Chapter 34

1.6K 90 0
                                    

Chapter 34

Matapos umalis ni Feya ay naalala ni Zeke si Exe kaya agad siyang naglaho at pumunta sa god Realm.

"Ikaw pala, Zeke!" sigaw na bungad ni Otom.

"Asan si Exe? May gusto lang akong sabihin? Nakita mo ba siya?" tanong ni Zeke at biglang litaw ni Exe na walang emotion sa likod niya.

"Nandito ako. Sa likod mo," sagot ni Exe. Nang lingunin ni Zeke ay ikinataka niya ang paglitaw ng mga gods pa at ang kawal ng gods realm.

"Hulihin niyo siya!" utos ni Exe at agad sumunod ang mga kawal.

"Exe, anong nangyayari sayo? Para saan to?" taka ni Zeke at wala ring nagawa si Otom at Ashton at sumunod kay Exe. Pinalibutan nila ng tubig at bakal si Zeke para ikulong. Hindi rin siya sinagot ni Exe at tumuon ang atensyon sa mga gods.

"I- Activate ang barrier sa Zeferos World. Gawin niyo ang lahat para walang makalabas kahit kakarampot na usok!" utos ni Exe.

"Exe! Nandoon si Feya! At ang sabi lang ay gagamitin natin yan kapag may banta na ng god of Netherworld! Nothingness attributes lang ang kalaban at impossible mag exist yon lalo na wala na kay Feya ang Cosmic!" pangagalaiti ni Zeke pero isang sampal lang ang pinatikim ni Exe.

" Mali ka, dahil na master na ni Feya ang Cosmic. Nilinlang tayo ng alagad ng god of Netherworld at gagamitin ang nothingness attributes para makaalis sa Zeferos World at ma revive ang kapangyarihan niya! Dapat hindi ako naawa sayo. Dapat pinatay ko nalang ang mortal na yon kaysa lumala pa sa ganito! Feya become a pawn and we have to sacrifice her life and the entire Zeferos World in able to protect the humanity. Dahil kapag nakawala ang god of Netherworld ay hindi lang ang Zeferos ang maglalaho!" sigaw ni Exe at tumalikod si Zeke.

Bumuo ang isang invisible shield sa buong Zeferos halos matakot din ang lahat ng gods makarinig ng unggol ng halimaw.

"Itinuring kong ina si Chief goddess, nakita ko kung paano niya ibinuwis ang buhay niya para sa nothingness. Kahit wala ko ng araw na namatay ang 2 true god ay alam kong mas masaklap pa iyon kaysa sa Nothingness.

Bigla namang sumabat si Zeke," Hindi... I will save my wife. No matter what happens kahit ma offend ko ang Chief goddess!" sigaw ni Zeke at ibinuhos ang buong pwersa niya makaalis lang sa pagkakakulong. Agad nagkapira piraso ang bakal at napatalsik si Ashton at Otom.

"Zeke! Gumising ka nga! Maraming mamatay kung magiging makasarili ka! Alalahanin mong nawalan ng kaibigan si Chief goddess dahil sa pagmamahal!" sigaw ni Exe at hinarangan si Zeke na sirain ang barrier.

"Exe, umalis ka!"

"Ayoko! Hindi ko hahayaan na sirain ang barrier para sa sarili mo lang! Hindi yan ang Zeke na kilala ko!"

"Kailangan kong iligtas si Feya! Siya lang ang lahat sakin, siyang ang mundo ko. Hindi ako mabubuhay kung wala siya!" sagot ni Zeke. Napabuntong hininga si Exe at tumingin ng matalim.

"Nabubulag kana talaga, hindi ko hahayaan na mabaliwala ang lahat. Subukan mo lang na lumagpas sa gawi mo, ako mismo ang makakalaban mo," banta ni Exe.

"Exe, Zeke. Tumigil na kayo. Walang magagawa ng away natin kaya imbis na magtalo kayo ay pwedeng mag isip nalang tayo ng paraan," awat ni Otom.

"Huwag mo akong subukan, Exe. Alam mo kung gaano ako kalakas kaya tumabi kana kung ayaw mong maglaho," banta rin ni Zeke. Sila god of snow, night, day at iba pa ay pumunta sa likod ni Ere para suportahan itong pigilan si Zeke.

"Hindi kami ganoon kagaling katulad niyo pero bilang taga sunod ni Chief god ay hindi ka namin hahayaang sirain ang barrier!" sigaw ng gods.

...

Reincarnated as Lunatic PrincessWhere stories live. Discover now