Special Chapter 1: True god, the beginning

2.1K 69 0
                                    




Sofia's POV. 


"Hahaha, teka sandali. Saan galing itong sulat?" taka ko habang hawak ang sulat at hinabol ako ni Chiara. 


"Sofia, akin na. Wala lang iyan, galing lang yan sa mortal!" defensive na sagot ni Chiara. Nang makalayo si Sofia ay inumpisahan niyang basahin. 


"Mahal kong Chiara!" sigaw na basa ni Sofia pero nang makita kung saan galing ay natulala siya. Agad namang lumitaw si Chiara at hinablot ang sulat. 


"Chiara, kailan pa kayo nahulog sa isa't isa ni Aegeus?" taka ni Sofia kaya hindi nakatingin ng diretso si Chiara. 


"A-Ano... matagal na. Inilihim lang namin sayo, kasi alam naming magagalit ka," sagot ni Chiara. 


"Alam mo ba ang mangyayari sakaling magkatuluyan kayo?" sermon ni Sofia kaya tumango si Chiara. 


"Sofia, gusto kong magmahal. Kahit pa ako ang liwanag at siya ang dilim. Pwede naman ata kaming magmahal diba? Gusto kong malaman kung ano ang pag-ibig at ngayon na unawaan kona. Sofia, sana payagan mo kami, huh?" ani pa ni Chiara kaya tumahimik ng ilamg segundo si Sofia. 


" Chiara, pinagbabawal kayong magsama at ako nag pumapagitan sa inyo. Pagsinuway niyo ang tungkulin niyo ay kailangan ko kayong patayin. Katulad ng sinabi satin bago tayo mabuo, " babala ni Sofia kaya lumuhod na si Chiara para mag makaawa. 


"Sofia, pagbigyan mo na ako. Tsaka hindi ba ang kapangyarihan mo ay pinagsamang akin at kay Aegeus? Kaya may possibilities na pwede kaming magsama hindi ba?" tanong ni Chiara, wala namang nagawa si Sofia kundi pag bigyan si Chiara. 


"O, sige. Pero, tandaan mo kapag may ginawang mali si Aegeus na ikasisira ng mundo at gamitin ka niya ay..." hindi na nakatapos si Sofia dahil niyakap siya ni Chiara. 


"Oo na, ako na ang aako ng kasalanan sakaling magkamali kaming dalawa. Bakit ba ang init ng ulo mo kay Aegeus? Mabait naman siya ah, nabuhay lang talaga siya gamit ang dilim kaya ganoon ang kapangyarihan niya pero sa loob loob niya napakabait niyang tao," mahinahong sambit ni Chiara at ngumiti. 


Lumipas ang ilang taon ay napabayaan ni Chiara ang tungkulin niya at palaging sinasalo ni Sofia ang lahat. Dahil tatlo lang sila na naglilingkod at palaging nakatuon ang dalawa sa pagmamahalan ay hindi nagtagal lahat ng problema at obligasyon ay kay Sofia napunta. 


"Kaya mo yan Sofia! Sofia means wisdom kaya magagawa mo lahat gamit ang talino! Go!" cheer niya sa sarili niya nang biglang dumating si Chiara. 


"Napansin mo ba si Aegeus?" tanong ni Chiara kaya umiling si Sofia. 


"Kung ganoon nasaan kaya siya nag punta?" taka pa ni Chiara. Tumayo naman si Sofia sabay ngiti. 


"Ako na maghahanap, tapos papatayin ko siya dahil pinaghihintay ka niya! " sigaw pa ni Sofia at hindi na hinintay ang sasabihin ni Chiara para umalis. 

Reincarnated as Lunatic PrincessWhere stories live. Discover now