Epilogue

2.9K 114 4
                                    

Epilogue

10 years later
.
.
.

"Feya, please gumising kana..."

"Feya..."

'Sino ang natawag sakin?'

'Nasaan ako?'

'Ang nababasa ko sa libro pagtapos ng mahabang journey sa ibang mundo ay babalik sila sa tunay nilang mundo at aalahaning panaginig lang ang lahat.

Nang umulat konang mata ko at inaasahang ang Earth makikita ko ay nagkakamali ako. Bumungad sakin si Everleigh at mga bata sa tabi niya. Nakasuot siya ng korona kaya sa tingin ko ay siya ang nagmana ng trono.

"Mommy, gising na si Tita!" sigaw ng mga bata na nasa 6 at 8 years old. Halos di makagalaw si Everleigh at umagos ang luha.

"Buhay ka? Buhay ka Feya!" sigaw ni Everleigh sa tuwa sabay yakap sakin.

"T-Teka... hindi ba patay na dapat ako?" tanong ko at inilibot ang paningin ko sa kwarto.

"Iniluwa ka ng Dimension bago pa maglaho. Pero si kuya hindi na namin nakita," sagot niya at bakas ang panlulumo.

"Eh, si Zeke? Nakita niyo ba siya? May sinabi ba siya? Babalik ba siya rito?" sunod sunod kong tanong na ikinataka niya.

"Sinong Zeke?" pabalik na tanong niya sakin at napatawa.

"Sino pa ba, si Zeke ang god of Z..." Bigla akong nahilamusan ng katotohanan ng biglang makita ang status ko.

"C-Com-moner?" baso kaso habang pinipigilang kumunot ang noo.

"Oo, nawala lahat ng attributes mo sa laban kaya commoner nalang ang status mo. Pero, hwag kang mag alala, parte pa parin ng royal family kaya maari kang manirahan sa palasyo. Alang alamg kay kuya," pag ch-cheer niya pero hindi yon ang punto ko. Dahil kung commoner ako ay hindi ko na makikita si Zeke. Wala nang pag asa...

" K-Kung gagawin niyo lang naman din akong commoner bakit hindi niyo nalang din tinanggal ang alaala ko. NAPAKASAMA MO TALAGA! " sigaw ko at humagol gol sa pag iyak.

1 month later...

"Feya, sure ka bang aalis kana?" tanong ni Queen Lorraine.

Napanginti naman ako at napahawak sa bag ko sabay tango ng ulo.

"Gusto kong maglakbay kaya wala nang atrasan ito," pagpapaalam ko sa kanila. Narito ngayon si saharapan ko si Queen Lorraine at King Stell. Si Leia naman ay napangasawa si Prince Sidney, ang kumag... I'm sure dahil sa mabait si Leia ay siya nagawa ng tungkulin ng isang hari. Hyst! Si Natalie naman ay kay Prince Max.

10 years na pala akong natutulog at marami ng nagbago at ngayong gising na ako ng isang buwan kahit isang minuto ay hindi ko nakita si Zeke. Alam kong nadalaw siya pero dahil commoner nalang ako ay nahinto ako kasabay ng oras. Ramdam ko minsan na may humayakap sakin at ang isang segundong naging isang oras pero sana makita ko na siya.

Bago ako umalis ay tumiretso muna ako sa Amberflyer Mansion para magpaalam. Ang naabutan ko lang ay lumang mansion at binuksan ito ng kahawig ni Kaori.

"A-Auntie?" tawag niya sakin. Mga nasa 9 years old niya at normal ang suot. Napahayakap siya sakin at binaon ang mukha niya sa damit ko.

"Auntie... patay na po si mommy. Iniwan niya na po ako, si Daddy naman po ay may ibang babae," pagsusumbong niya na ikinagalit ko. Umupo naman ako para magpantay ang height namin tsaka binigay ang token ko.

10 years na akong na comatose at naghirap pala talaga si Kaori at iniwan ang anak niya rito. Nakakahayop pa ang ama ng anak niya.

I sighed. "Magpakatatag ka. Ikaw ang descendant ng mga Heroes at wala kang ibang maasahan kundi sarili mo lang. Pasensya na pero may hahanapin si Auntie kaya hindi kita maalalagaan. Pumunta ka sa palasyo at ikwento mo sa reyna ang nangyari at ipakita mo nag Jade pendant ko," paliwanag ko at binigay ang titulo sa kaniya bilang Eldest daughter in Amberflyer Mansion.

Tumahan naman siya sa pag iyak at niyakap ako pabalik nang nakangiti.

Sinamahan niya rin ako papunta sa dati kong kwarto.

" Auntie, lagi pong kinukwento ni mommy ang tungkol sayo at sabi panatilihin daw po itong malinis. S-Si n-nabi niya rin po n-na sa oras na mak-kita ko po kayo ay s-sabihin k-ko sayo po na p-patawad daw po," utal utal niyang sabi na pinipigilan ang pag iyak.

Sinuri ko nag paligid at kahit ilang taon na na ang lumipas ay hindi parin nagbago ang kwarto.

*Smile

Ayokong malungkot ngayong wala na si Zeke. Pero, namimiss ko siya at naalala ang unang pagkikita namin rito kung saan sinalubong niya ako.

Namimiss ko na siya!

Hindi mapigilang tumulo ang luha ko at matumba.

"Zeke, nasaan kana ba?" tanong ko sa mahinang boses.

"Zeke!!" sigaw ko at napapikit at hinihiling na huminto ang oras.

"Zeke! paghindi ka lumabas, magpapakasal ako sa iba!" sigaw ko pa habang natatakot na imulat ang mata ko.

"Tandaan mo paglumabas ako sa kwartong ito ay sisiguraduhin kong kakalimutan na kita!" singit ko.

Biglang may humatak sa kamay ko at agad akong hinadkan.

"Z-Zeke?" tawag ko.

"Oo ako nga. Idilat mo ang mata mo para makita mo ako," aniya pero umiling ako at hindi nangahas dumilat.

"A-ayoko!" pagtanggi ko. Hinawakan niya ako sa pisngi at para makasigurado na hindi siya mawawala ay hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kamay niya.

Nang idilat ang aking mata ay halos wala akong mapaglagyan ng tuwa. Mabilis kong inilapat ang labi ko sa labi niya at yakapin siya.

"Akala ko hindi mo na ako pupuntahan," aniko at niyakap siya ng mahigpit kahit pa hindi na siya makahinga, hindi naman siya mamatay kahit mawalan siya ng hininga.

"Magpapakasal pa tayo hindi ba? Tsaka lalagyan pa natin ng laman ang tyan mo." At nagawa niya pang magbiro after 10 years.

"Tumigil ka nga, nangangasar ka pa talaga!" sigaw ko at kinuha ang unan sabay hampas sa kaniya na ikinagulat niya.

"Akala ko ba miss mo ako? Tapos aawayin mo nanaman ako?" taka niya kaya pinigilan kong tumawa. Namilog nalang ang mata ko ng bigla siyang lumitaw sa harap ko at pinalupot ang braso niya sa bewang ko.

"Feya, naiingit ako. May anak na sila tapos tayo wala pa," aniya sabay tingin sa damit ko. Napangiti ako sabay pumulupot sa inulupot ko ang kamay ko sa leeg niya at siniil ko siya ng halik.

'Salamat, dahil natupad ang hiling ko.'

*Smile

THE END

Reincarnated as Lunatic PrincessWhere stories live. Discover now