Chapter 4

5.7K 245 18
                                    

"Ouch!" daing ko habang pinapagaling ni Lian Mae Martin, bali siya ang personal nanny ko at kasing edad ko lang. Anak siya ng namatay na matandang na kasing edad ni tita, yung pinatay ng bruhilda kong mommy.

"Pasensya na po talaga, dapat ako ang sumalo ng parusa ninyo. My Lady," aniya pa. Hay! Gan'to ba talaga ka loyal sila sa amo nila.

"H'wag mo na akong tawagin Lady, magkasing-edad lang naman tayo kaya Feya nalang," saad ko sabay ngiti.

Napatingin naman ako sa kamay niya na nailaw kaya malamang may kapangyarihan din siya katulad sa bruhilda kong kapatid.

"Teka, paano malalaman kung may magic tayo?" tanong ko na pumupungay ang mata.

"May Magic po talaga tayong dumadaloy sa katawan at tawag sa magic na yon ay 'Mana'. Kailangan maactivated ng ito upang makahigop ang katawan ng magic mula sa paligid. 'Yon lang po ang alam ko..." paliwanag niya, lumapit naman ako at tinuro ang sarili ko.

" Eh, ako? anong Mana o Magic ang meron ako? " masayang tanong ko at yumuko siya.

" Pasensya na po Lady Feya, pero magpapakatotoo po ako. Kinakailangan po kasi na may matibay at malawak na pag-iisip bago mag-exercise ang pag-activate ng Mana sa katawan ng tao. Sangayon po... W-wala po kayong kapasidad na magka-Mana," sagot niya.

Ouch! Hindi naman masakit ang real talk niya. Mga sakto lang.

"Pwede mo bang ipaliwanag kung anong nagaganap sa mansion na ito, bakit galit na galit sila?" tanong ko at nagtaka siya.

"Lady, nakakaintindi na po kayo? Wala na po ba kayong sakit sa pag-iisip?" tanong niya kaya napataray ako. Ang hirap ipapaliwanag ng sitwasyon ko kaya huwag na siyang dumagdag pa.

"Sagutin mo nalang ang tanong ko. Tsaka ayokong magpaliwanag tungkol sa'kin baka pagkamalan ulit akong baliw," aniko. 

"Um.. Saan ba ako mag sisimula? So, ikaw po si Feya Shien Amberflyer, eldest daughter ni Duke Willy Damon Amberflyer ng Zahra Kingdom. Bali illegitimate po kayong anak ni Duke at may binigay ang mga priestess na babala sa Kingdom. Sila kasi ang nagtatakda kung sino ang ipapakasal sa crown prince at ang napili nila ay ang eldest daughter ng Amberflyer Mansion. At dahil nga po mas matanda ka ng isang araw sa kapatid mong si Lady Kaori Sam Amberflyer ay lagi kang binabalak patayin ng mag-ina. Nang malaman ni Duke na may sakit po kayo sa pag-iisip ay binalak na rin po niyang wakasan ang buhay mo... " paliwanag niya na ikinasikip ng dibdib ko. 

Tsk! Alang-alang sa kapangyarihan sa politika ay kaya niyang patayin ang anak niya. Well, Good job! nagtagumpay kayo pero ito rin ang malaking pagkakamali na magagawa niyo. 

"Ikinahiya ang existence mo po at ikinulong sa silid na ito hanggang maging ganap ka na pong dalaga. Kung wala si Master Kendrix Axe Amberflyer, ay matagal na po kayong wala sa mundo, " dugtong paniya. 

"Teka, may kingdoms sa Zeferos World? Pwede mo bang ipaliwanag ang tungkol sa mundong ito?" tanong ko pa. Nanlumo nanaman siya at nagumpisang humikbi. 

"T-Talaga pong hindi kayo nakakaalala. Kawawa naman po kayo. Dahil sa pagpapasakit nila sayo ay tuluyan na pong bumigay ang utak mo," iyak niya kaya napataas ako ng kilay. 

Naawa ba siya o nanglalait? 

"Aish! Ipaliwanag mo nalang sa'kin ang tungkol sa mundong ito!" inis na saad ko kaya pinunasan niya ang luha niya at tumango. 

... 

Zeferos World 

ay may walong kaharian. ito ay ang sumunod:

Reincarnated as Lunatic Princessजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें