Chapter 22

2.1K 112 0
                                    


"HINDI AKO PAPAYAG! Halos wala pa nga siyang napapatunay sa laban kumpara sa akin na ilang beses ng nakipagdigma! Hindi niya rin ma kontrol ang attributes niya at niloko tayong nakapag summon siya!" hindi pagpayag ni Max kaya napataray nalang ako.  


"Wala siyang napuntahang laban pero kaya niyang makipag sabayan kahit walang ginagamit na attributes," singit ni Stell na minsan lang magsalita at laging nasa gilid ni Prince Xanthus. 


"Stell! Hwag mong sabihing pumapanig ka sa kaniya? Ipagkakatiwala mo ang buhay mo sa isang mahina?"


"Nakapasok siya sa Church, napailaw ang Luminous Stone, Nakagawa ng kidlat gamit ang isang machine at dahil sa kaniya ay nakakuha tayo ng kaunting imposrmasyon tungkol sa mga Monsters kaya sabihin mo sapat na bang patunay yon?" pagtatanggol ni Prince Xanthus sakin at halos hindi sila makapaniwala.


" Ah! Basta! Papayag lang ako na sumunod sa kaniya sakaling makapagpalabas siya ng spiritual pet katulad ni Weish! " 


Halos puno ng pagtatalo sa pagitan nila, mukhang ayaw talaga nila akong mag lead. Bahala sila pero sana hindi nalang ako pumunta rito. Sabagay, malakas kasi si Prince Xanthus at dalawang Legendary ang attributes niya kaya kung ako rin papapiliin ay sa kaniya ako sasama. 


" Hyst! Alam niyo bang ang rescue mission na ito ay magiging hunting ground nila?" sabat ko dahilan kaya napatahimik sila at nilingon ako. 


I sighed. "O, sige. Attributes lang naman ang problema ko rito diba? At kung makakasummon ako ay hindi na ba tayo magkakagulo rito?" saad ko para makumbinsi sila. Sinundan naman nila ako sa likod ng academy para mapanood ang summoning.


Tumingin ako sa status screen ko bilang Feya at napatingin sa attributes ko dahil malabong makakasummon ako gamit ang Light attributes. 


" Hindi pa ako nakakasummon sa Light attributes kaya hindi ko alam kung gagana ito," mahinang bulong ko. Biglang napasok sa isipan ko si Zeke at napangiti ako ng mapait. 


'Zeke, nakailang summon na ako pero hindi ka parin nagpapakita. Sabi mo display lang ang attributes ko bilang Feya diba? Kaya sana magpakita ka... I miss you. Nasaan kana? Bakit hindi ka nagpapakita? Hindi ka manlang ba magpapaliwanag sakin kung bakit ayaw mong lumabas? Galit ka ba? Alam kong naririnig mo ko, kaya magpakita kana. '


"Feya, anong oras pa ba bago ka matapos sa ritual mo?" Agad silang nagtawanan. 


"I summon you..." Napapikit ako sabay lapat sa ere ng kamay ko at pinakiramdaman ang paligid. 

"Zeke..." 


Hinintay kong may tumawag sakin na boses niya pero wala talaga. Tuluyan na niya akong nakalimutan. 


Napadilat nalang ako ng mata dahil sa sigaw ni Natalie. "Zeke ka ng Zeke! Nakakailang beses ka ng nasasabi ng Zeke pero bigo ka parin, nakakahiya ka! Tiyak akong magiging walang kwenta kang reyna kung sakaling ikaw ang mapili! Maganda ka lang pero wala kang KWENTA!" 


Actually, ilang beses na akong nakakarinig ng lait. Ilang beses na ngunit hindi ako nasasaktan. Pero... bakit sa tuwing naalala ko si Zeke ay may kung anong sumasaksak sa puso ko. Hindi ako makahinga. Siguro dahil siya ang unang naging kaibigan ko sa mundong ito, ganto pala kasakit mawalan ng kaibigan? 

Reincarnated as Lunatic PrincessWhere stories live. Discover now