Chapter 19

2.5K 127 9
                                    


Nang makatulog si Feya ay muli ulit bumaba si Zeke para alamin ang laman ng librong tinatago ni Feya. Napangiti siya ng makita si Feya na mahimbing na natutulog. 


"Hindi sa hindi kita pinagkakatiwalaan pero naninigurado lang akong hindi ito tungkol sa Cosmic Attributes. Kahit anong mangyari ay hindi mo pwedeng mai master yon," pagkausap ni Zeke habang tulog si Feya. Sinuri niya ang paligid at nakita niya ang libro sa ilalim ng unan ni Feya. Kaniyang inilapat ang kamay niya sa ere para iangat ang libro gamit ang magic, ngunit gaya nang inaasahan ay hindi natalab ang kapangyarihan niya kay Feya.


" Alam kong kakaiba lahat ng taga Earth pero... mas kakaiba ka," sambit niya kaya wala siyang nagawa kundi ang lumapit para kunin ng personal ang libro. Dahan dahan siyang gumapang at abutin ang libro ngunit biglang lumikot si Feya.


"Teka... hwag niyo silang patayin..." pagsasalita ni Feya nang nakapikit. Huminto ng saglit si Zeke at inabot muli ang libro nang bigla siyang hilain ni Feya kaya napadagan siya at napalapit ang mukha kay Feya.


"Ako nalang... Ako nalang ang patayin niyo..." salita ni Feya nang may tulong patak ng luha habang nakapikit. Hindi napigilan ni Zeke na mapatitig kay Feya at initukod ang kaniyang siko sa gilid para magsuportang maipaglayo ang katawan niya kay Feya. Muli naman siyang napatingin sa kamay niya na hawak ngayon ni Feya at kakalas sana ngunit na distract sa mga luha sa kukha ni Feya.


"Hindi ka nakatulog kakaisip sa mga monster at ngayon nakatulog ka ay hinahabol ka ng konsensya mo kahit sa panaginip?" pag aalala niya. Hinawi naman niya ang nakatakip na buhok sa mukha ni Feya sabay punas ng luha. Hindi niya napigilang mapatitig sa maamong mukha ng dalaga. 


Inalapit niya ang kamay niya sa pisngi ni Feya at bahagyang napangiti. Ngunit nang masangi niya ang labi ni Feya ay napahinto siya. Pinagmasdan ang mapulang heart lip ni Feya at hindi namalayan ang dahan dahang paggalaw ng kaniyang sarili na pumalapit ng maiigi kay Feya at ipaglapat ang kanilang mga labi. 


Halos isang pulgada nalang ang pagitan nila nang matauhan si Zeke at dali daling tumayo. "Anong pag iisip ba ito!" sigaw niya tsaka naalala ang mission niya na kunin ang libro pero naalala ang sinabi ni Feya na ito'y Red Book dahil kaya lumakas ang tibok ng kaniyang puso.


'Maybe she's right. It is just a nonsense book! Kind of... e-erotic nov-vel," pagkukumbinsi niya sa sarili niya. Aalis na sana ngunit narinig ang paghangos ni Feya na nagbabadyang umiyak.


" Dont! D-Dont kill them! " sigaw ni Feya na ani mo' y nababangungot. Hindi napigilang mag-alala ni Zeke kaya agad siyang lumapit at hinawakan si Feya. Tumambad sa kaniya ang namawis at mataas na temperatura ng katawan ni Feya kaya siya nataranta. Sa pamamagitan ng telepathy ay naghatid siya ng mensahe kay Exe at ilang segundo lang ay lumitaw na sa harap niya. 

"Bakit mo ako pinatawag?" tanong ni Exe kay Zeke.


"Gamutin mo siya," turo niya kay Feya at napakunot noo si Exe.


"Mas malakas ka sakin kaya ikaw dapat ang gumawa niyan at isa pa nasa mundo mo siya," sagot ni Exe. Pinigilan mataranta ni Zeke at huminga ng malalim.


"Hindi nagana ang kapangyarihan ko sa kaniya kaya gawin mo nalang!"


Reincarnated as Lunatic PrincessWhere stories live. Discover now