Chapter 16

2.6K 158 0
                                    



"Teka Feya, anong gagawin mo sa asin at may kasama pang tubig? Hwag mong sabihing papakuluan mo siya?" taka niya at nanginig. Mukhang nanginginig sa takot base tindig niya.


Napatingin naman ako sa monster at walang takot parin kaya napatawa ako. Gaya ng inaasahan, mahirap paaminin ang masasama na alipin dahil dihamak na mas takot sila at loyal sa amo nila. Kahit gaano sila kasama ay may side ng ugali nila na kinagugustuhan ko. 


"Kung papakuluan ko siya ay ilang oras lang siya mabubuhay. Baka hindi niya masagot ang tanong ko," sagit ko at nanlaki ang mata nila ng lagyan ko ng tubig ang asin at binabad ko ang latigo ni Sidney. 


"Hoy! Feya! Anong ginagawa mo sa baby whip ko!" galit na sigaw niya.


"Nilagyan ko lang ng mana made in salt," sagot ko at tingnan ang Monster.


"Hindi kita sasaktan kong makiki cooperate ka. Sagutin mo lang tanong ko at palalayain kita," paliwanag ko at tinanggal ang tela sa bibig niya.


"Kahit patayin mo ako hindi ka mamakuha ng sagot mula sakin. Hindi ko ipapahamak ang master ko!" sigaw niya kaya nilingon ko si Sidney para utusang itali sa poste ang monster. Asa naman akong mauutusan ko ang prinsipe.


"Okay, ilang beses mo gustong mamatay?" tanong ko ng madiin.


"Isa lang ang buhay ko kaya patayin mona ako agad!" sigaw niya at napakatamang parin.


"Pero para sakin immortal ka," asar ko bago hinampas ang latigo sa katawan niya. Napahiyaw niya ng malakas na umugong hanggang sa labas ng school at nakatawag pansin sa mga studyante.


"A-Anong klasing mana ang meron sa latigo na yan! B-Bakit napakalakas ng epekto sak-kin," utal utal niyang pagtatanong. Inulit ko naman ang paglubog sa asin bago siya tininganan.


"The new attributes, Salt," pabalang kong sagot at napa smirk. Hinampas ko pa siya ng hinampas at halos ikamatay niya ang sakin.


...


Halos matakot ang mga studyante ng makarinig ng unggol ng halimaw kaya dali dali nilang hinanap kung saan galing at nasilayan si Feya na nilalatigo ang halimaw kasama ang prinsipe at si Sidney na nasa likod.


Napalunok ng laway si Sidney at dahan dahang lumapit kay Prince Xanthus.


"Kamahalan, ano gaano ba kasakit ang latigo namay kasamang asin?" tanong niya at tiningnan lang siya ni Prince Xanthus at tinuro ang asinan.


"Ilagay mo sa sugat mo para malaman mo," sagot ni Prince Xanthus nilingon naman ni Sidney ang mga studyante sa labas na mukhang nanonood ng horror film.


Hindi dapat nanonood ang mga katulad niyo rito! Magsibalik kayo! " sigaw niya pero pinigilan siya ng prinsipe.


"Hayaan mo sila, kailangan nilang makita kung paano mahirapan ang kasamahan nila," saway ni Prince Xanthus na halatang pinapatungulan ang mga monster na nagbabalat kayong tao para makapuslit sa loob ng academy.

Reincarnated as Lunatic PrincessWhere stories live. Discover now