Chapter 10

4K 188 2
                                    

"Feya! Feya! Gumising kana! Malalate ka na kung hindi ka babangon ngayon!" naalimpungatan ako sa ingay ng kadorm ko at pagyugyog sa'kin.

"Oh... Nu ba... Natutulog pa ang tao... Ang kulit niyo naman!" daing ko dahil nalalasap ko pa ang hakdog sa panaginip ko. Hakdog (hotdog), meyklop (meatloaf) tapos spaghetti at pizza. Gosh! Ang sarap.

"Feya! BUMANGON KANA!" parang nabasag ang eardrums ko ng biglang sumigaw si Leia kaya mabilis akong bumangon. 

"Teka, dati ka bang elepante? Sa lakas ng sigaw mo sure akong rinig sa labas ang boses mo kahit soundproof ang dorm," irita ko. Kinusot ko muna ang aking talukap bago kinuha ang Alarm ko.

"6:30 am," basa ko at matutulog na sana ng maalala ko ang schedule ko.

"7:00am ang start ng classes..." Napalaglag panga ako at hindi makahinga.

"6:30? AISH! Bakit ngayon niyo lang ako ginising!" sigaw ko at humarurot sa banyo.

'Shet, please bumababa sana ngayon ang kumag na diyos na 'yon para huminto ang oras!'

Matapos kong magligo at mag-ayos ay kinaladkad ko agad ang bag ko palabas hanggang sa makarating ako sa room.

" SIR, SORRY I'M LATE! " sigaw ko pagbungad palang ng room pero...

*Whoos!! *

Nakatingin kang sila lahat sa'kin at ilang segundong tumahimik ang room.

"Hehe, Peace?" - Feya

"Since First day ngayon ay pagbibigyan ko ang ang pagiging late mo ngayon. NGAYON LANG! MALIWANAG!" pananakot ng terror naming teacher. 

Umupo naman ako sa tabi ng bintana at inilabas ang schedule ko dahil hindi ko pa ito initingnan. Ano 'tong subject na pinasok ko. 

History 

Summoning/Taming

Spell

Break

Equipment/Physical Strength

Healing

Guardian Course

Napasinghap ako ng malalim bago nakinig sa teacher namin. 

"Ang Category sa school na ito ay binubuo ng walong ito ang Guardian

Rogue

Warden

Wizard

Sorcerer

Psion

Artificer

Warrior. 

Ang Guardian ay ang mag priestess, scholar ng bawat bansa at kayo iyon. Kayo ang susunod na magiging utak at tagapayo ng bawat nilalang at mahalaga ang papel niyo, " paliwanag niya at napatingin sa'kin biglang ubo.

"Ngunit! May mga pinanganak na Guardian pero ginagamit sa kasamaan ang kapangyarihan. 'Yan ang layuan niyo. Dahil SILA ay ang pinakabanta ng mundo," dugtong niya na halatang ako ang pinapatamaan. 

"Ang mga masasamang ginagamit ang liwanag para manira ng tao ay hindi katanggap-tanggap sa lipunan. Maliwanag ba class? " 

Tumayo naman ako kaya nagsilingunan sila. "Now I know. Salamat po sa pagtuturo niya pero isa lang po ang natutunan ko. Kung anong ang dahilan kung bakit ang masasama ay nananatiling masama at dahil sa kakulangan sa pagtanggap. Alam mo po bang hindi masakit ang physical na sugat kun'di ang emotional," sabat ko. 

" Ms. Feya, napakaaga para ipakita ang madumi mong budhi-"

" Hindi masamang mangatwiran. Ang gusto ko lang ipaglaban ay kabuktutan ng iyong patuturo, para pangaralan ang iba at magabayan sila sa sinasabi mong tama ay may isa kayong taong ibababa? Gan'yan ka ba magturo?" sagot ko at nanahimik silang lahat. 

" Hindi nakakabuti sa pagtuturo ang ikumpara ang iba sa kapwa niya. Ganoon din sa pag-aalaga ng bata. At pangalawa! Hindi niyo alam ang tunay na pinagdaanan ko para husgahan niyo," dugtong ko pa. 

" Ms. Feya, get out! " aniya. 

Naramdaman ko nalang na tumulo ang luha ko kaya napapunas agad ako. Kinuha ko agad ang bag ko at mabilis na umalis ng school. 

