Chapter 18

2.7K 144 6
                                    


Pinihit ko ang doorknob at saktong bubuksan nang maalala kami lang pala ni Zeke ang nasa loob ng kwarto na ito baka kung ano isipin nila.


"Zeke, magtago ka!" utos ko pero nakapagtatakang hindi siya nasunod. Alam ko kahit ayaw niya ay susunod siya sakin kasi master niya ako pero bakit hindi nagana.


"Tsk! Pauwiin mo na ako kung gusto mo," hamon pa niya pero kung gagawin ko yon babalik naman siya rito as god. 


'Bwisit ka talagang mokong ka!'


Napangiti naman siya ng bahagya at napansin niya ata na hindi nagana ang paguutos ko kaya humakba siya papalapit sakin." Mukhang may tumalab sa gamot na binigay ni Exe," aniya. 


Sino bang Exe yon? Asawa niya ba yon? 


Nanlaki naman ang mata ko ng ihawi niya ako at buksan ang pinto nang walang pasabi. Tumambad samin sina Prince Xanthus, Sydney at mga kasama pa nila. 


"Good evening, pasok kayo," bati ni Zeke at nagkatitigan pa sina Prince Xanthus at siya bago magsalita. 


'Teka? Hwag mong sabihing na love at first sight siya kay Prince Xanthus? Love triangle na ba ito? Handa akong magparaya at i cheer ang pinaka bawal na pag ibig.' 


"Anong ginagawa niyong sa kwarto na kayong dalawa lang magkasama?" diing tanong ni Prince Xanthus, magsisimula na sana akong magpaliwanag para hindi lumaki ang gulo pero biglang sumabat si Zeke at balak akong ipahamak. 


"Hulaan mo..." sabat ni Zeke at hindi parin sila nakalas sa titigan habang ang mga kasamahan naman ni Prince Xanthus ay hindi makapagsalita. Pero nakapagtataka lang dahil pag love at first sight ay nakakaramdam din naman ng kilig ang manonood na kagaya ko pero ngayon ko kolang maramdaman na parang magpapatayan ang dalawang magsing irog. 


'Hindi kasi ako fan ng BL kaya hindi ko alam kung normal ba ang gantong pakiramdam sa paligid.' 


"Sino ka, anong ginagawa mo sa Girls Dorm at sa silid pa talaga ni reyna ko?" tanong ni Prince Xanthus. 


'Pero...'


"Huh? Reyna mo?" taka ko kaya napatawa si Zeke. Nakakatawa ba sinabi ko. 


"Mukhang ikaw lang ang nagpapantasya ng ganyang bagay," ikling ani ni Zeke. 


"Hyst! Hindi ko talaga kayo ma gets! Magkakatitigan lang ba kayo dyan o gagawan na kayo ng moves para sa isat isa. " sigaw ko at pinagtinginan nila ako. 


'Nakakatakot naman pala ang BL romance'


...


Dahil sa maling akala ni Feya ay inakala nila Zeke at Prince Xanthus na gustong niyang paglabanin ang dalawa. Lalo namang naginit sa galit ang prinsipe. 

Reincarnated as Lunatic PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon