Chapter 5

5K 254 3
                                    

Naiwang tulala si Prince Xantus nang maglaho ang babaeng spy na nahuli niya. Parang isang kurap lang ang ginawa niya at natakasan na agad siya.

"Kamahalan, ayos lang po ba kayo?" tanong nang shadow guard niya.

"Mukhang pati kayo ay natakasan ng spy. Kakamangha," aniya at nilingon ang mga priestess.

"Kamahalan, baka nasa priestess lang siya nagtatago," conclusion ng shadow guard niya at nilabas ang knight sword niya.

"H'wag kang gagawa ng makakaalarma sa mga tao rito. Tandaan mong lihim ang pagpunta natin rito," babala ng prinsipe kaya sumunod ang guard.

"Chief Priestess! Nagliwanag ang Luminous Stone at isang sulat ang lumitaw mula sa bato." Narinig ng prinsipe ang kasiyahan ng mga Priestess kaya na curios siya.

"Ano ang nakalagay?" tanong ng Chief.

"There has a two ashes but only one can be phoenix. However the new ashes need respect the old if she want the throne. The new ashes will be raise as a phoenix if she will follow the old ashes but if she will offend her senior it can start a chaos and she will becoming a jinx," pagbasa nila.

" Ano po ang ibig sabihin nito, " ani ng mga baguhang Priestess.

Napasinghap naman ang Chief. " Kung ganoon ang magiging future queen ay walang iba kundi si Lady... "

Nang mag-umaga ay naging masayang fiesta ang buong Zahra Kingdom at sinalubong ng ngiti ng bawat tao ang pagdiriwang. Lalo na't karaawan ni Duke Willy. Halos lahat ng baroness at mga duke ay nagsipagdalawan sa mansion ng Amberflyer. Samantalang si Feya ay mas hinigpitan pa ng seguridad upang hindi makatakas at walang makalapit sa kaniya dahil isa siyang kahihiyan sa pamilya.

"Napakasama nila! Tuwing may pagdiriwang ay kinukulong kayo na masahol pa sa preso na akala nila na hindi ka nila kadugo," pagmamaktol ni Lian habang si Feya ay sitting pretty at nakain ng ubas.

"Don't worry, maya-maya lang ay kakailanganin nila ako," bigkas ni Feya.

"Lady, ano ba talaga ang pinaplano mo?" tanong ni Lian.

"Hindi naman sa hindi kita pinagkakatiwalaan pero mas magandang manood ka nalang. Medyo hindi kasi exciting ang palabas kung may spoiler," paliwanag ni Feya kaya napaupo nalang si Lian at nag-iisip parin ng malalim.

"Grabe, hindi parin ako makapaniwalang nakalabas kayo ng mansion. At satingin ko hindi na ang dating Lady Feya ang kaharap ko ngayon. Parang ibang tao kana at mas tumalino ka po," hanga ni Lian kaya napahinto si Feya.

"Lahat ng tao nagbabago, lalo na kung napagod na sa panloloko at pagmamalupit ng iba," sagot ni Feya.

Sa kabilang banda ay habang nagbibigay ng regalo kay Duke Willy ay personal na dumating ang hari at kasama si prince Xanthus pati ang Chief Priestess.

"Kamahalan," paggalang ng lahat.

Lumapit naman si Duke Willy at lumuhod sa harapan ng hari.

"Kamahalan, ano pong maipaglilingkod ko," bungad ni Duke Willy. Inalalayan naman siya ng hari tumayo.

"Nandito ako para personal na ibigay ang aking regalo," saad ng hari at senenyasan ang Chief Priestess.

Makikita naman si Lady Kaori sa gilid na nakatutok lang ang tingin kay Prince Xanthus at namumula habang nakangiti. "Prince Xanthus..."

Humakbang papalapit ang Chief Priestess bago nagsalita. "Alam na po namin kung sino ang susunod na reyna at makakaisang dibdib ni Prince Xanthus," pag-announced ng Chief kaya nagulat ang lahat at inaasahan na si Lady Kaori ang magiging reyna.

Reincarnated as Lunatic PrincessWhere stories live. Discover now