" Hay! Ito nanaman ako, napakabilis ko talaga magalit kaya lagi akong napapahamak," bigkas ko at napatawa ng bahagya. 

Flashback...

"Juliana, ayos ka lang ba? Mukhang masama ang pakiramdam mo. May gumugulo ba sa isipan mo? Kung meron man ay pumunta ka lang sa faculty ko at handa akong makinig sayo. 

'That time, pumunta ako sinabi ko ang tungkol sa nalaman ko. Ang tungkol sa Tatay ko? Dahil sa curiosity ay hinagilap ko ang gamit ni tita at nakita ang hindi ko dapat makita. Ang larawan ng isamg lalaking at babaeng may hawak na sanggol. At dyaryo ng pagpatay kay mommy at ang last wish niya na mailayo ako sa daddy ko. Sinabi ko yon sa teacher ko pero isang araw kumalat ang tungkol sa pagkatao ko. Kinamuhian ako... Ginagawang masamang ihemplo kaya nang lumipat ako ng school ay hindi na ako naging open sa lahat. Hindi na kahit na kelan...'

End of Flashback

"Miss, bakit nandito ka sa labas? Hindi ba oras ng klase?" 

Nilingon ko kung sino ang nagtanong at bumungad sa'kin ang apat kalalakihan nakaputi ang uniporme. Hindi ko alam kung dito sila nag-aaral. 

"Feya?" Nilingon ko ang tumawag sa'kin at nakita si Prince Xanthus na nakasuot din ng uniporme na katulad sa apat. 

"Tsk!" pag-ismid ko. 

"Nasampal ka na ba ng katotohanan? Na kahit nasa tama ka ay hindi basta basta nakukuha ang hustisya sakaling makuha mo man ay huhusga parin sayo. Alam mo kung magiging reyna kita ay siguradong walang magmamaliit say-" 

Hindi ko na siya pinatapos at lumapit sa kaniya at marahas siyang sinampal.

"Kung ganoon galit ang mga teachers sa'kin dahil sayo? Dahil ba sa utos mo?" tanong ko na pasigaw. Napatahimik naman ang mga kasamahan niya. Agad kong hinablot ang kwelyo niya at nilapit sa'kin. 

"Nakakahiya ka! Gan'to mo ba kunin kung ano man ang magustuhan mo? Ibababa mo, papahirapan hanggang sa wala na siyang maging choice kun'di sumunod sayo? GANYAN BA ANG PAG-IISIP NG MAGIGING HARI!" panggagalaiti ko sa galit at sinikipan pa ang paghawak sa kwelyo niya. Tumitig naman siya pabalik at marahas na tinanggal ang kamay ko. 

" Ako ang nagmamay-ari sa school na ito. Lahat ng nakikita mo ay pagmamay-ari ko maging ikaw, " aniya kaya napatawa ako bago tumitig ng walang takot. 

"Makinig ka... Hindi porket ikaw ang susunod na hahalili sa hari ay pagmamay-ari mo na lahat. Ang totoo ay wala kang pagmamay-ari kun'di ang trono lang, ang trono. Lahat ng nakikita mo ay galing sa mamamayan. Puppet ka lang o tauhan para mabuo ang isang matatag na bansa. Ikaw ang utak at wala ka kung wala ang tao kaya matuto kang lumugar. Pag aralan mo kung hanggang saan lang ang limitasyon mo! " sambit ko at hindi na pinapansin kung nakakasakit na ang sinasabi ko. 

" Lapastangan! " sigaw ng isa sa mga kasama niya at hinawakan ako sa magkabilang braso. 

" Xanthus, h'wag kang mag-alala, agad namin siyang ipadadala sa dungeon, " saad nila at kinaladkad ako palayo. 

"Sandali!" 

Pinahinto ako ng mga kumakaladkad sa'kin at marahas na pinaluhod sa harapan ng bwiset na 'to. 

"Bitiwan niyo siya," utos niya na ikinataka nila. Nakangiti siyang lumapit sa'kin at nilapit ang mukha niya sa mukha ko. 

"May punto ang sinabi mo, hayaan mo kukunin kita sa malinis na pamamaraan," aniya bago umalis. 

"Pervert!" 












Reincarnated as Lunatic PrincessМесто, где живут истории. Откройте их для себя