Chapter 6

4.8K 242 3
                                    

Third Person POV.

Habang nakaluhod sa gitna ng carpet si Feya, sa harapan ng hari ay makikitang nakangiti ng bahagya si Prince Xanthus. Napansin din ito ni Lady Kaori kaya lalo siyang nanggalaiti.

"Haha, Tumayo ka. Isa kang divine maiden na ipinadala ng kalangitan. Kung hindi dahil sayo ay hindi maisasagawa ang pagpili sa susunod na reyna. Ikaw ang ginamit ng diyos upang mag representa sa kaniya," paliwanag ng hari kaya napasinghap sa galit si Kaori. Kinuyom niya ang palad niya kaya agad na lumapit si Madam Tatiana (ina ni Kaori/duchess) para pakalmahin ang anak niya na mukhang susugod na sa'kin.

"Kumalma ka, baka mapansin nilang lumilihis ka sa utos ng hari. Sumunod kana lang at sakaling matapos na ang kahihiyan na ito ay tsaka mo parusahan ang lunatic na anak sa labas nayan," bulong ni Madam Tatiana kay Kaori.

"Umpisahan na ang seremonya!" sigaw ng tagapagbalita at ipinatunog ang trumpeta.

Tumayo si Lady Feya sa harap ng maraming tao at habang si Kaori ay nanlilisik ang mata na nakaharap sa kaniya.

"Magbigay galang!" sigaw ng tagapagbalita at ayaw man gawin ni Kaori ay pikit mata niya paring sinunod. Lumuhod siya sa harapan mismo ni Feya na walang ibang ginawa kundi bumungisngis.

"Ikalawang paggalang!" ani ulit ng tagapagbalita at kasabay ni Kaori ay sumabay rin pati ang mga taong imbitado sa kasiyahan.

"Ikatlong pagga-"

"Sandali lang!" Itutuloy nasana ng tagapagbalita ang huling seremonya pero biglang tumutol ang Prinsipe.

"Mahal na Prisipe..." pagpapaawa ni Kaori pero hindi sa kaniya nakatingin ang prinsipe kun'di kay Feya.

"Hindi kalooban ng diyos ang pagpili sa reyna. Kun'di... pinlano lamang ng isang ordinaryong tao," pagsisiwalat ng prinsipe at hindi inaalis ang tingin kay Feya.

"Paanong?..." sa sobrang pagkagulat ni Feya ay hindi niya napigilan ang tanong sa isip niya na lumabas sa mismong bibig niya.

"Naalala mo ba ito?" tanong ng prinsipe at ipinakita ang isang pendant na jade kay Feya na may nakaukit na pangalan niya.

"'Yan ang sagisag ni Lady Feya, hindi dapat iniwawala ang sagisag. Paano 'yan napunta sa prinsipe?" tanong ng isang duke kaya namuo sa conclusion ni Duke Willy na si Feya ang may plano nito.

"Feya!" sigaw ni Duke Willy sa galit. Napahinga ng malalim si Feya at ikinuyom ang kaniyang kamao.

*Flashback*

"Kamahalan mukhang may mali po sa hula ng luminous stone," sabat ng shadow guard. Lalapit na sana si Prince Xanthus sa mga priestess nang may natapakan siyang pendant. 

'Eldest Lady Feya'  - basa niya at napa-smirk. 

"Ano ang background ng panganay na anak ni Duke Willy?" tanong ni Prince Xanthus sa shadow guard. 

"Kilala po siya bilang isang lunatic at hindi siya pinapahakbang sa labas ng mansion upang hindi na maging kahihiyan sa lahat," sagot ng shadow guard. 

"Kung ganoon kailangan mong magmanman sa mansion ng Amberflyer. Ngayon mismo," utos ni Prince Xanthus at agad sumunod ang shadow guard. Ilang oras lang ay bumalik ang shadow guard sa office ni Prince Xanthus upang magbalita. 

"Kamahalan, may kahinahinala pong tao sa mansion kaya sinundan ko. Nagtungo siya sa tuktok ng mansion at may ina-assemble na isang machines at ikinonekta sa pond. Hindi ko po malaman kung ano iyon dahil masyadong kakaiba ang paggawa niya ng machinery. Sinudan ko pa po siya at na kumpirmang si Lady Feya po iyon. Ginawa niya po lahat ng kakaibang bagay nang siya lang mag-isa," pagbabalita ng shadow guard at medyo nalilito parin. 

Reincarnated as Lunatic PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon