Chapter 21

2.2K 120 3
                                    

Feya's POV. 


Isang araw akong natulog... 


Pero parang ang daming nawala sa akin. Napakadami... 


Bakit ba ako nakakaramdam ng sakit, malay mo pinagtataguan lang ako ni Zeke. 


"Teka, kung lahat kayo nandito buong araw... Sinong humulinsa mga monsters?" tanong ko at napabitaw sa inumin ko sa sinagot ni Sidney. 


"Patay na sila..." 


"H-Ha?" taka ko at di makapagsalita. 


"Nagbaba si Prinve Xanthus ng kautusan na patayin ang mga monster kung kinakailangan. E, sa hunting operations ay tumakas at nanlaban sila kaya wala nagawa ang team kaya patayin. Ngayon lang namin na balitaan," paliwanag niya pa. 


'B-Bakit ang dali lang sa kanila pumatay?' 


Napatingin naman ako kay Prince Xanthus at marahas siyang kinuweluyan." Hindi ba nangako ka na huhulihin mo lang sila? Nangako ka kaya nagpaliwanag si Pallete sayo. Sinabi ni Pallete lahat kasi pinagkakatiwalaan ka niya sa pangako mo!!" galit kong sumbat at ramdam ko ang pamamaga ng mata ko habang patuloy ang pagluha, sinabayan pa ng may kung anong bagay na nakabara sa lalamunan ko. 


" T-Teka... Nasaan si Pallette? " tanong ko at tinitigan sila pero lahat sila ay lumihis. 


" Siya ang nagbuhas ng gate sa likod ng academy kaya... namatay rin siya," paliwanag ng isang katabi ni Sidney. 


Halos gumuho ang mundo ko at hindi ko alam kung tatawa ako o maiiyak, magagalit ba o magwawala. Hindi ko kayang makatayo... 


"Bakit ganito agad ang mangyayari... natulog lang ako... Prince Xanthus, natulog lang ako kaya bakit ang dami na agad nawala sa buhay ko?" taka ko. Ang naramdaman ko lamang ay ang pagyakap niya sa akin. 


"Patawad..." ikling sagot niya. 


... 


Everleigh's POV. 


Apat na araw na nag lumipas simula ng may nangyaring patayan sa school sa pagitan ng halimaw at tao. 


Lagi naman naming pinapatay ang monster pagnakakalapit na sa amin pero bakit ayaw ni Feya sa ganoong paraan. Inilibing niya ang mga bangkay ng halimaw na dating sinusunog lang namin.


Simula nun naging malamig muli si Feya, hindi niya na kami kinakausap. Nalaman rin naming walang White Owl spiritual pet ang water o light attributes na ang kapangyarihan ay maging tao. Ang pinakagigimbal saamin ay malaman na hindi pa nagsusumon ng spiritual pet si Feya. 


Kaya ang palaisipan sa school ay kung sino si Zeke? 


Reincarnated as Lunatic PrincessWhere stories live. Discover now