ang status ng sarili, ano ang weakness at strength at level mo bilang Mage.

Sinunod ko alng ang step at bumungad na sakin ang isang invisible screen sa harapan ko. 

Feya Shein Amberflyer

Age: 15

Attributes: Water and Light/Holy

Status: Mage/ Divine Maiden

Weakness: Darkness 

Binasa ko pa ang tungkol sa magic ko pero lahat ng iyon ay patungkol lang sa pagiging banal ni Feya. Kung ganoon saan galing Darkness at isang kumag na attributes na 'to na 'di ko alam kung ano? 

Biglang kumanan ang Screen ko at may lumitaw pang panibagong screen kumbaga ay naging double. 

Juliana Bright Thompson 

Age:17

Attributes: Darkness and Cosmic 

Status: Mytical Sage

Weakness: Nothing

Nanlaki ang mata ko ng makita ang tunay kong pangalan sa screen at teka... 

'Cosmic?' pagtataka ko na ikabilog ng aking mata. 

"Paano ko gagamitin 'to? Dalawang kapangyarihan sa iisang katauhan? Baka bumigay ang katawan ko! 

" What'sup! " biglang bumulaga sa'kin ang diyos ng Zeferos World kaya napasigaw ako at napatalon sa gulat. Halos mawalan ako ng hininga dahil sa kaniya. 

" Pwede ba gumamit ka ng pinto o magsabi ka kung darating ka hindi sulpot ka ng sulpot!" saway ko. 

"Sorry na, na excite lang kasi ako lalo na at inaalam mo na ang magic mo," pangangatwiran niya. 

Oo nga pala, naalala ko. 

"Hindi ba sabi mo from Zero to 1 ako? Bakit may napakalakas akong attributes?" taka ko at kahit seryoso akong nagtanong ay bigla nalang siyang napahalakhak na parang walang bukas. 

"You mean... 'yang nasa screen? Sabi na matatanong mo 'yan."

"Pakisagot nalang bago tumawa, seryoso ako ngayon," masungit kong saad kaya napatahimik siya at kumamot sa ulo, hindi alam kung paano magsisimula. 

"Ganito kasi 'yan. Ayokong paasahin ka pero Zero to 1 parin ang labas mo," sagot niya. Humakabang ako palapit sa study area upang umupo dahil mukhang matagal pa siya bago magpaliwanag. 

Reincarnated as Lunatic PrincessWhere stories live. Discover now